Kabanata 24

444 24 0
                                    

KABANATA 24

Kaswal lang akong lumabas sa kwarto at nagtungo sa front door na automatikong binuksan ng dalawang guwardya na nakaantabay doon. May ilang mga maid akong natatanaw na nagpupunas ng muwebles sa front porch habang ang iba naman ay alam kong nasa taas para magtanggal ng alikabok gaya ng lagi nilang ginagawa.

Hindi ako nangingialam sa paglilinis ng bahay at pag uutos sa mga kasambahay dahil sina Manang at Nicoso ang namamahala sa lahat.

Agad akong lumabas at nagkunwaring naglalakad-lakad sa garden habang pinagtitinginan ng mga kasambahay na panay ang bati at nagtatakang tingin sa akin.

Kapag nandito kase sa mansion, sala, kwarto at kusina lang lang pinupuntahan ko. Wala akong oras para tumambay sa garden at gaya ngayon na hindi ko na magawang iappreciate ang kabuuang ganda ng paligid dahil naglilikot ang mga mata ko para maghagilap kung saan nama posisyon ang mga bodyguard.

May tatlong nakaposte sa may garden di kalayuan sa akin habang ang dalawa pa ay naglilibot-libot. Alam kong marami pang nagbabantay sa paligid kaya maingat akong pumunta sa gawing likod kung nasaan ang back gate at napangisi ng makitang walang bantay doon.

Maligaya akong naglakad patungo doon pero may biglang nagsalita sa likod ko.

"Senyorita? Ano pong ginagawa nyo? Bilin po ng mayor doma na magpahinga kayo."

Hinarap ko ang usyuserong bodyguard at ipinakita ang malamig kong ekspresyon.

"Can you please leave me alone? This is how I rest. I wanna roam around, can't I do that?" I asked him sarcastically.

Dumaan ang sindak sa mga mata nya pagkatapos ay pumormal ulit.

"Matatanggal po kaming lahat sa trabaho Senyorita kung tatakas kayo," aniya at sinulyapan ang handbag na nasa braso ko.

Sumulyap din ako doon at nagtaas ng kilay sa kanya.

Simigid ang guilt sa konsensya ko kaya bigla ko syang inirapan.

"Fine. Magpapahinga na ako. Baka malintikan pa tayo pare-pareho," maarte ko munang hinawi ang buhok ko bago nagmartsya pabalik sa kwarto.

Bawat maid na nahuli nakatingin ay binubulyawan ko kaya nabulabog ang buong mansyon at lahat sila ay alerto sa galit ko.

Sa iritasyon ko, kung ano-anong iniutos ko sa kanila gaya na lamang ng ikuha ako ng bagong pitas na strawberry at gusto ko lagyan nila ng yelo ang swimming pool. Wala akong pakealam kung paano nila gagawin dahil kung hindi ako makakalabas kasama sina Aevy, hindi ko sila papatigilin at mag uutos ako ng mag uutos hanggang hindi nawawala ang iritasyon ko.

Hindi maipinta ang mukha ko habang nakaupo sa gilid ng kama. Agad na nanlisik ang mata ko sa pintuang binulabog ng sunod-sunod na katok. Padabog ko iyong pinuntahan at binuksan.

Ang bulyaw ko ang sumalubong sa kawawang nandoon.

"A-Ah... S-Senyorita n-nandito po yung breakfast na iniutos ninyo..."

Niluwagan ko ang bukas ng pinto para makapasok sya.

"Ilagay mo sa kama," mariing utos ko.

Ang maputlang mukha ng assistant chef ay bahagyang kumalma ngunit ang kamay nya ay bahagyang nanginginig. Baka aftershock sa nakita nyang inis ko.

Habang humahakbang sya palapit sa kama ko ay palawak nang palawak ang ngiti ko na ipinagtaka nya ng mapalingon sya sa akin marapos ilagay ang pagkain.

"S-Senyorita a-aalis na po ako..." paalam niya sa nanginginig na tono.

"No!" halos bayolente kong pigil sa kanya na ikinapatak ng luha nya.

Napapikit ako ng mariin dahil dun.

Loving Cullen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon