12

127 11 0
                                    


CHAPTER 12

Kakauwi ko lang ng bahay, at pagbukas ko ng pinto, lumantad sa akin ang puro bote sa lamesa rito sa sala at may mga lalaki na nakahiga sa sofa, yung isa at yung isa naman ay nakayuko lang sa lamesa, amoy alak.

Ito yung mga kasama ni Shuan ng pumunta siya sa University.

"Hays, nasan kaya yung lalaking yon?" tingin ko sa paligid ng sala, ngunit wala ni anino niya rito.

Papunta na ako sa kuwarto ko pero...

Napatigil ako ng makarinig ng ungol sa may bandang kusina. Iyon ang nanggaling. Nakakailang hakabang palang ako palapit rito, ay narinig ko ang boses niya na napamura di dahil galit kundi sa sarap.

"Fvck," gigil na gigil sabi nito.

Bakit?... Ang sakit... Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang mabilis na pag-kabog nito, di ako makahinga. Namalayan ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko sa pisngi at marahang pinunasan ito.

Tumalikod na ako, di ko kaya ang nangyayari, dapat di ako naaapektuhan dahil di ko naman siya gusto, pero parang baliktad huh.

Napabitaw ako sa hawak kong bag ng may humila sa akin.

Kaagad akong siniil ng halik nito, at pilit ko mang pumalag, mas malakas ito.

Lasang alak ang labi niya, ng bumitaw ito ay napadura ako at lakas ko itong sinampal.

Biglang nagbago ang mukha nito, mukhang nawala ang pagkalasing nito.

Napahilamos pa ito ng mukha.

"What..." napatingin ako roon sa nagsalita.

Bino-botones nito ang kaniyang polo at bukas pa yung zipper niya.

"Sorry bro di ko sinasadyang halikan iyon-" hindi naituloy nitong lalaking humalik sa akin ang sasabihin...

"It's okay, malandi naman iyan, mukhang nasarapan naman siya," di ako nakapagsalita sa narinig ko. Malamig lang itong tumingin sa akin.

Di ko alam kung paano ako napunta sa harap niya at buong lakas itong sinampal.

Gulat itong tumingin sa akin.

"Anong sabi... mo huh?" pagtulak ko sa dibdib niya.

Napaawang ang labi niya marahil sa narinig.

"N-na malan-di... a-ako!" pagturo ko sa sarili ko at napahagulgol na lang.

"D-di naman... huh, b-bakit?.." nahihirapan na akong huminga at napahawak na lang sa dibdib ko.

"G-ginusto... ko b-bang...pakasalan k-ka!" pilit ko mang simigaw pero walang lumabas sa bibig ko.

"A-alam... mo naman h-hindi... diba!!!" i couldn't help but break down.

I wipe my tears at biglang nagtaka sa sarili kung bakit ako umiiyak. Ayaw ko lang talagang tinatapakan ang pagkatao ko, hindi dahil sa nagseselos ako.

Nakatingin lahat ng kasama niya sa akin miski yung babae ay di makaimik, halos lahat naman sila.

Tumalikod na ako sa kanila at naglakad papalayo sa mansion na ito.

Narinig ko pa ang mga sigaw niya pero nabingi na ako, ayaw ko sa kaniya.

Nakapikit na lang ako ng makakita ng ilaw sa harap ko at galing sa kotse ito. Pilit kong aninagin ay di ko makita kung kaninong kotse ito.

Tumigil ito sa harap ko, napatingin ako sa paligid ko at nasa gitna na pala ako ng kalsada.

May bumaba sa kalsada na matangkad at lalaki iyon, nakasuit siya at shades ngunit magulo ang necktie nito.

Nang lumapit pa ito sa akin, gulat ako ng makita ang mukha niya sa pagtangal ng takip sa mata.

Ang ganda ng mata niya, light brown ito na medyo singkit.

"Are you okay Miss?" napatango ako ng wala sa oras.

"Miss..." Naramdaman ko ang init ng palad niya sa pisngi ko "Are you crying?" pagpunas niya sa luha ko.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay niya.

"Hindi, o-" nakarinig ako ng sigaw malapit sa amin kinatatayuan.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Shuan na matalim ang tingin sa lalaking hawak ko ngayon ang kamay.

"S-sige aalis na ako," pagmamadali ko pero di niya binitawan ang mga kamay ko.

"SHAY!!!" napahawang ang labi ko ng ikulong ako sa bisig nito.

Sa pakiramdam ko ang pula na ngayon ng mukha ko. Ang bango niya pero di hamak na mas mabango si Shuan, bakit ko ba siya ikinukumpara rito.

"Don't touch her," mariin na sabi ni Shuan at gulat ako ng makita na lang nasa lapag ang walang malay na yumapos sa akin.

Napadako ang tingin ko sa gumawa noon.

Nag-iigting ang panga nito at matalim parin ang tingin sa lalaking yumapos sa akin.

Ngayon mas lalong alam kong galit ang isang Shuan Arwein Villamor.

"Let's go Fatty," nanlaki ang mga mata ko sa biglang kalmado nito sa akin.

Okay lang ba siya, may sakit ba siya.

"Uwi-" nilampasan ko na ito.

Habol tingin ko naman roon sa lalaking sinapak niya at tinulungan ito ng mga bodyguard niya siguro.

Napatigil ako ng may humarang sa tinitignan ko.

Wala akong nagawa kundi ang tumaliko at maglakad papalayo mula roon sa lalaki kasama itong si Shuan.

Dapat di na ako uuwi ehh pero bigla akong natakot na baka saktan niya rin ako dahil nakita ko yung ginawa niya.

Pagkarating sa mansion ay dumiretso lang ako sa kuwarto ko, narinig ko ang pagtawag pa nito pero di ko na inabala pa ang sarili kong pansinin ito.

"Sorry baby, ang sama lang ng Ama mo," paghawak ko sa di kalakihan na tiyan.

Naalala ko iyong nanyari kanina, nasasaktan ulit ako ng maisip na may nanyari sa kanila ng babae.

Pilit akong napangiti para di ulit umiyak.

Mahal ko na ba siya, dahil kung hindi... pero bakit ako na sasaktan.

(⁠^⁠^⁠)

Secretly Married to the President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon