Kabanata 33

418 22 0
                                    

Kabanata 33

Ginapangan ako ng kahihiyan ng mapasulyap kay Tita Constancia na nanunuod lang sa aming dalawa. Bakit nakalimutan kong nandito sya? Stupid Veronica.

I smiled awkwardly. I probably look awful now.

"Ah sige po tita next time na lang ako magdi-dinner sa inyo. Thank you po sa libreng libro."

"What? I thought sasama ka sa bahay?" tumingin sya sa anak na para bang nanghihingi ng saklolo.

Inirapan ko si Cullen at agad na tumayo sa kinauupuan ko bitbit ang libro at isinukbit sa balikat ang sling bag ko.

"Hinahanap na po ako ng mga kaibigan ko eh," katwiran ko saktong pagtunog ng phone ko hudyat na may nag text.

Magalang akong tumango para magpaalam at inabala ang sarili sa pagbabasa ng text habang mabilis na naglalakad. Pasulyap-sulyap ako sa dinadaanan at sinisikap na umiwas sa mga taong nakakasalubong.

Nicholas:

Pauwi na kami ni Aevy, sasabay ka ba? Kanina ka pa neto hinahanap bakit mo daw kami iniwan.

Inirapan ko ang cellphone ko na para bang si Nicholas iyon.

Kita mo tong lalaking to, nakasama lang si Aevy ni hindi man lang concerned kung saang lupalop ako ng daigdig nagpunta. Ni hindi man lang tinanong kung nasaan ako.

I was about to type a reply and tell him to wait for me when a hand grabbed my arms. Muntik ng mahulog sa sahig ang phone ko dahil sa gulat mabuti na lamang at naagapan ko iyon. Kung hindi baka nabasag ang kawawa kong phone, latest model pa naman.

Sinamaan ko ng tingin kung sino man iyon sa pag aakalang si Nicholas o si Aevy pero lumalim ang gatla sa noo ko ng makitang si Cullen iyon.

What is he doing here? He should be driving Tita home right?

Nag iwas sya ng tingin at yumuko.

"Hinihintay tayo ni mama sa kotse..." marahan nyang usal na para bang kapag gumamit sya ng kahit kaunting dahas o lakas ay nababasag ako sa kinatatayuan ko.

"Next time na lang ako kakain sa inyo sabihin mo kay Tita," matigas kong tugon at tinangkang alisin ang kamay nyang nakahawak sa akin pero sa laki ng height at built difference namin ay hindi ako nagtagumpay.

"Magtatampo si mama isa pa nangako ka na," giit niya kaya napatahimik ako.

Damn. Nangako ako at baka ma-bad shot ako kay Tita Constancia. Pero hindi rin naman kami maayos dahil naiirita ako tuwing nakikita ko sya at naaalala na si Gen ang kasama nya kanina.

They probably did some flirty things together. Tsk.

"Veronica, ano bang ikinagagalit mo?"

Hindi ako kumibo.

"Nagseselos ka kay Gen?"

"Of course not!" halos bayolente kong sagot.

Hindi naman ako nagseselos talaga.

"You sure? Hmm..."

"Bat naman ako magseselos kung hinatid mo yun? Tsk napakahinang nilalang. Di nya ba alam ang existence ng taxi?"

"So you're not jealous?"

"Hindi nga eh! Ang kulit mo!"

"Even a bit?"

"Kahit negative one percent, hindi! Bat ka ba tanong nang tanong?"

"Eh bat galit ka pa rin?"

"Hindi nga ako nagseselos okay?"

Loving Cullen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon