Kabanata 34

387 21 0
                                    

KABANATA 34

For the nth time this evening, inirapan ko ang cellphone ko dahil sa pagsabog ng iba't-ibang mensahe mula sa group chat na ginawa ni Aevy. Sila ng dalawa ni Nicholas ay walang ibang ginawa kundi buwisitin ako buong araw ng Linggo pagkatapos ko silang takasan sa mall noong Sabado.

Kinuha ko ang aparato sa tabi ng unan ko at dumapa sa kama para basahin ang mga mensahe nilang dalawa nang sa wakas ay tumigil iyon sa pagtunog.

ms.aevy:

So nag offer na pala ng tutorial bat di mo pa tanggapin?

Ano pang inaarte mo bitch?

Ngayon ka pa aatras eh alam ng buong campus na patay na patay ka kay Cullen?

nicholasthegreat:

Ayaw mo ba talaga? Di mo kami maloloko Veronica.

Madiin ang titig ko sa screen habang binabasa ang mga iyon. Ewan ko ba kung bakit binanggit ko na nag-offer si Cullen na turuan ako pagkatapos akong kausapin ng professor.

Hindi pa ako nakakapag reply may isang mensahe na naman.

ms.aevy:

Baka gusto mo nang mag reply. Napaka seener mo.

mstr.veronica:

Oh?

nicholasthegreat:

Ohblong! Wag ka namang masyadong pikon.

Inirapan ko ulit ang cellphone at pinatay na iyon. The best talaga silang dalawa kapag nang aasar. Alam na alam ang weakest spot ko.

The next day I woke up feeling a little bit off than usual. Dahil na rin siguro bothered ako sa nangyari nung Sabado. I wanna ask Manang about it dahil mukhang sya lang ang makakasagot ng mga katanungan ko pero hindi ko sya mahanap. I tried asking the househelps including Nicoso but they don't know a thing.

Matamlay ako ng makarating sa school kaya nang mahalaga yun ni Aevy ay nilubayan nya ako ng pang aasar.

Lahat ng kaklase kong tumitingin sa akin ay iniirapan ko kaya naman lahat sila ay ilag sa akin.

May mas sasama pa ba sa araw na si Gen ang bubungad sayo bitbit ang isang boutique ng fresh sunflower?

Taliwas ng pumasok ako, binati sya ng ilan naming kaklase na dati lang ay hindi sya pinapansin dahil sa itsura nyang pang manang. Ngayon, mas feeling close pa ang iba na direktang nagtanong kung si Cullen daw ba ang nagbigay.

Tipid lang syang ngumiti kaya mas umingay ang bulungan at sapantaha ng iba. Nakakairita rin tong babae na to, pa-mysterious pa pwede namang i-confirm o i-deny.

Saka pakealam ko ba kung kat Cullen yun galing kayang-kaya ko namang bumili ng isang buong flower farm. I don't accept cheap flowers anyway.

Pagkapasok ni Cullen ay mas umingay sa classroom dahil sa mga nag uusisa, sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya dun ko ibinaling ang pagkairita.

Nicholas:

Bad trip ka daw? Anong nangyari?

Ako:

Sinong nagsabi?

Nicholas:

Si Aevy.

Ako:

Close pala kayo?

Nicholas:

Secret no clue. Hayaan mo na ikaw pa rin ang favorite ko senyorita.

Inirapan ko ang cellphone ko kahit napapangiti na. Kahit sila ni Aevy ang sumisira ng araw ko madalas, alam din nila kung paano ako papangitiin. Perks of having observant friends.

Loving Cullen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon