CHAPTER 04
"Ang bigat mo," pagtulak ko sa kaniya palayo, pero ang bigat niya. Male-late na ako sa school, at ang himbing pa ng tulog ni Shuan habang nakayapos sa akin. Nakakaasar, huh.
"Hmm," munting ungol niya tapos lalo pang yumakap sa akin. Halos hindi na ako makahinga, help, tulong. Tapos isinaklang pa niya yung paa niya sa tuhod ko. Paano ako makakagalaw nito kung ginawa na niya akong unan? Ughhh, hmp.
"Ho!!!...hoy," di ko natuloy yung pagsigaw ko nang mapansin ang lapit ng mukha niya sa akin. "Ang cute mo pala ehh noh, mabait ka pati kapag tulog," dada niya. Gumalaw muli ito, at may naramdaman akong humawak sa dibdib ko tsaka pinisil ito.
"Mama, Ate Sha, may hmmm hmm," tinakpan niya bunganga ko at tsaka lumayo sa akin. Kaagad naman akong umupo at tinakpan ang sarili.
"Bakit mo pinisil yung..." kurap-kurap pa siyang tumingin sa akin.
"Dibdib ko," pagpapatuloy ko.
"You have? What?" kunot-noo niyang saad. Napaawang na lang ang labi ko.
"So sinasabi mo di ako babae huh?" nilaki ko siya ng mata.
"I know you are a woman pero dibdib ni makurot nga ako wala ehh, tsk," mahinang sabi nito at kinusot-kusot pa yung mga mata niya. So, sinasabi niya wala akong dibdib.
"Iniinsulto mo ko," taas kilay kong saad.
"Not, sinsabi ko lang yung totoo. Hmp," bago ito tumayo at nagtungo na kaagad sa banyo. Ano, sinasabi niya na wala akong dibdib?
"Hoy!!! Teka, lalaki ka, matapos sabihan akong flat, tapos ngayon ikaw nauna pang maligo," sigaw ko at padabog na tumayo sa kama tsaka pumunta sa harap ng pinto ng banyo.
"Ako nauna nagising, dapat ako ang maunang maligo. Akala mo sino ka," galit na galit kong sigaw sa kaniya at kumatok ng malakas, pero mukhang bingi ata nasa loob nito.
"Hoy, lalaki, ano na!!!" pagsipa ko sa pintuan at nakitang nagbukas ito kaya napatigil ako sa pagsipa. Napatingin ako ulo hanggang paa niya.
"I know that I'm hot," ngisi nito kaya iwas naman ako kaagad.
"Anong hot diyan huh? Ehh, wala ka ng abs, tsk," tumalikod na ako sa kaniya dahil alam kong namumula na ako. Wala kase siyang pang-itaas ehh, tapos may pandesal teh.
"Ahh, so ano tawag mo rito?" rinig ko na sabi niya. Kinuha ko na yung towel na andito sa ibabaw ng cabinet niya tsaka ako humarap.
"Tabs, hmp, taba bakit," taas kilay kong sabi at sinamaan niya ako ng tingin.
"Tabi nga diyan," sabay nilampasan ko lang siya at pumasok sa banyo.
Dali ko naman isinarado ang pinto at sumandal sa likod nito. "Buti buhay pa ako, god," hawak ko sa dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
"Fatty, open the door! Are you insulting me huh?" rinig kong pagsigaw nito.
"Hindi kaya sinsabi ko lang yung totoo," pang-gagaya ko sa kaniya. Hmp.
"Makaligo na nga lang," pagkausap ko sa sarili ko at sinamulan na ang maligo.
"PATAY, wala akong dalang damit rito. Lalabas pa ako para magbihis," kagat ko sa daliri ko. Wala akong damit na dala rito; nasa cabinet lahat. Ang bobo ko.
Nasa loob parin ako ng banyo at nakatuwalya na. Tapos na rin maligo, kaso lang wala akong nadala na damit rito. Paano ko kukunin iyon na nakatuwalya lang sa labas? Eh, paano kung andoon pa siya, 'di ba?
Alangan naman lalabas ako ng nasa ganito ang suot. Ano naman gagawin ko rito? Magkukulong na lang? Eh, may pasok ako, ehh.
Binuksan ko kaunti ang pinto para silipin kung andoon siya, at wala naman akong nakita sa kama. Binuksan ko na ang pinto at lumabas ako. Dali akong naglakad papunta sa cabinet, tapos may pintong katabi rito pero alam kong 'di ito yung pinto na palabas dahil sa gilid iyon ng kama.
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the President's Son
Romance#Complete#Edited# Discription: May mga tao na sabi sa sarili ay di sila iibig at dahil kaya raw nila itong pigilan. Isa na rito ay si Shay isang NBSB, no boyfriend since birth at law student. Pero maiikasal siya sa isang lalaki...