Kabanata 19

428 29 0
                                    

KABANATA 19

The room was filled with my silent sobs at wala ni isa man ang nagtangkang magsalita. Naroroon sina Brends, Harris, Wends, Nicoso at Manang dahil sila ang tinawag ng tatlong biglang nag panick nang umiyak ako.

Malayo sila sa akin at wala akong matingnan ni isa man sa kanila dahil maging ako ay naawa sa sarili ko.

Bakit nga ba naman kase ako umasa na ako ang pipiliin nya? If it's between me and Gen wala nang pilian eh, Genesis na agad pero antanga ko.

Potangina Veronica ang tanga-tanga mo!

Sabi ko ayokong masaktan. Sabi ko rerendahan ko ang puso ko. Sabi ko hinding-hindi ako mahuhulog.

And now, news flash ladies and gentlemen: once again, Eishen Veronica failed to protect herself again, now left alone, broken and hurting.

Palagi na lang ganito. Kelan ba kase darating yung panahon na ako naman ang pipiliin? Na ako naman ang uunahin?

Dapat sanay na ako pero letche ang sakit. Ang sakit-sakit!

Aasa pa ba ako aasa nang pagmamahal mula sa ibang tao? Sarili ko ngang nanay di ako pinili eh.

Patuloy lang ako sa pagluha hanggang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa balikat ko.

"You're very late for that ball. Halika, mag ayos ka na..."

Tinapunan ko ng masamang tingin si Manang hindi alinta ang paggalang sa mas matanda.

Is she sarcastic or what? Hindi nya ba nakikita na disaster na ang make up ko na kahit smudge proof ay halos sira na dahil sa bayolente kong pagpunas ng luha.

Isa pa, wala akong date. Kung kaninang hindi ako late masisikmura kong mag punta kahit mag isa pero ngayon? Mas magmumukha akong kawawa kaya di bale na.

"No thanks. You can all leave me alone here matutulog na lang po ako," hindi ko maiwasan ang pait sa aking tono.

She flashed an assuring smile that somehow makes my heart feels little bit lighter.

"Do you trust me, Senyorita?"

Napatitig lang ako sa kanya at nagreflect ang itsura ko sa pamilyar nyang mga mata. Wala sa loob na napatango ako.

"Good. Ayusan nyo ulit ang Senyorita, Nicoso may gagawin tayo," ani Manang bago kami iniwan sa kwarto ko.

Everything happened after it was a blur dahil wala pa din ako sa sarili. This time, nalulunod naman ako sa labis na sakit at galit para sa lahat.

The three tried to cheer me up with their jokes and funny antics but I can't even move a muscle to smile.

Past eight in the evening ng matapos sila sa pag aayos sa akin. Ang buhok ko na kanina ay hinayaan lang nilang nakalugay ay naka half bun na ngayon gamit ang isang pearl and diamond beaded hair clip. Hindi ko na nasundan kung saan nila yun eksaktong nakuha, basta ang alam ko lang ay silang tatlo na din ang naglagay ng pearl earrings sa akin.

"Are you done?" maawtoridad na tanong ni Manang matapos pumasok sa silid ko.

Tumango-tango si Brends at iminuwestra ako.

Manang flashed a smile then walked towards me.

"You're way beautiful when you're hurt."

Napangiti ako ng hindi namamalayan sa sinabi niya. Para syang bombilya na biglang binuhay para mas makakita ako sa dilim.

"At... Hindi ka pupunta sa ball na iyon ng mag-isa. That bastard who didn't came here to fetch you will be on his knees begging for your attention once he saw you."

Loving Cullen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon