Chap2

27 2 0
                                    

Chap2

Like the fiction story


Pag-uwi ko sa condo nagluto agad ako ng pangtahalian. Dahil nagtagal ako sa supermarket kakain ako ng Brunch.

Nagluto ako ng Beaf Steak. Nilagay ko na lahat ng sahog at matapos halunin tinakluban ko muna ng taklob. Pumunta muna ako sa salas para manood ng tv 10 minutes pa kasing pakukuluin yung steak. Maya mayal biglang may nagdoorbell.

Wala naman akong inaasahang bisita ngayon eh. Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto..."Jill."Sabi niya sabay pasok ng pinto.

Bakit nandito si mama? "Why are you dressed like that? And what are you cooking?" Sabi sabay upo say a sofa pero ako nakatingin lang sa kanya.

Hindi siya pupunta dito kung wala siya kailangan.

Nagulat ako sa biglang pagtawa niya. "I'm sorry..hindi ka nga pala sanay na pumupunta ako dito sa unit mo. Well may sasabihin lang kasi ako." May kinuha sya sa chanel bag nya. "This is a contract and--"

"No. I'm not working on your company. It's final. You can go now." Sabi ko habang lumalayo papunta sa niluluto kong kanin.

"No. It's not about the company. Alam ko namang hindi kita mapipilit. But..this offer is better." Sabi nya ng malambing.

"Whatever it is I'm not interested." Sabi ko at pumunta sa kwarto. Nilock ko ito at naligo. Pagkatapos nagpalit ako ng maluwang na maluwang na t-shirt tapos hindi na ako nag short sanay ako na ganito sa condo.

Tinagalan ko talaga ang pagbibihis dahil mainipin si Mama. Baka nga nakaalis na yun eh.

Lumabas ako at walang kahit anong bakas ni Sherryil 'Gaile' Benitez sa buong unit. Pero napansin kong iniwan niya ang kontrata sa lamesa.

Nilapitan ko ito at binukasan. Nakakacurious. Gustong malaman kung ano to.

So I open it.

Wala akong naintindihan sa ibang nakalagay kundi ang Sheriajil Weathers will be legally married to the son of Olivia Paysche'

Sht. Tell me I'm not in a fiction story.

******

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kwarto paikot ikot lang ako. Pati ako naliliyo sa sarili kong kalokohan kaya naupo na lang ako sa kama.

Ng dahil dun umawas yung sabaw ng beef steak dahil sa sobrang tagal nitong iniinit at pinapakulo. Ni hindi na nga rin ako nakakain at gutom na gutom na ako.

Sana nananaginip ako. Pumunta ako sa Cr at sumampa sa bathtub. Binuksan ko ang shower at naramdaman ko kaagad ang malamig na tubig sa kaninang tuyo kong damit. Ang tanga Jill..sa lahat ba naman ng pwedeng gawin para mapatunayang hindi ka nananaginip eh nagshower ka pa.

Nagpalit nalang ulit ako ng damit at lumabas para matawagan si Mama.

Gusto kong ipaliwanag niya sa akin yung nakita ko. Impossibleng hindi ako yun kasi kami lang ang Weathers dito, nasa Canada na lahat ang kamag anak ko. At ako lang ang naman ang may pangalan na Sheriajil 'Jill' Weathers. (Sheriyadyil) Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay.

Ang pangalwa ay sa side ni daddy at ang isa ay kay mommy. Pareho silang nag-asawa ng iba and it's hard for me to be in between.

Naka-ilang call ako pero hindi nya sinasagot siguro nasa meeting sya. Kaya ang tinawagan ko na lang ay si Hill. Ang bunsong kapatid ko na sa side ni Mama.

Sinagot nya naman agad.

"Yes Jill?" Sya talaga ang pinaka ayaw ko sa mga kapatid ko. Maarte.

"Si Mama."

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon