Kabanata 46

365 5 0
                                    

KABANATA 46

Nagising na lang ako ng hinihingal at sa biglaan kong pagbangon, hindi ko na matukoy kung alin ba ang mas masakit, ang ulo ko o ang dibdib ko.

Habol ko ang hininga habang sapo ang aking dibdib na inaatake ng mga pinong kirot.

Napatitig ako sa kawalan ng ilang saglit at nakita ko na lang ang sarili kong humahagulgol habang ang aking mukha ay nasa aking tuhod na yakap yakap ko gamit ang mga payat kong braso.

I feel so lost and frustrated, waking up from a bad dream remembering nothing but blood.

As a child that grew up in a house of violence, hindi kailanman ako nanginig ng ganito katindi kapag nakakakita ng dugo. Kahit pa noong pagtangkaan ni Tito na gahasain ako.

Halos hindi ako makahinga dahil sa pag iyak at paninikip ng dibdib ko kahit pilit ko namang kinakalma ang sarili ko. My tears just kept on falling and everytime I tried to calm down, I can't stop my loud sobs.

Takot na takot ako pero hindi ko alam eksakto kung saan. Deep in my heart I know that dream of mine is traumatizing kaya hindi ko talaga maatim na ni isang parte noon wala akong maalala.

Nang mapagod kakaiyak ay sumandal ako sa headboard at natulala sa kawalan. Namalayan ko na lang na kailangan ko na palang maghanda sa pagpasok.

Kahit sa almusal wala akong gana kaya ng salubungin ako ni Cullen sa parking lot gaya ng dati ay wala akong naibigay sa kanya kundi isang pagod na ngiti. He asked me if I'm okay and I told him I am. He doesn't look satisfied pero hinahayaan nya lang ako. He was just silent beside me.

Hindi ko na namalayan ang oras, nakita ko na lang si Aevy sa harapan ko na nagpapaalam, kakain sila ni Brent sa labas at inaaya nya akong sumama pero agad akong umiling.

"Ingat ka," I said quitely and smiled a bit.

"Bukas na lang kaya ako sasabay kay Brent tutal may bukas pa naman. Sasamahan na lang kita—"

"Ae... Okay lang ako. Sumama ka na kay Brent. Nag text si Nicholas, sabay kaming maglu-lunch," I assured her.

She sigh in defeat but her eyes are still worried.

"Babalik ako kaagad," aniya bago tuluyang nagpaalam sa akin.

Lumabas na din ako ng classroom nang mailigpit ko ang gamit ko saka matamlay na pumunta sa elevator.

I just feel so down today.

Apektado pa rin ako, marahil ay nang panaginip na sinamahan pa ng pagod sa pag iyak at puyat dahil dis oras ng gabi ako nagising at hindi na nakatulog ulit pagkatapos noon.

Tahimik lang akong naglakad patungo sa cafeteria kung saan ako hinihintay ni Nicholas. Hindi ko magawang tingnan ang mga nadaraanan ko gaya ng dati dahil pakiramdam ko, kaunting hangin na lang ay mababasag na ako.

"Hey..." I greeted Nicholas and sat at the chair in front of him.

May pagkain na sa mesa na alam kong inorder nya para sa akin.

"Kamusta ang midterms?" tanong nya matapos isenyas na para sa akin nga ang pagkain dahil meron din sa harap nya.

"Ayos lang. Mahirap pero hindi naman ako nangangamote."

Inayos nya ang eyeglasses na bahagyang bumaba saka ako tiningnan na para bang may mali akong ginawa.

"Nicho, stop being creepy. Isusumbong kita kay Nicoso."

"What happened?" he asked instead of answering my supposed to be joke threat.

Umiling ako agad.

"Nothing. Why?"

Loving Cullen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon