02

194 17 8
                                    

CHAPTER 02

"At saan ka nangaling, Shay Fatimah!" si Ate Sharon.

Ahh, ano isasagot ko? Lagot ako kung sasabihin ko naman.

"Saan ka natulog kagabi?" medyo lumakas na ang boses nito, pigil-hininga naman ako.

Ayaw kong malagot.

"Kina Sabria po. Oo, sa kanila. Bakit po?" dali kong sabi.

Sana tumalab at napabuga ako ng hangin dahil umalis na ito sa harap ko.

"Shay, may pasok ka ha. Ano nang oras? Kilos!" parang nanay ko na rin ito kahit ilang years lang ang tanda sa akin, akala mo parang hindi ko pinsan.

Maaga pa naman kaya papasok pa ako at umakyat na ako ng kuwarto para maghanda.

Pagkatapos ay bumaba na ako. Medyo nawala na rin naman yung sakit sa pagitan ko kung hindi iisipin.

"Kumain ka na?" tanong na salubong ni Ate Sharon.

"Sa school na ako kakain, bye!" paalam ko at maglalakad ako, ay naalala ko na naman yung kagabi.

"BAKIT kase ang laki ng ano niya," bulong ko sa sarili ko.

"Anong ang laki teh? Hoy!" Nakalimutan kong malakas nga pala ang pandinig ni Sab kaya naman napailing na lang ako.

Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain.

Recess na ngayon at sobrang gutom ko dahil siguro kagab--erase, erase, that Shay, walang nangyari, okay.

"Oyy, Bakit nawala ka sa libing ng tatay mo? Hinanap pa naman kita ehh," tanong nito bigla.

"Ehh... kase nag-ikot pa ako sa sementeryo ang ganda lang pati," tanging sagot ko bago sumubo muli ng pagkain.

Kung hindi namatay si Tatay ay wala naman mangyayari sa akin kagabi.

"Hmp," sabi niya bago tumayo at sakto pag-ring ng bell.

"Ay time na, ano bayan?" pandalas na lang ako napasubo sa pagkain namin.

Gutom pa ako ehh. Hindi rin ako kumain kagabi.

Pagkarating namin sa school ay andoon na ang prof at buti ay mabait tsaka hindi kami pinagalitan nito.

Hindi naman ako nakikinig sa discussion dahil sino yung lalaking iyon? Bakit nabaliw ako ng ganunin lang niya ako at naibigay ko ang sarili ko ni pangalan ay hindi ko nakuha.

Hanggang makauwi ako sa bahay ay yung lalaki parin na nakas*x ko ang iniisip ko at yung ayaw ko nang isipin tsaka papasok sa isip ko paano niya ako napasarap but hindi mali yon.

"Haysss! Makatulog na nga lang."iling ko at tsaka humiga sa kama.

KINABUKASAN nagising ako dahil kailangan at may school pa ako. Tinatamad ako pumasok kaso kailangan. Matapos gawing ang morning rituals ko ay bumaba na ako at naabutan si Ate Sharon na nasa sala nakatutok sa television.

Dahan-dahan lang ako naglakad papunta sa pinto para 'di niya mapansin.

"Ehem!" ismid niya, napatigil na lang ako at napapikit ng mariin.

"Hindi ka mag-aalmusal?" napaharap ako sa kaniya at tumango.

Nakita ko ang pagiling niya at sumenyas na babye. Siguro dahil alam na rin niya na malalate na ako. Naglakad na ako patungo sa gate at bubuksan na sana ito ay...

"Iha, ihatid na kaya kita." Halos mapatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib.

"Manong hindi na po. Bakit po kase kayo nagsasalita basta?" Hinihingal na sabi ko at ngumiti.

Secretly Married to the President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon