Twelveth Lap

29 2 0
                                    

Kabanata 12:

Confusion


It's been a one month living hell.

Araw-araw nandito si Wes at araw-araw ko rin syang binabato ng kawali. Napakatigas ng ulo nya. Literal na matigas ang ulo.

Lagi ko nang sinabi sa kanya na wag syang pumunta sa apartment ko pero ang kulit

Tinuringang mayaman pero hindi makabili ng sarili nyang bahay at kalan. Hindi porket't kanya tong inuupahan ko eh dapat lagi syang nandito. BinaYaran ko nga diba?

Asan na yung sinabi nyang 'You'll pay for this'? Ito ba yun? Ang inisin ako araw-araw?

Tss. Medyo effective pero wala syang panama sa akin.

"AHH..ANO NA NAMAN?" sigaw nya. Binato ko na naman kasi sya ng kawali.

"Di ba mayaman ka naman dun ka manuod sa bahay nyo hindi yung dito ka nakikinuod?"

Nanlaki yung mata nya sa sinabi ko. Ano naman ang ikinagulat nya?

Sinabi ko lang naman na wag syang makinuod kasi mayama--I did say na mayaman sya. What to do now? Hindi nga pala alam nina Wes and friends na alam ko na ang history nila.

"Sinabi mo bang mayaman ako?" Tanong nya. At dahil dakila ako sa pagpapalusot,here comes my palusot.com

"Bakit hindi ba? Eh may apartment ka nga eh." Ang utak ginagamit yan hindi ipinapalsak lang.

"Pag may apartment mayaman agad?" Oo. Gusto kong isagot yan dahil alam ko namang mayaman sya.

Pag-naalala ko talaga kung bakit nandito sya--nagtra-tricycle--- parang gusto ko nang magkasecond laugh. Pero pinipigilan ko.

"Edi mahirap ka na." Sabi ko. Maganda ng matapos ang topic na to. "Umalis ka na nga dito." Tumawa lang sya at umalis na rin.

Buti naman makakahinga na ako ng maluwag luwag.

Nakakapagtaka lang. Kasi diba tricycle driver sya. Pero pag weekends lang sya namamasada. May schedule? Hindi ako stalker ha? Talagang napapansin ko lang.

Ang dami ko pa talagang hindi alam sa mundo.

Anong balita sa outside world?

Still ayokong manuod ng news dahil nakikita ko lang ang mukha ng bruhilda kong lola.

Ayun ang mga new friends ko walang pinagbago. Mas naging close pa si Kath at si Zyndel. Bumisita rin si Stan dito last week. Yung boyfriend ni Zyndel. Stan ang tawag nakakalito daw eh. Ayun. Edi ako ang OP. Again.

Si Laine..ok na naman sya kay Zyndel. Minsan nagsha-shopping sila na silang dalwa lang.

Si Pauline..still an advicer. Ewan ko kung san nya yun nahugot lahat.

Si Mae? Ayun medyo move on na. Kasama na sya lagi sa bonding nila. Oo, bonding nila. Hindi naman ako sumasama eh. Bonding, shopping?

Eewww.

At eto ako. Tinatago ang katotohan sa mga lalaki na ako ang nag-iisang Rina Medes. Tinatago ang katauhan para hindi mahanap ng magaling kong lola na nagkalat sa buong mundo na ikakasal kuno ako sa isang lalaking kahit kelan eh hindi ko naman nakita o nakilala. Idagdag mo pa ang pagkabwisit nyang Wes at Liam na yan.

Si Liam naman lagi rin akong pinupuntahan at may dalang bulaklak kaya minsan ang inaabot nya ay ang kawali.

Allergic ako sa bulaklak. Namumula ang mukha ko kapag nakakaamoy ako ng bulaklak. Hindi selective ang allergy ko. Kahit ano pang bulaklak yan..

*********

Today's another hell day. Nandito nanaman ang asungot sa apartment ko. Hindi nya ba alam na nakakasawa ng araw-araw syang nandito? At araw-araw ko ng syang binato ng kawali? Akala ko ba gagantihan nya ako?

Haistt..nakakainis mag-isip. Nakakulong lang ako sa kwarto ko. Pagod ako ngayon mula paggising ko kanina. Masakit ang ulo ko.

Yung dalwa naman---Margaux at Jomary--- ewan ko sa mga yun. Madalang ko na silang makita. Akala ko ba patay sila sa akin?

I too tired to think all of these. Pakiramdam ko may sakit ako. Nanghihina ako.

Nakahiga lang ako sa kama ko. Nakapikit. Buti na lang at nakalock ang pintuan ng kwarto ko.

Nagsoundtrip na lang ako.

There are times--

Pinatay ko kaagad. Paano naman ako nagkaroon ng ganyang music? Forevermore yun. Narinig ko yun minsan ng magpatugtog si Zyndel. Pinasahan siguro ako nung luka.

Ang paborito kong band ay Faber Drive pero hindi yung kanta nila. I badly love their voice..but not their song. It's still about love. And honestly the lyrics sucks. Nilagay ko ulit sa tenga ko yung earphones ko at ini-full volume.

Tounge Tied by Faber Drive

* Bright cold silver moon

Tonight Alone in my room

You we're here just yesterday *

Parang si Tyler? You we're here just yesterday? Bat ko ba sya naisip? Dahil lagi ka nyang ginugulo. Tama.

* Slight turn of the head

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just not the same

What could I say--

*Tok tok tok* tinanggal ko ang earphones ko. Sa lakas ba naman ng katok, pag hindi ko pa narinig yun. Sino ba naman yang istorbo na yan?

"Breakfast is ready. Tulog ka pa ba?" Hindi ako sumagot. Masama ang pakiramdam ko at wala ako sa mood kumain kung sya lang din naman ang una kong makikita sa paglabas ko ng kwartong ito. Nakakainis sya.

"Hey!! Get up. Ikaw na nga itong ipinaglut--ahh i-ikaw na nga itong nadadamay sa niluluto ko ikaw pa tong suplada. Bahala ka kung ayaw mong kumain. Magutom ka sana." Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ngagon eh ang matulog at magpahinga.

*******

Pagmulat ng mata ko medyo madilim na. Inabot na ako ng gabi. Hindi pa ako kumakain ng breakfast at lunch Umupo ako at humikab.

"Haay--HAAA!! WHAT ARE YOU DOING HERE? GET UP AND GO OUT."

Bakit ba nandito to sa kwarto ko. "Ang ingay mo. Kung makasigaw ka dyan akala mo dyan ako nahiga sa tabi mo." Oo hindi ko sya katabi sa kama pero nakahiga sya sa sahig. May nakalatag na banig. -- syempre alam ko yun. Laki sa hirap, remember? --

"Kahit na. At paano ka nakapasok sa Kwarto ko eh nakalock yan?" Diba inilock ko yun? Ipinakita nya yung kapit nyang susi. Teka susi ko yun ah. "You forgot your keys on the table." Sabay ngiti nya. Akala nya ba gwapo sya? Hindi. Labas na ang ngala ngala nya sa kaKangiti pero hindi talaga sya gwapo.

"Umalis ka na nga. Ba't ka ba laging nandito? Akala ko ba 'You'll pay for this'?" Ginaya ko pa yung pagkakasabi nya nun.

"You'll know."

Tumayo sya at tiniklop yung pinaghigaan nya.

"Anong you'll know? Hoy ikaw ha. Wag mo akong pagtrip-an. Kung kampon ka ni Satanas bumalik ka na sa pinanggalingan mo."

Ngumiti lang ulit sya sa akin. "Wag mo nga akong mangitian ng ganyan." Tumawa lang sya. "Pupunitin ko yang labi mo eh. Ughh..umalis ka na nga."

This time itinulak ko pa sya palabas ng kwarto.

"Bye Rina" sabi nya sabay takbo. D-did I heard it right? He called me Rina.

Wait. What?

To be Continued..

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon