11

133 11 0
                                    

CHAPTER 11

Pinagmamasdan ko lang siya habang nag-aayos ng necktie niya. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin, pero kaagad siyang umiwas. Wala kaming pasok ngayon dahil weekend.

"Aalis ka na?" Di ito sumagot, at sinundan ko lang siya pababa ng hagdan.

Napatingin ito sa hinanda kong mga pagkain. Muli itong tumingin sa akin, ngunit malamig itong tumitig sa akin.

"Kakain ka na. Teka, ipag-"

Hindi ako napaawang na lang ang bibig ko ng lampasan lang niya ako, parang multo lang ako. Ang sama niya. Habol tingin naman ako sa kaniya palabas ng pinto at isinarado ito.

Dali naman akong lumabas para pagbuksan ito ng gate. Napansin ko ang pagtingin niya sa akin, pero kaagad itong umiwas.

Di kita titigilan hangga't di ko nakikilala ang totoong Shuan Arwein Villamor, ang asawa ko.

Pagkasarado ng gate ay pumasok na ako sa loob.

Napabuga na lang ako ng hangin, sayang itong inihanda ko sa kaniya. Itinabi ko na ito dahil ito na lang ang pananghalian ko.

Pumunta na ako sa kuwarto niya at kinuha ang mga maruruming damit niya. Napatakip naman ako ng ilong habang iniisa-isa ang mga damit niya.

Inilagay ko ito sa isang timba at ibinaba lahat ito, patigil-tigil ako sa bawat hakbang dahil di makakailang mabigat ang mga ito.

Napaupo ako ngayon sa maliit na upuan kakalagay ko lang ng mga damit niya sa washing machine, isusunod ko na lang ang akin.

Pinuno ko na rin ang mga palanggana para sa pag-anlaw ko.

Habang umaandar yung Washing machine ay pinalitan ko naman yung mga kurtina at mga bedsheets para bukas ay lalabahan ko na lang.

Kumuha ako ng upuan para maabot yung mga kurtina.

Pagkatapos ay inanlawan ko na ang damit niya, tagaktak naman at hingal na hingal ako ng matapos ang pagsasampay rito.

Napabuga na lang ako ng hangin pagkatapos uminom ng tubig.

Napapunas na lang ako ng noo gamit ang braso, pagkatapos maglaba ay naglinis naman ako ng mga kagamitan dahil maalikabok na rin ito.

Nang matapos ang lahat ng gawin ay napahawak na lang ako sa likod ko at hinimas-himas ang balikat ko. Buti na lang talaga at marami akong alam sa mga gawain sa bahay dahil itinuro sa akin ni Tatay iyon.

Di ko namalayan ang oras at hapon na, late na naman ako kakain.

Hinainan ko ang sarili ko at uupo pa lang ako ay nakarinig ako ng makina ng sasakyan kaya kaagad akong lumabas ng bahay at pinagbuksan ito ng gate.

Ramdam ko naman ang pagkalam ng sikmura ko, nakapasok na ang kotse niya kaya isasarado ko na sana ang gate ay nanlabo ang paningin ko at tuluyan na nang dilim ang paligid.

"BAKIT mo kasi pinapabayaan ang asawa mo!!!" rinig ko kahit nasa loob ako ng kuwarto sa sobrang lakas ng sigaw ni President. Wala naman talaga siyang kasalanan, alam kong kasalanan ko iyon, nagpalipas ako ng gutom.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagsubo ko. Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito, umupo ito sa tabi ko kaya napatigil ako sa muling pagsubo ng kutsara.

"Okay ka na?" he smiled at me. Tango lang ang isinagot ko.

"Okay, good night," napatigil ako sa paghalik niya sa noo ko bago lumabas ng kuwarto.

Pinangako ko sa sarili ko na di ako mahuhulog sa iyo, pero mukhang malapit na.

Napapikit ako ng salubungin ang amoy ng niluluto ko. Ang bango, ngumiti ako.

Napatingin ako sa likod ko ng makarinig ng yapak.

Si Shuan na magulo ang buhok at ang gusot pa ng damit nito. He slowly looked at me, pero dahan-dahan rin itong umiwas ng tingin.

Umupo na ito at sana kumain naman siya ng niluto ko. Miss ko na asarin niya ako.

"Anong lasa?" napansin ko kaseng may nakasubo na palang kutsara sa bibig niya di ko na pansin. Nagpantay ang kaniyang mga labi at tumango lang ito.

Tatalikod na sana ako... "Hindi ka kakain?" napaharap ako sa pagtanong niya.

Napakamot ako sa batok ko at napilitan na lang umupo, sana naman maging okay na kami.

Pagkaupo ko... "I'm done." pagtayo niya.

Napayuko na lang ako at mamaya-maya ay naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Muli ko sana siyang titignan, pero wala na pala siya rito.

Habang humihigop ako sa sabaw ay pumapatak rito ang mga luha ko. Ganito ba talaga kapag buntis, iyakin.

Matapos kong kumain ay mag-isa kong inimis ang pinagkainan namin, napadako ang tingin ko sa plato niya. Wala pa ito kahit anong bawas.

Sinasayang lang niya ang pagkain, kung buhay pa si Tatay siguradong ubos pati ang kanin dahil sa niluto ko. Miss ko na si Tatay.

"HOY, payatot!" pagtawag ko rito, sitting pretty lang at nakatutok ang mga mata sa television.

Kunot noo itong humarap sa akin. Napalunok naman ako.

"Anong sabi mo, Fatty?" ngisi niya, pero tinaasan ko lang ng kilay ito.

"Ang payat mo, ayaw ko sa mga paya-" I suddenly paused, bakit ko lagi siya ikinukumpara sa mga type kong lalaki. Ehh kahit naman ganon siya di ko siya magugustuhan.

Tatalikuran ko na siya... "Can you cook more for dinner?"

Napaawang ang labi ko sa narinig. Paglulutuan ko siya ng marami, siguradong gutom ito dahil di nga kumain ng tanghalian o baka...

"May bisita ka na?" iyon ang nag-sink in sa utak ko.

Tumayo ito at kinuha ang remote control ng Television. "Wala, gutom ako, pwede ba?" taas kilay nito.

"Ahh sige," dali akong nagpunta sa kusina at nag-ihanda ang lulutuin.

"Anong lasa?" tanong ko ng tikman niya.

"Ang sarap... sobra," mangha niyang sabi.

Nakangiti tuloy ako kumain ngayon, ang saya ng linggo ko.

Bukod sa sinabayan ako ng asawa kong kumain.

Nagawa ko lahat ng tungkulin ko... "Yung labahan!!!" bigla kong sabi nang maalala yung nakababad sa labas na kurtina at bedsheets tsaka punda.

Nabulunan naman ako, kaya agad akong inabutan ng tubig ni Shuan, kita pa ang pag-aalala niya sa mga mata.

"Don't worry, ako na ang bahala doon," naibuga ko yung tubig rito, at buti na lang tapos na kaming kumain.

Napangiwi ako... "Sorr-"

"It's okay," pagtayo niya.

Bipolar ata ito, siguradong bukas cold na naman siya. Hmp.

(⁠^⁠^⁠)

Secretly Married to the President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon