Kabanata 35

395 21 0
                                    

KABANATA 35

Hanggang sa susunod na klase ay hinatid kami ni Nicholas bago dumiretso sa kanya and somehow, gusto kong kaltukan si Aevy na talagang inaakala na sa akin may gusto si Nicholas. Napakamanhid.

Akala ko, si Nicholas ang naghihintay sa labas ng huling klase namin pero madilim na mukha ni Cullen ang nabungaran ko doon. Iniwasan ko sya ng tingin at tahimik na naglakad papunta sa elevator pero nang matanaw na kasasara lamang ng mga iyon ay sa hagdan na ako dumiretso. I can't stand just waiting there lalo pa at hindi na pumasok si Aevy sa huling klase dahil may lakad yata sya kasama si Brent.

Dire-diretso ang lakad ko at nakakaisang palapag pa lang ako ay parang bibigay na ang tuhod ko dahil bukod sa hindi ako sanay gumamit ng hagdan ay mataas rin ang heels ng suot kong black leather boots.

Gusto kong tumigil muna sa mabilis na pagbaba pero sa pag iisip na baka nakasunod sa akin si Cullen ay dumiretso lang ako hanggang sa kasunod na palapag.

Hinihingal na akong tumigil dahil ngalay na ngalay na ang mga binti ko. May tatlong palapag pa. Bakit ba sobrang taas ng building at iilan lang ang elevator?

Nagpasya akong makihalo sa mangilan-ngilang estudyante na nag aantay ng elevator at pansamantalang ipinahinga ang mga paa.

Nagulat na lang ako ng may isang taong marahas na humihila sa akin patungo sa kung saan. Sa gulat ko ay nauna ang kalabog ng puso ko at bago makapag protesta ay may binuksan syang pinto at agad kaming pumasok doon.

Nawala ang mga pangamba ko nang maulinagang si Cullen iyon.

Ibinuka ko ang bibig para sana magsalita pero hindi ko mahanap ang sariling boses lalo pa at nagtatagis ang bagang ng kaharap na tila kay tagal nang nagkikimkim ang galit.

Walang imik nya akong ikinulong sa dingding sa pagitan ng dalawang braso.

He's whispering some soft curses as he rested his forehead on my shoulder.

Imbis na kabahan, hindi ko makontrol ang pagreregodon ng dibdib ko.

He continued cursing and stopped just when I felt him kissing and sucking some parts of my neck. It was somewhat painful and pleasurable. I tried to push him away but my small thin body can't even bring force towards his massive built.

Sabay kaming pamulagat ng maramdaman ko ang kung anong matigas na bagay sa may tiyan ko.

"Fuck!" bulalas niya saka lumayo sa akin na tila napapaso.

Nangamatis ang buong mukha ko ng mapasulyap sa umbok sa pantalon nya. Agad naman akong nag iwas ng tingin at ipinukos ang mata sa railing ng hagdan. Nasa fire exit pala kami.

Bukod sa pitong elevator sa buong building ang dalawang hagdan sa magkabilang bahagi ng gusali, mayroon pang emergency fire exit na mas maliit ngunit mas madaling daanan. May pintong humaharang sa mga hagdan bawat palapag at ang paikot na estilo ng hagdan ay tila ginawa para masabing may emergency staircase na bukod kung magkaroon ng sakuna sa building.

"Uhm..." naghagilap ako ng sasabihin ngunit sa huli ay itinikom din ang bibig dahil hindi mahanap ang tamang salita.

"Hmm?" he tilted his head on my side, more comfortable now as if checking my reaction.

He was leaning on the staircase railings while I was steps away. My back is against the cold wall.

Dumaan ang ilang saglit na katahimikan kaya nagbaba ako ng tingin sa leather boots na suot ko, na ang paang kanina lamang ay masakit ngayon ay hindi ko na maramdaman. Namamanhid ang buong katawan ko dahil sa halo-halong nararamdaman.

"C-Cullen, u-uuwi na ako h-hinihintay na ako ng butler ko."

Bahagya akong tumikhim dahil nanginig ng ang boses ko.

Loving Cullen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon