CHAPTER 06
"HOY, Ms. Shay Fatimah Claveria!" Napatingin ako sa paligid nang marinig ang nagsalita, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nagsalita. "Lagot," bulong ko sa sarili.
"Kung hindi ka makikinig sa dine-discuss ko, you may go out," mariin na sabi nito. Kinuha ko na lang yung gamit ko tsaka lumabas.
Nakita ko pa yung pag-irap nito. Nakatingin lang ako sa lapag habang naglalakad rito sa hallway na miski ipis ay wala akong kasabay. Wala akong gana sa mga bagay ngayon, ewan ko kung bakit dahil siguro iyon sa nakita ko kagabi kahapon.
Dapat di ako nasasaktan ehh, kaso nakita ko siyang may dinalang babae sa kuwarto niya at nang sinilip ko ay di ko na lang itinuloy dahil nakarinig na ako ng ungol.
"Ahh di ba sabi ko Shay di ka mahuhulog sa kaniya, diba?" pagsaway ko sa sarili. Napanguso na lang ako at di na inisip siya o sila.
KAKAUWI ko lang galing sa School at medyo late na rin, umupo muna ako sa sala at aakyat na sana ako ay nakita ko ang pagbukas ng pinto. Akala ko pa naman siya kaso babae yung pumasok pero di ako nakapagsalita ng makita kong sunod itong pumasok.
"Let's go," sabi nito roon sa babae.
Napatingin siya sa akin akala ko ay kakausapin niya ako pero nilampasan niya ako, sumunod naman sa kaniya yung babae kita ko silang pumasok sa kuwarto niya.
Sandali napatitig lang ako sa pintuan ng kuwarto niya. Bakit may babae siyang kasama, baka katrabaho lang niya pero bakit pumasok sa kuwarto nito. Imposible na...
Lumapit ako sa pintuan at napahawak sa doorknob, di ko na naituloy ang pag-ikot ng doorknob ng marinig kong may ungol. Kaagad akong naglakad palayo sa pinto at sabay noon ang pagtulo ng luha ko.
"SHAY!"
"Shay, nakikinig ka ba hoy?" pagtanong ni Sab at napailing na lang ako, kumunot ang noo niya pero di ko na pinansin. At ibinalik ang tingin sa mga bulaklak rito.
"Alam mo, kanina ka pa tulala huh. May nangyari ba huh, inaway ka ba ng anak ng presidente o pinilit ka beh o baka nambaba-" tumayo kaagad ako kaya di natuloy ang sasabihin niya.
"Ibigsabihin, nambabae nga siya," humarap ako sa kaniya at napatango. Biglang napatakip siya ng bibig at parang nakakita ng multo sa likod ko. Tumango lang ako at ngumiti lang sa kaniya.
Nakita ko naman ang pag-iling nito at daling kinuha yung bag niya kaya, napatingin ako kaagad sa likod ko. "Anong ginagawa mo rito," gulat na tanong ko rito at nakita naman ang pag-alis ni Sab.
"Bakit masama sunduin ka," saad nito, napatingin ako sa paligid. "Don't worry, wala nang mga student rito bago ako pumasok," kaagad naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya.
Naalala ko yung nangyari kagabi kaya nilampasan ko lang siya. He grabbed my wrist kaya napatigil ako at medyo napangiwi. Kaagad ko siyang sinampal gamit ang kabilang kamay.
Nagulat ako dahil sa ginawa ko. "Sorry," bago iwanan siya doon sa garden, ang sakit ng kamay ko ang tigas pala ng mukha non o makapal lang talaga.
"Fatty, wait," saad nito at hinarap ko naman ito.
"Hindi naman tayo gusto ang isa't isa kaya nama-" kaagad akong tumakbo palayo sa kaniya, alam ko naman iyon ehh pero di niya kailangan ipamukha.
Umuwi ako mag-isa ngayon at nakita kong naghihintay siya sa labas ng gate. Nakita ko naman napatingin siya sa akin. "Anong oras na?" Di ko ito pinansin at nagdiretso lang papasok ng mansion.
"Tutulog na ako," yukong sabi rito at bago isinarado na ang pinto pagkapasok, napahiga na lang ako sa kama.
Gusto ko na ba siya.
"FATTY, buksan mo itong pinto!" rinig kong sigaw nito.
"Fatty, di ka pa kumakain baka-"
Padabog kong binuksan ang pinto at nagulat naman siya. "Ayaw kong kumain, busog ako," matamlay na sabi ko rito at isasarado ng pinto ay ipinasok niya ang ulo niya.
"Let's talk, okay," mariin na sabi nito, pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Anong pag-uusapan namin tungkol na wala akong karapatan sa lahat, edi wow.
"Para saan pag-uusapan natin huh," taas-kilay na sabi ko rito. Napabitaw ako sa paghawak ng pinto at pinapasok ito.
"About us," seryosong pagbigkas nito.
"Anong atin, di ba wala naman-" di naituloy ang sasabihin ko dahil sa pag-ring ng cellphone niya.
"Okay... just wait..." at ibinaba na niya ang tawag.
Tumingin ito sa akin. "Wala na tayo dapa-" bigla itong lumabas ng kuwarto ko kaya napapikit ako ng mariin. "Hoy, diba ako tapos sayo, may sinasabi pa ako ehh," pagdabog ko palabas ng kuwarto at sinundan siya.
"Ano iyan?" pagturo ko sa inihahain niyang mga pagkain rito sa lamesa.
"A food," tipid na sagot nito.
"Alam kong pagkain iyan, pero kanino, doon sa babae mo?" bulong ko. Bigla akong napatingin sa kaniya dahil tumawa ito, wala naman nakakatawa.
"This is for you, hindi ka pa kumakain," tawa nito at napairap na lang ako.
"Hmp," umupo na ako at tsaka kumuha na kaagad ng kanin. Nagulat ako dahil kumuha ito ng kanin at lahat ng ulam rito. Uubusin niya iyan ehh, tikim-tikim nga lang siya kumain tapos ngayon ang dami niyang kakainin.
"Sigurado kang kakainin mo iyan lahat?" pagtanong ko at tumango lang ito.
Nagsimula na ako kumain at nakita ko siyang nakatingin sa akin, pero umiwas rin kaagad. Di ko mapigilan di ngumiti dahil ang cute niya, di siya cute hmp. Akala niya nakalimutan ko na yung babae huh.
"Ahmm, sino nga pala yung babaeng dinala mo noon isang gabi?" nguso ko at napatigil ito sa pagsubo ng kutsara.
"Why are you jealous?" ngisi nito at kaagad akong umiling. Ako magseselos kanino sa babae niya kahit ilang libo pa iuwi niya rito wala akong pake.
"Hindi noh, at tsaka bagay kaya kayo noon babae mo," taas-kilay ko sa kaniya.
"You know, I like her."
Padabog akong tumayo. "Edi ligawan mo siya," nguso ko.
"Nagseselos ka lang ehh," pag-aasar nito sa akin.
"Ako magseselos at di ko type yung mga lalaking babaero noh tsk, tsaka isa na kaya ikaw roon hmp," pagsigaw ko, kita ko naman ang pagngiti niyang parang aso.
"Pero nagseselos ka parin," pagpupumilit nito at umiling lang ako.
"Bakit ikaw ba si JK ko para magselos ako o si baby Suga?" pagmamayabang ko. Di hamak na mas pogi ang BTS kesa sa kaniya noh pero mas matangkad siya roon, ayun lang ang talo.
Nakita ko naman ang pag-kunot ng noo nito. "Sino si JK at Suga na sinasabi mo?" pinipigil ko ang tawa dahil di niya kilala ang mga iyon, ngayon ako na mananalo sa asaran natin hmp.
"Sila ang mga asawa ko hmp," ngiti kong sabi. Ngunit bigla itong sumigaw.
"What?"
^_^
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the President's Son
Romance#Complete#Edited# Discription: May mga tao na sabi sa sarili ay di sila iibig at dahil kaya raw nila itong pigilan. Isa na rito ay si Shay isang NBSB, no boyfriend since birth at law student. Pero maiikasal siya sa isang lalaki...