CHAPTER 07
"SAAN kayo nagpakasal huh? Sino mas nauna mong asawa? Bakit di sinabi ni Dad na marami ka palang asawa?" sunod-sunod na tanong nito. Ako naman ay di alam kung matutuwa o matatakot.
"A-ano k-kas-" nauutal na ani ko.
"Shay Fatimah Claveria-Villamor, ipakita mo iyan mga asawa mong sinasabi huh!" galit na sabi nito at umiigting na ang panga bago iniwan ako rito. Ipapakita ko talaga sa kaniya ang mga asawa ko, pito nga sila ehh, dalawa lang nabanggit ko.
"Humanda ka, Mr. Villamor! Makikita mo ang mas gwapo at hottie sa'yo," kinikilig na sabi ko sa sarili. Nai-imagine ko tuloy na asawa ko sila, di itong lintik na ito.
Iinisin ko na itong pinagkainan namin, napatingin ako sa plato niya. "Kinain niya talaga lahat ng iyon," habang ini-imis ang mga pinggan pagkatapos hugas at ilagay sa ref ang mga natira, ay pumunta na ako sa kuwarto ko at saka natulog na.
"NASAAN yung mga asawa mo?" mariin na sabi nito. Inilabas ko naman ang cellphone ko at ipinakita ang pictures nila, at sumama ang tingin nito sa akin.
"Subukan mong makipag-meet sa mga iyan, delete their photo now!" madiin na sabi nito at sumunod na lang ako. Seloso pala ito ehh.
"Pogi nila, noh?" ngiti ko at tsaka tumakbo palabas ng bahay.
Umaga pa lang papasok na ako ng University. "Manong, tara na po," masayang sigaw ko kay Manong bago umandar na ang sasakyan. Ang ganda ng araw ko ngayon, nasira ang araw ni Shuan.
Pagdating ko sa University, tulad lang ng dati.
"Hi Shay," kaway nila sa akin, i-way back.
"Shay, gagi, anong ginawa sa iyo ng asawa mo?" nilakihan ko siya ng mata, at buti di narinig ng mga nandito, isinigaw kase niya ehh. Umiling lang ako.
"Talaga ba, huh?" pilit nito sa akin, at tumango lang ako.
"BTW, yung alam nabasa mo na yung kahapon na diniscuss?" gulat akong napalingon rito. "Ano yon?" tanong ko.
"Bahala ka na," sigaw niya at nauna na pala siyang pumasok sa room. Ano kaya yon, lagot ako kapag unang tinawag, napailing na lang ako at pumasok na sa room.
"TEH, anong nangyari kahapon huh? Bili na, sabihin mo na."
Nasa cafeteria kami ngayon ni Sab at kumakain. "Basta," saad ko, at kita ko naman ang paglu-lungkot ng mukha niya.
"Shay, alam mo bukas may mga bisita na darating, mga Atty. Iyon," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Tapos?" taas kilay kong tanong.
"Grabi siya, basta sabi nila pogi daw ang mga iyon," napangiwi na lang ako sa pagsigaw niya. Basta pogi at gwapo ang bisita, why not, ang gaga.
"Tara na nga, baka malate tayo," hila ko rito at lumabas na kami ng cafeteria.
UWIAN na, kaya't andito na ako sa labas ng gate, hinihintay ang sundo ko, pero mukhang wala eh.
"Shay, samahan mo ako, magba-bar kami, malapit lang," pag-aya ni Sab sa akin. Kakalabas lang nito, at napatingin ako sa katabi niyang lalaki. Magkahawak sila ng kamay, agad naman napabitaw si Sab, pero hinigpitan ang hawak ng lalaki sa kaniya.
"Sige na nga, kailan yan?" tanong ko.
"Mamayang 8, kaya sana makapunta ka. Send ko na lang kung saan yung bar," tumango lang ako at bago umalis ito.
Sakto naman pagdating ng aking sundo, kaya agad akong sumakay ng sasakyan at nagulat ako na andoon si Shuan.
"Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Manong?" pag-sakay ko, kita ko naman ang pag-irap nito.
"Bakla," bulong ko at tumingin na lang sa labas ng bintana.
"Pupunta kaming bar ni Sab mamayang 8, mga 9 ako uuw-" di ko na naituloy yung sasabihin dahil tumingin ito ng masama sa akin.
"Bawal," malamig na sabi nito kaya napanguso ako at tumango na lang ako.
Paano ako makakatakas rito, noh? Gusto kong lumabas kahit papaano. Nakakabored kung lagi lang ako sa bahay niya.
NAKASILIP ako ngayon sa maliit na awang ng pinto ko, tatakas ako dahil gusto kong lumabas. Nakabihis ako ng hoddie at itim na pantalon, binuksan ko na yung pintuan tsaka isinarado ito.
Naglakad ako palabas ng bahay at napansin kong wala naman tao rito eh. Nagtatalon-talon ako ng tagumpay, makalabas ng bahay na walang asungot. Pero napatigil ako ng makita wala ang kotse nito rito.
"Siguro OT siya," nguso ko sabay pasok sa isip ko, ano kaya trabaho niya.
Tumakbo na ako at binuksan ang gate tsaka lumabas, kaagad kong kinuha yung cellphone ko tsaka tinawagan si Sab.
"Sab, sunduin mo ako sa malapit na Seven Eleven," saad ko bago patayin ang tawag, dapat pala itinext ko na lang hmp.
Dali akong nagtungo roon at sakto dumating kaagad sila.
Umalis na kaagad kami at nagtungo sa bar na sinasabi ni Sab. Ito yung bar kung saan nagsimula kung bakit ako naikasal rito kay Shuan. Kinakabahan tuloy ako pumasok rito.
"There's anything wrong?" tanong ni Sab, iling lang ang sinagot ko.
Mariin akong napapikit dahil sa ingay na pamilyar sa akin. Napatingin ako sa paligid at umupo sa table na kinuha ng dalawang ito. Napailing na lang ako ng kumalong si Sab sa lap ng kasama niya.
Napatingin ako sa paligid, pero nanlaki ang mata ko at napayuko na lang ng makita si Shuan na katapat lang ng table namin, di kalayuan rito.
"S-sabi uuwi na ako," pilit kong inayos yung boses ko.
"Why-" di ko na sinagot ang tanong nito.
"Basta sige bye," paalam ko.
Naglakad na ako palabas, pero may humawak sa pulsuhan ko. "Hey, Ms. Ikaw yung babaeng ibinigay ko sa kaibigan ko," hila nito sa akin. "Saan mo ako dadalhin, tulo-" napayuko ako ng makitang sa harap ko na si Shuan.
"Wein, siya yung babaeng naka one-night stand mo," saad ng lalaking humila sa akin rito. Di ako nakapagsalita ng tanong na sumigaw ito sa akin.
"What are you doing here, Fatty?"
(^^)
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the President's Son
Romance#Complete#Edited# Discription: May mga tao na sabi sa sarili ay di sila iibig at dahil kaya raw nila itong pigilan. Isa na rito ay si Shay isang NBSB, no boyfriend since birth at law student. Pero maiikasal siya sa isang lalaki...