09

134 11 1
                                    

CHAPTER 09

"BUNTIS ako," gulat na sabi ko. Mama na ako, may baby sa tiyan ko. Matutuwa ito si Tatay kung buhay lang siya ang makikita ko ang pagtalon pa non.

"Yeah, I'm so happy," lumapit ito sa akin at niyapos ako nito. Gulat naman ako dahil sa ginawa niya. Masaya na siya niyan.

"Sobrang lapit mo," bulong ko, sana narinig niya pero lalong humigpit lang ang yapos nito sa akin. Naamoy ko yung pabango niya ang baho, pero tiniis ko na lang.

Tumingala ako at tinignan siya, pero nakapikit ito. Nang dumilat ito, kaagad akong umiwas ng tingin at tinulak siya ng marahan, pero sadyang malakas, ni maski gumalaw ay hindi ehh.

"Masikip," sabi ko at bago ito humiwalay ay...

Hinalikan niya ako sa noo at iniwan lang ako rito. Bakit niya ginawa iyon, siguro masaya lang talaga siya, kahit ako napangiti na lang ako.

"SHAY omg congratulations," si Sab. Sinabi ko kase sa kaniya na buntis ako at tuwang-tuwa ito, ninang raw siya nito. Napatawa na lang ako.

Wala naman tao at paakyat na kami ng hagdan.

"Tara na Shay, dahan-dahan lang umakyat ng hagdan huh," napatawa ako na iiling-iling. Masyadong OA, di pa naman malaki ang tiyan ko.

"Okay lang ako," saad ko at tumango na lang ito.

"Pero wait," napalingon ako rito at napatigil sa paghakbang.

"Ano iyon?" tanong ko rito at muling humakbang. Ano kayang itatanong nito? Kumunot na lang ang noo ko.

"Alam ng asawa mo," bulong na tanong nito. Napatingin ako sa paligid tsaka lang tumango.

Ang daming tanong naman ni Sab, nakarating na kami sa pinto ng room tsaka pumasok na. Buti ay wala pang Prof. dahil biglang nag-ring ang cellphone ko, napatingin naman ang lahat rito.

"Sasagutin ko lang, Sab," napatango na lang si Sab tsaka lumabas ako ng room.

Pagkalabas ko ay sinagot ko na ito, "Fatty, sino nagsabi sayo na pumasok ka huh, susunduin kita diyan," ano raw at pinatay na niya ang tawag, susunduin niya ako, bakit. Bawal ba pumasok sa school pagbuntis huh at paano yung mga subjects ko bilang Law student.

Bumalik ako sa room ng matamlay at andoon na pala yung Prof. Nakinig na lang ako rito at di muna inisip ayun.

"AYAW ko," sigaw ko rito kay Shuan dahil pilit akong pinapasakay sa kotse at uuwi na ng bahay. Sabi niya bawal daw akong pumasok sa school dahil buntis ako. Pero gusto ko makapagtapos ng pag-aaral at maging Atty.

"No," madiin na sabi nito at sumunod na lang ako dahil nakayuom na ang kamao niya, baka masaktan pa niya kami ng baby ko.

Umiiyak akong bumaba ng sasakyan ngayon dahil ayaw ko nga rito sa mansion at anong gagawin ko rito, tutunganga lang. Sunod itong bumaba ng sasakyan at pansin ko ang matalim na tingin niya sa akin.

"May problema ba," tanong ko at nakita ko naman ang pagpikit niya ng mariin.

"Non, Stop crying okay," he smiled then kissed my forehead.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok ng mansion, napatingin ako sa paligid dahil ang daming bodyguard na naman, siguro andito si President at tama nga.

"Iha, masaya ako dahil buntis ka, alagaan mo iyan apo ko ha," ngiti niya at hinipo di kalakihan na tiyan ko.

Pinaakyat muna ako ni Shuan dahil may pag-uusapan daw sila ng ama niya. Pagkarating ko sa kuwarto niya ay nakatulog ako, siguro dahil na rin sa pagod.

Pero naramdaman ko na may humalik sa noo ko at may yumapos sa akin.

"Fatty, wake up," dahil sa boses na iyon ay nagising ako at nakita ko si Shuan na nakangiti habang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ganito ba siya mang-gising huh.

"A-ang lapit mo," nauutal na sabi ko at lumayo na ito kaunti. Nakahinga naman ako ng maluwag rito.

"Di ka kumain kagabi kaya kumain na tayo," he smiled bago lumabas ng kuwarto at sumunod ako bumaba. Sana ganito na lang laging mabait siya.

Pagkarating ko sa baba ay naka-handa sa sala ang pagkain namin dalawa at naka-upo siya roon habang nanonood ng TV, wala ba siyang pasok. Di ko na tinanong dahil nagugutom na ako, dali akong umupo at kumain na.

"Ang sarap," saad ko at uminom na ng juice. Napatigil ako dahil medyo iba yung lasa kaya ibinaba ko na yung baso.

"I cook it," sabi nito at pinagpatuloy naman niya ang pagkain. Naramdaman ko medyo sumakit yung tiyan ko. Baka na sobrahan lang sa pagkain.

"Next week, pupunta tayo sa OB. mo," he said at tumango lang ako. Napadaing ako at napatingin naman siya. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Anong masakit," nag-aalalang tanong nito.

"Yung tiyan ko," nang hihinang sabi ko at napatingin ito lahat sa pagkain.

"May nakain ka bang bawal sayo na kinain natin ngayon," paghimas niya sa tiyan ko pero sobrang sakit talaga nito.

"Shuan, dalhin mo na ako sa hospital," mabagal na sabi ko at naramdaman na parang may basa sa hita ko, napatingin ako roon at nakakit ng dugo.

"Fatty, there's a blood," naluluha na siya at puno ng pag-aalala ang mukha. Naramdaman ko ang paglutan ko. Binunhat niya ako.

"Dadalhin kita sa hospital, okay," kausap niya sa akin. Bumibigat na yung talukap ng mga mata ko.

"Fatty, don't sleep," muli akong napamulat at nasa kotse na kami. Nagmamaneho na siya at di ko na alam ang nanyari.

"SORRY, kasalanan ko, gagawin ko ito dahil gusto ko na mailigtas kayo. Di ko alam kung ano ang gusto gawin ni Dad, pero sana Fatty di mo ako iwanan at sana magtiwala ka."

Nagising ako dahil sa pag-iyak na iyon pero mukhang panaginip lang iyon, napatingin ako sa paligid at nakita ko lang ay si Ate Sha at si Mr. President.

"Ano pong nanyari," pagbangon ko at napaingin sila sa akin.

"Okay ka lang Shay," nag-aalalang tanong ni Ate Sha at tumango lang ako.

"Ano po bang nanyari, yung anak ko po," kinakabahan na tanong ko sa kanila, sana walang masamang nanyari sa anak ko. Napahawak na lang ako sa tiyan ko.

(⁠^⁠^⁠)

Secretly Married to the President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon