HEARTBEAT #16

0 0 0
                                    

HEARTBEAT #16

CAIAH's POV

Outburst anger won't resolve any issue. You always have to stay calm in order to think clearly before making any decision that can lead to a big change in your life

I pat Excekiel's arms when I saw how he glare to his friends. They are all here. And I don't even know why. Not that I'm not used  to them being here. It's just that it's unusual for all of them to be in my house at the same time. Nagulat pa nga ako ng isa-isa silang nagsidatingan. Ang unang dumating ay si Excekiel na sinundan na ng mga ka-banda niya ganundin si Quin. Ang panghuli naman ay si Zephanie na kasama si Dein na halatang kakagising lang dahil sa suot nitong pajama. Sigurado akong hinatak lang ito ni Zeph papunta rito sa bahay ko. Hayst. Poor Dein

"What are you all even doing here?" May bahid ng inis na tanong sa kanila ni Excekiel

We're currently seating on the sofa here in my living room. I'm sitted on the end part of the sofa with Excekiel beside me. Next is Quin na kanina pa nang-aasar at gustong makipagpalit ng upuan kay Excekiel. Sa tabi naman nito ay si Reagan na masyado ring maingay. Sa dulong bahagi naman ng sofa ay si Calvin na tahimik naman, ano pa bang bago? Tss

Nakaupo naman si Dein at Zeph sa single sofa na nasa gilid ni Calvin pero nakapagtatakang nananahimik ito at pilit na iniiwasang mapatingin sa gawi ni Calvin. Nakasuot parin ito ng all black outfit, ang iba nga lang ngayon ay hindi na to ngumangawa. Sa isa pang single sofa na nasa gawi ko ay si Zach na bipolar. Minsan tahimik at minsan naman ay nakikigulo din

"Makikikain sana. Gusto ko kasing matikman yung luto ni Caiah baby" si Quin at kinindatan ako

"Nami-miss ko lang ang baby ko" si Reagan at nginitian ako. Muntik na sana akong malinlang ng tila mabait niyang ngiti pero naalala kong sa mga hindi kakilala lang nito siya nagiging mabait pero demonyo nama sa mga kaibigan niya

"Hindi mo naman to bahay" walang ganang sagot naman ni Zeph

"Bigla na lang kasi akong hinatak ni Zeph dito" nahihiyang sagot naman ni Dein

"Bored na ako sa bahay" tila wala naman sa sariling tugon ni Zach habang nakatitig sa kawalan

At siyempre kibit balikat lamang ang sagot ni Calvin

"Don't call her baby!" Singhal niya sa dalawa at hindi na pinansin ang sagot ng iba

"At hindi siya marunong magluto kaya pwede ka ng umalis, Quin!" Dagdag pa nito na nakatanggap ng masamang tingin mula sa akin

"Sige. Ipangalandakan mo pa"

Napalingon ito sa akin at bigla na lamang lumambot ang ekspresyon sa mukha. Sinimangutan ako nito na parang batang nagsusumbong

"Baby, paalisin mo na sila" nagpapaawa itong tumingin sa akin at ikinawit ang kamay sa braso ko

"What's wrong with them being here?" Wala naman sa akin kung nandito sila. Kung dati siguro ay hindi ako magiging komportable pero sa isang buwang nakasama ko sila, nasasanay na rin ako sa ugali at kaingayan nila kaya walang naman kaso sa akin kung nandito silang lahat

"Yeah. What's wrong with us being here? Masama na bang dalawin si Caiah baby?" Nakangising pang-aasar ni Quin

"Baby Caiah. Caiah baby" panggagatong naman ni Reagan

"I told you to stop calling her baby! D*mn it!" At nagsimula na naman ang gulo sa pagitan nilang tatlo

Napakamot na lang ako sa batok ko habang pinapanood silang mag-rambulan sa sofa

"Oh f*ck! Wag mo akong daganan Reagan!"  Sigaw ni Calvin na nadadamay lang sa gulo

"Caiah baby! Help!"

The Heartbeat of the DrummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon