15

158 12 0
                                    

CHAPTER 15

"Baby, bili na, please."

Pinipilit niya tayong gawin ulit ang bagay na iyon, pero ayaw ko dahil tatlong buwan na ang nakakaraan mula nang mabuo ang ating munting anghel.

"Hindi makakabuti iyon sa baby natin," sabi ko habang hawak-hawak sa pisngi niya.

"Okay, kukunin ko na lang ang pagkain mo roon sa kusina. Huwag kang aalis diyan," halik niya sa aking mga labi bago siya pumunta sa kusina.

Naging ganito siya ka-sweet at ka-protective sa loob ng isang buwan. Sobrang sipag din niya-siya na ang naglalaba ng mga gamit at kahit pagod na galing sa trabaho, gumigising pa rin siya ng madaling araw para bumili ng mga pagkain na gusto kong kainin.

Kahit na nag-o-offer ako na ako ang magluto, nagagalit siya at mas gusto raw niyang kami ni Baby ang paglilingkuran niya.

Sinasabi rin niya na huwag na akong pumasok sa trabaho at baka ma-stress si Baby. Ano nga ba ang magagawa ko? Sumusunod na lang ako sa kanyang payo.

Sabi niya, ituloy ko na lang ang aking pag-aaral pagkatapos ko raw manganak, pero kailangan ko raw magpahinga muna. Tapos, agad-agad na siyang nag-iisip ng pangalan para sa aming anak, at gusto niyang babae na kamukha ko. Sabi ko naman, mas gusto ko kung kamukha siya, kasi ang ganda niya pag naging babae.

Ngunit biglang bumalik ang kanyang masungit na mukha.

"Ano..." humawak ito sa tiyan ko.

"Baby, may work si Daddy huh, huwag pasaway kay Mommy, behave ka lang," parang bata nitong pinapagalitan ang di pa lumalabas sa tiyan kong baby.

Ang cute niya.

"I have work, bye," tumagal ng ilang sandali ang paghahalikan namin. Maya-maya ay humiwalay na ito at umalis na.

Pinatay ko na ang television matapos ang teleserye na pinapanood ko.

Nakaramdam ako ng gutom, kaya't nagtungo ako sa kusina.

Ilang oras pa lang itong wala ay nakarinig na naman ako ng ingay ng sasakyan. Aba'y umuwi na kaagad, napangiti na lang ako at umiling. Pagtungo ko sa sala ay hindi siya ang inaasahan kong makita.

"Hello po, Mr. President," ngiti ko rito.

"Ayos na ba kayo ng anak ko?" pag-ngiti rin nito.

Wala itong nagawa kundi makinig sa mga kwento ko, sa mga nangyari sa isang buwan na ito. Tuwang-tuwa naman siya dahil ayos na raw kami ng anak niya. Nagiging malambing ito lagi at overprotective. Sinabi rin niyang maganda ang naidulot ko kay Shuan, pero di ko inaasahan na magbago ang reaksyon nito dahil akala lang niya gumagawa ako ng kuwento.

"Di ka sinasaktan ng anak ko?" lumakas na ang boses nito.

May problema ba?

"Hindi ho, sir. Sinasabihan lang po, oo," pagsagot ko at napansin ko ang pagkainis niya.

"Di ka ba gumagawa ng kuwento, iha?" dali akong umiling.

"Iha, can we have a deal?" seryosong sabi nito sa akin. Deal na alin? Para saan iyon.

"Ano po iyon?" taka kong tanong.

"I will give you 5 million at ako na ang bahala mag-file ng Annulment," gulat ako sa sinabi nito.

Maghihiwalay na kami ni Shuan, bakit kaya siya nagiging sweet sa akin ngayon? Hindi talaga niya ako mahal.

"Baki-" napatigil ako ng makarinig ng sigaw, at boses iyon ni Shuan.

Madilim ang mukha nito, at halatang gusot ang damit. Galit na galit siya.

"No, Dad, di mo hawak na ako dahil-" pinutol ito ng ama niya.

Secretly Married to the President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon