Kabanata 13

456 40 0
                                    

KABANATA 13

Hindi ako hypher habang kumakain kami ng lunch sa isang restaurant pero bumalik na ang sigla ko kahit paano para makipag bardagulan kay Cullen.

Inaasar nya kase ako kaya hindi ko sya inurungan kaya naman nagtatalo na naman kami sa kung sino ang mas anak ni Satanas.

"Bully ka kaya mas lamang ang bad deeds mo. Veronica, 101 points sa impyerno."

"Excuse me! Inaaway ko lang naman ang mga babaeng kaharutan mo!"

Automatic kong natuptop ang bibig ko.

"Opps I didn't mean it like that! I mean you're dating bitches that's why you're going to hell"

"Well news flash: Veronica, nang aaway dahil sa selos," nakangisi niyang turan.

"Well news flash also: Cullen namatay sa sobrang self confidence. Excuse me, hindi ako patay na patay sayo baka ikaw ang patay na patay sa akin."

Bumunghalit ako ng tawa dahil natigilan sya sa pagsubo at literal na nabitin sa ere ang panga nya.

"Alright," bigla kong singhap para habulin ang hininga kong naubos kakatawa then I confidently flipped my hair. "Mag pa-hard to get ka naman Cullen, wag masyadong pahalatang crush mo ko," I said then playfully winked at him.

The next thing I know I was running out of the restaurant while laughing and he was chasing behind me.

Hindi kaya magkasakit kami dahil nagtatakbuhan kami na parang mga bata pagkatapos kumain?

Syempre lugi ako dahil may high heels ang boots ko kaya madali nya akong naabutan.

"Gotcha! Ang bilis mong tumakbo, kabayo ka ba sa past life mo?" aniya habang yakap-yakap ako mula sa likod.

My eyes widened in shock at hindi ako makagalaw kahit gustuhin ko.

Gusto ko nga ba? Eh parang gusto ko ng tumira sa bisig nya. Damn it Veronica this man isn't for you remember?

Pumikit ako at inamoy ang pabango nya, hindi magawang sumagot sa pang aasar nya.

Walang nag salita sa aming dalawa. Marahil ay narealize nya na din ang posisyon naming dalawa. Mabuti na lang hindi big deal sa mga dumadaan ang ginagawa namin.

Kung hindi nakakahiya baka kanina pa ako nagkikisay sa kilig dito. Pota ang rupok ko kahit alam kong hindi para sa akin to. Masama bang kiligin? Tao ako, pasensya na mahina ang damdamin.

Tumikhim ako agad at dahan-dahan na inalis ang kamay nyang nakayakap sa akin.

"Tyansing ka masyado, ano adik ka na sa yakap ko?" nginisian ko sya para walain ang awkwardness.

"Paano kung oo?" nakangisi nyang balik na nagpapula ng pisngi ko.

Ang kalabog ng puso ko ay mas nagkanda letche-letche pa ngayon kesa kaninang nakilala ko ang mama nya at niyakap nya ako.

Bago pa nya makita ng tuluyan ang nakakahiya kong kilig, tinalikuran ko na sya agad at tinakbuhan.

"Sa archade ako sumunod ka na lang!" sigaw ko ng hindi sya nililingon.

Para naman akong tanga ng marating ko ang pupuntahan dahil nakatulala lang ako sa basketball ring.

Kumalma ka peste! Wag kang ilusyunada, hindi ka taga rito at hindi sya ang nakalaan sayo.

"Marunong kang mag shoot?"

Napapitlag ako bigla at sumikdo na naman ang traydor kong puso na halis mag cartwheel na sa loob ng rib cage ko.

Umusog ako ng bahagya dahil magkadikit na magkadikit ang mga braso namin bago sya sinagot para itago ang kakaiba kong nararamdaman.

"Yeah, wanna bet?"

Loving Cullen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon