EPILOGUE

231 10 1
                                    

EPILOGUE

MAGISING ako at puting kisame ang bumungad sakin.

Ligtas ako.

Ang anak ko?

"Mabuti at dumating agad kayo."pamilyar na boses ang aking narinig.

Nang makaupo ako sa kama ay unang sumagi sa isip ko ang anak ko at si Shuan.

Nanatiling nakatitig sakin ang mga andito, si Manang, Manong driver namin at si Ate Sha. Andito rin si Seb at ang mga magulang niya.

Bakit ako lang ang nasa kuwartong ito? Nasaan si Shuan?

"Ayos ka lang iha? Nagugutom ka?"tanong ni Manang.

"Si Shuan po? Andoon po siya-nakatali at puro pasa, bakit hindi ko po siya kasama?"mahina kong tanong.

Natahimik sila.

"H-hindi..."paghikbi ko.

Napatakip ako ng mga kamay. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakahinga ako ng maluwag na si Shuan iyon, nakasuot din ito ng hospital gown.

"You're okay. Our baby's okay?"Masaya niyang saad at lumapit sakin.

Ikinulong ako sa kaniyang mga braso.

"You're safe now. I love you."

Hinawakan niya ang aking tiyan. "Hi baby, I miss you."at nagtama ang mga mata namin.

"I miss you too."pagngiti ko.

Muli niya akong hinagkan.

"Hep, mamaya na yan kumain muna kayo. Ang baby gutom na."

Napahawak ako sa tiyan nang maramdaman ang pag-usbong ng tubig, at napupo sa sofa.

"Manang, manganganak na ho ako!" sigaw ko sa sakit. Inhale, exhale ang ginawa ko.

"Nako, jusko, teka, tatawagan lang ako ng magdadala sa atin sa ospital." Mabilis na tumakbo si Manang palabas ng mansion.

Pilit kong ikinakalma ang sarili.

Maya-maya ay dumating ang mga kalalakihan at binuhat ako. Isinakay sa tricycle, mabilis naman kaming nagtungo sa ospital.

"Ire pa po," sabi ng nagpapaanak sa akin.

Buong lakas akong umire, at maya-maya ay nakarinig ako ng iyak ng sanggol. Tulad ng sinabi ng OB ko, isang babae ito. Napangiti na lang ako.

Nandilim na ang paligid.

NAPAGTANTO ko na nasa kalahatan na ako ng aking paglalakbay ay ilalaan ko ang Buhay ko sa aking anak at asawa habang dumarami ang mga buwan Lalo akong nagiging masaya. At isinilang si Baby Arria.

Ang kanyang unang iyak ay isang musikang nagsilbing ligaya para sa akin.

Tiningnan ko ang maliit na nilalang na may matangos na ilong, na tila ba nagtatanong kung ano ang naghihintay sa bagong mundo na kanyang ginagalawan.

Hinawakan ko ang kanyang maamong mukha, at doon, ramdam ko ang init at alam kong magiging mabuti siyang anak.

Maya-maya ay may isang masayang nurse na dumating, na puno ng tuwa at may ngiting nagtanong,

"Ano po ang pangalan ng inyong malambing na anak?"

" Shaina Arrianne Villamor," sabay ngiti ko, at sa pagbigkas ng bawat letra ng pangalan niya.

Ang nurse ay nagsulat at doon, sa simpleng pagtawag sa kanyang pangalan, naramdaman ko ang kakaibang halaga at karangalan ng pagiging isang ina.

Sa tabi ko, si Shuan ay nagmamasid na may kasamang pagmamahal at pagpapahalaga sa aming munting pamilya. Hindi ko napansin ang pag-ikot ng oras, ang sigaw ng isang sanggol ay nagdulot ng pagbabago sa aming buhay.

Napagmasdan niya ako ng makita si Baby Arria sa aking mga bisig, at sa mabilisang galak, sinabi niyang may mga pangako siyang tutuparin. "I love you, Shay, and Princess," aniya habang hinahalikan niya ako.

Natutunan kong yakapin ang mga pagbabagong ito nang buong puso.

At sa pagtatapos ng kabanata ng pagiging sikreto sa publiko, masasabi ko ng may kasiyahan, "I love you too."

AFTER three years.

Tatlong taon na ang anak namin, miss ko na agad siya. Ang mahal ko, anong oras ito uuwi?

"Ma...ma," pagtawag sa akin ng anak kong papalapit sa akin, binuhat ko ito.

"Yes, baby?" tanong ko at pinisil ang pisngi.

Tumawa lang ito. "D-dada," malambing niyang sabi.

Napatingin ako sa likod ko.

Si Shuan. "Kamukha ka ng mama mo," pagpisil niya sa pisngi ng anak namin tsaka binuhat ito.

"Talaga..." paninigurado ko, gulat ako ng damaan ako ng halik sa labi nito.

"I love you," iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.

"I love you, Shay, and Princess ni Dada," hinalikan niya ako habang nasa pagitan namin si Arria.

"I love you too."

Sa paglipas ng mga buwan, mas lumalim ang aming pagsasamahan. Kasabay ng paglaki ni Baby Arria, nadadama ko ang pag-usbong ng pagmamahal sa aming munting pamilya. Bawat araw ay may bagong pag-asa, at sa pagtahak namin ng landas, mas nauunawaan namin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pag-aalaga. Hindi namin alam ang hinaharap, ngunit masiguro mong handa kaming harapin ito magkasama. Sa aming masayang pagsasama, ang pag-ibig namin ay patuloy na naglalaho sa paglipas ng panahon.

Hindi natin mapipigilan ang mahulog o umibig, lalo na kung hindi mo pa nararanasan kahit kanino at dahil basta-basta na lang ito dumadating. Alam mong hindi mo gusto siya ngayon, pero mamaya, bukas, o sa isang araw, gusto mo na siya o mas malalim pa roon. Tulad ng pag-ibig, hindi mo ito mapipigilan.

Ako si Shay Fatimah Claveria, the mother of Shaina Arrianne Villamor, and...

I'm Secretly Married to the President's Son named Shuan Arwein Villamor

Let our secret be revealed!!!



Wakas...

---------------------------

Thank you for reading!

SLMT!!!

Secretly Married to the President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon