Kabanata 45

405 10 1
                                    

KABANATA 45

Matapos ang ilang saglit ay niyaya nya na akong umuwi. Dumaan kami sa isang short cut passage para mas mabilis na makarating sa sasakyan nya ng hindi na kailangang daanan ang mga tolda. Alam na alam nya ang daanan dahil madalas daw syang pumunta doon kasama si Mama este tita Constancia.

His car is unharmed. Thanks God dahil baka mag freak out na ako kung pati yun ay nanakawin pa lalo na at iniwan lang namin iyon basta.

"Sa bahay na muna tayo, after dinner hatid kita sa inyo?"

"Himala, hiningi mo ang permiso ko," puna ko habang pasakay sa shotgun seat matapos nyang pagbuksan.

"Kung hindi ka sasama, magtatampo si Mama," nakangisi nyang dagdag.

Umiling-iling na lang ako.

How can I say no to that? Napaka manipulative mo Cullen, pasalamat ka mahal kita!

Bored na bored ako sa buong byahe dahil tipid lang syang sumasagot sa akin, masyadong nakafocus sa pagmamaneho. Wala ang cellphone nya kaya hindi ko mai-connect sa player gaya ng madalas kong ginagawa at lowbat naman ang cellphone ko.

Tumingin ako sa labas at dahil mga building pa rin ang nakikita ko, alam kong malayo pa kami.

Sinubukan kong pumikit pero kapag naaalala ko ang pagkaka snatch sa cellphone nya ay napapamulat ako.

Sumuko na lang ako sa tangkang pag idlip at umayos ng upo dahilan para mapasulyap sya sa akin.

Napanguso ako ng muli ay seryoso syang bumalik sa pagmamaneho.

Bored na bored na ako!

Sinubukan kong umungol kagaya nung sa video na sinend ni Aevy sa Instagram group chat namin but I only sounded hilarious kaya natawa ako. I tried again but this time I take moaning seriously.

Tawang-tawa ako sa ginagawa ng sumabat bigla si Cullen, pooping my very little happiness at the moment.

"Stop it. Ang sakit sa tenga Veronica," seyoso nyang saad nang hindi tumitingin sa akin.

Kinagat ko ang labi ko at sinubukang umungol kaya nagmistulang halinghing iyon. Mas nilaksan ko pa nang wala syang karea-reaksyon pero sumuko na din kinalaunan dahil mukhang wala namang epekto yun.

"But Nicholas said, a moaning woman can turn a guy on," salubong ang kilay ko havang bumubulong sa sarili.

Mali ba si Nicholas? O sadyang hindi lang ako kanasa-nasa para kay Cullen? Either of the two— nevermind.

Baka naman pwede akong mag practice umungol para maging kanasa-nasa or what. Maybe I'll ask Aevy for more vids.

Hanggang sa makarating sa mansyon nila ay walang reaksyon akong nakuha mula kay Cullen. His stoic face remained kaya nakanguso ako habnag nagdadabog papasok sa kabahayan na para bang ako ang may ari noon. Nauna pa ako kay Cullen na nag abot muna ng susi sa isang lalaking hula ko ay gwardya.

"Sa kwarto muna ako, magpapalit lang ng damit. Tawagin mo na lang si Mary kung may kailangan ka."

Sumalampak ako paupo sa sofa at sinundan sya ng tingin habang nagmamadali sa pag akyat.

Ilang minuto pa lang akong nakaupo doon ay inabutan na ako ni Mary ng strawberry juice. Nabanggit daw ni Tita na kung narito ako, ay iyon ang ibigay sa akin. I'm fine with anything but it calmed me down.

Disappointed talaga ako sa reaksyon ni Cullen. How could he?

"Dito ba kayo maghahapunan Senyorita?" magiliw na tanong ni Mary nang bumalik sya para bigyan ako ng isa pang baso ng juice.

Loving Cullen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon