Kabanata 15

468 41 1
                                    

KABANATA 15

Natigilan ako sa kinatatayuan at agad na nagtayuan ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung dahil sa malamig na simoy ng hangin o dahil sa kaseryosohan ng tono nya.

Sinalubong ko ang tingin nya at hinanap ko ang bakas nang mapaglaro nyang aura but I saw nothing but a serious pair of ash gray eyes.

Hinawakan nya ang kanang balikat ko kaya mas lalo akong nahilo sa lakas ng kalabog ng aking dibdib na tila nagdedeliryo. Nanunulay ang kuryente doon patungo sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

A quick flash wake me up from the dreamland I'm in. What the hell?

"Kidding! Look at your face Veronica," he said manipulating his phone.

Agad nyang iniharap sa akin iyon at bumungad ang nakazoom na mukha ko.

I look like a lost kid in that photo, kinakabahan, balisa pero ang mga mata ko ang naglaglag sa akin. Damn.

Kinilig ba ako kanina? Naniwala ba ako sa kanya?

Napabuga ako ng hininga at hindi ko namalayan na buhat ng hawakan nya ang balikat ko ay hindi ako humihinga.

Akmang hahablutin ko ang phone ng mag sink in sa akin na pinagti-tripan nya lang ako pero agad nya yong nilayo sa akin.

"Akin na yang phone, idelete mo yan!" bulyaw ko agad sa kanya, totoong inis na.

"No. My phone. My rules," he chuckled then gave me a mocking smile "Good night, baby!"

Iniwan nya akong nakatayo sa labas at agad na ninaniobra ang sasakyan para mapaharurot iyon palayo.

Shit! What the hell just happened? I thought this is my game? Tinawag lang na baby nagbago agad ang ihip ng hangin.

Ano marupok?

Ilang saglit pa akong nanatili sa labas bago ko tuluyang napagtanto na malamig at manipis na tela lang ang tumatakip sa katawan ko.

Pinagkikiskis ko pa ang dalawang kamay habang nakasabit sa balikat ko ang puting sling bag.

Natigilan ako sa tangkang pagdiretso sa kuwarto nang mamataan ko si manang sa silid tanggapan pero imbis na nakaupo sa sofa ay nakatayo lang sya sa gilid nito habang nakaharap sa pintong pinasukan ko.

"Manang! Ilang araw kang out of reach ah, saan ka galing? Makakauwi na po ba ako?" masaya kong tanong matapos humakbang palapit sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin at agad akong nangilabot dahil seryosong-seryoso ang matiim nyang titig sa akin na tila nababasa nya pati ang laman ng aking kaluluwa.

"M-Manang?" I nervously called out her name.

"Lumabas ka kasama nya?" tanong nya ng hindi binabago ang paraan ng pagtitig sa akin.

Ni ang tanong ko ay hindi niya pinansin.

May kung anong emosyon sa mga mata nya na hindi ko mabasa.

Bahagya akong nalito sa bigla nyang tanong pero hinamig ang sarili ng mapagtanto na ang 'nya' na tinutukoy nya ay si Cullen.

Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o ano dahil parang alam nya na din naman ang sagot. She probably saw Cullen outside or she can simply ask the guards who witnessed how Cullen picked me up and dropped me off here.

"A-Ah... Y-Yes Manang we picked a suit f-for him," I said half lying.

It's better than a total lie right? Isa pa akala ko din naman kanina mamimili kami ng suit para sa ball, malay ko bang meron na pala syang isusuot.

Loving Cullen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon