03

171 14 1
                                    

CHAPTER 03

"I do," sagot niya sa tanong ni Father. Akala ko ba hindi niya ako magugustuhan? Hmp.

Kahapon ko lang siya nakilala, at dala ko na kaagad siya sa kagandahan ko. At dinala na niya ako sa simbahan.

"Now I pronounce you man and wife. You may kiss the bride," tanging napangiti lang ako sa sinabi ni Father. Humanda ka sa akin Swan dahil magiging di maganda ang lahat simula ngayon.

Nagulat ako nang halikan niya ako sa labi, at sinamaan ko siya ng tingin. Pero ngumiti ito, "Sinusunod ko lang ang gusto ni Dad. Tsk," bulong nito sa akin. Ngumiti ako ng pilit at siniko ito.

Pinigil naman niyang mapa-aray. Naglapitan 'yung mga andito, at dahil anak ng presidente ang pinakasalan ko, bilang lang ang dumalo at sana di malaman ito ng media dahil mukhang wala naman sila rito.

Nagpicturan pa kami kahit papaano. I enjoy it, pero hindi parin dahil simula bukas ay makakasama ko na sa bahay ang siraulong ito. Bukas ay simula ng pinakamasang mangyayari sa buhay ko, at iyon ay makasama siya.

"Diretso na kayo sa honeymoon ninyo," gulat akong napatingin kay Mr. President. Anong honeymoon 'yun? "Dad," mahinang sabi ni Shuan, at di ko narinig 'yung ibang sinabi. "Shuan, umuwi na kayo," nagulat ako sa biglang pagsigaw nito, kahit medyo normal lang iyon sa ibang tao, halatang galit ito.

"No-" kaagad kong pinigilan magsalita si Shuan. "Tara na Shuan, baka lalong magalit pa iyan," bulong ko at hinila na siya palabas ng mansion dahil doon kami nagkainan. Nagpahanda kasi si Mr. President doon.

"Bakit mo ako pinigilan huh?" pagtulak niya sa akin kaya napaupo ako sa lapag. Magsasalita pa sana siya, kaso halatang pinigilan niya ang sarili at sumakay na lang ng kotse ito.

"Hoy teka Shuan," pilit kong tumayo pero hindi ako makatayo dahil sa paa ko ang sakit. Nakahills rin kasi ako eh. "Shuan," sigaw ko pero pinaandar na niya paalis ang kotse.

Bwiset itong lalaking ito. Pinilit kong tumayo kahit ang sakit at nagsimulang maglakad gamit ang isang paa. Parang spring ata ako eh.

Di ko alam kung nasaan lugar na ako, pero mukhang nasa loob ako ng village eh. Paikot-ikot lang ata ako rito dahil nakita ko na naman 'yung mansion ni Mr. President, at mukhang wala ng tao roon.

Narinig ko na may paparating na kotse sa akin kaya napatingin ako sa likod. Kotse iyon ni Shuan. "Shuan," sigaw ko at tumigil ito sa harap ko. Lumabas ito ng sasakyan at nagulat ako sa ginawa niya.

"Tsk, ayaw kase mag-ingat," sabi ko sa sarili. Hmp, ipinasok niya ako sa loob ng kotse bago at pumasok na rin siya, magkatabi kami sa front seat.

Nagsimula na itong paandarin ang kotse. "Saan tayo pupunta huh?" Di ko kaya hindi magtanong, ngunit wala itong sinagot.

"Saan kase tayo pupunta?" muling tanong ko.

"Sa mansion natin, sa ipinagawa kong bahay para sa akin," sa una ay di ako nakapagsalita.

"Talagang ipinalandakan mong bahay mo lang iyon huh, pero asawa mo na ako, Mr. Hmp," mataray na sabi ko.

"In papers. Tsk," malamig na wika nito.

"But blessed by God," panggagaya ko sa kaniya at pigil-tawa naman ako sa biglang kumunot ng todo ang noo niya tsaka halatang galit.

Akala mo huh, di ako babawi sayo. Nagsisimula pa lang iyan, tsk. "So you like me?" laki mata ko sa kaniyang tinitigan. "No, dahil baka mamatay pa ako," tanggi ko at inirapan siya. Tsk.

"So die now, rest in peace, darling," inirapan niya ako.

"Bakla," munting bulong ko at napasubsob sa unahan dahil sa biglang pagpreño nito. "Gago kaba, papatayin mo ako huh?" sigaw ko sa kaniya at gulat ako ng halikan niya ako.

Secretly Married to the President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon