Kabanata 27

456 26 0
                                    

KABANATA 27

Itatanong ko sana kung anong problema nya kaya lang naisip kong sayang energy lang ang sumagot sa kanya kaya wag na lang. I would rather keep my thoughts to myself than to voice it out and have a fight with him.

"Silent treatment? I see..."

Sinulyapan ko sya at mabilis ding naglihis ng tingin dahil naka direkta pa rin sa akin ang mata nyang hindi ko alam kung bakit nag aalab sa halo-halong emosyon.

Bumundol ang kaba sa dibdib ko pero agad ko ding winala iyon dahil hindi naman dapat ako maapektuhan sa mga sinasabi nya. He's not my boss nor I'm his slave.

Buong oras ng klase ay iniignora ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya  na para bang hangin lang ang katabi ko. I succeeded though— at least that's what I thought.

Nang makalabas ang professor namin ay himalang hindi ako nangunguna sa paglabas ng classroom dahil niligpit ko muna ang iPad at notebook na ginamit ko sa lecture— iPad para sa recording ng klase at notebook para makapag scribble ako habang talak ng talak ang guro sa unahan. Hell. I don't know if I can survive kung tatagal pa ako dito. Even the thought of business bores me, what more the lecture?

Maayos ko nang nailagay lahat kaya taas noo akong lumakad sa direksyon ng upuan ni Aevy para sabay kaming lumabas.

"Ang tagal mo yata? May nangyari?" mahinang tanong ni Aevy na agad tumayo sa upuan nya ng makalapit ako tila inaasahan nang pupuntahan ko sya.

Umiling ako agad bilang sagot kaya tinaasan nya ako ng kilay bilang pahiwatig na hindi sya naniniwala.

"Wala naman talaga—" I stopped in the mid sentence because of sudden shock.

Nahawi ang mga blockmates namin na nagkukumpulan sa may pinto ng mapansin ang presensya kong palapit doon. Mas lalo pang muntik bumagsak ang panga ko ng agad na ngumiti sa direksyon ko ang isang pamilyar na lalaki. He's in all white uniform including his shoes that made him looks like and adorable badboy plus a boyish grin that is plastered in his face.

Suminghap ako para hagilapin ko ang senses ko ng makumpirmang ako ang pakay dahil sa akin din nakadirekta ang ngisi ng mga kaibigan sa likod nya.

Kaswal akong lumapit sa kanya at tumigil sa may door frame para i-maintain ang distansya naming dalawa.

"Hi Veronica, I was waiting for you since yesterday. Nagkasakit ka daw? Buti okay ka na," aniya sa tonong hindi ko mawari kung kinakabahan o masaya kaya bahagyang nanginginig.

I hope it's the latter dahil hindi ko maipapangakong hindi lalabas ang sungay at buntot ko habang kausap sya.

"Yeah. I got sick eh," maarte kong tugon, hindi na nagtangka pang bumuo ng topic.

Duh. Nasa pintuan kami wala sa kung saan mang tambayan, maraming nakikinig at isa pa hindi kami sobrang close para mag effort pa ako sa topic.

I don't wanna be totally rude at him and his friends kaya hindi ko masabi ang hinaing ko na bakit kailangan pa silang humarang sa may pinto. Hindi tuloy ako makalabas. Ang iba ko ngang kaklase ay sa entrance door na lang dumaan.

He let out a nervous laugh, struggling a bit for the thing he would say.

"P-Para sayo nga pala. Nabanggit mo kase sa isang vlog mo na favorite mo ang red tulip."

Automatic na nag elevate ang kilay ko dahil sa panibagong nalaman. Una ang 'favorite' flower ko daw kuno ayon sa 'vlog' ko. Tulip? Maybe but I hate red because it reminds me of blood. And vlog? Hindi talaga ako aware sa mga social media accounts ko dahil kahit naman noong wala pa ako sa nobelang to bihirang-bihira akong mag online. Mga tauhan ni Chicky ang nagmamanage ng social media accounts ko dahil hindi ko talaga hilig magpaka 'nice' sa mga reply.

Loving Cullen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon