CHAPTER 10
"Okay lang siya, anak, pero sino ba naglagay ng pangpalaglag sa inumin mo?" takang tanong ni Mr. President, at kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Palaglag po ng bata sa inumin," mahinang paglilinaw ko at tumango pati si Ate Sha. Anong ibig sabihin nila na si Shuan ang may gawa noon? Ayaw niya sa anak namin huh, kaya nilagyan niya ng pangpalaglag ang inumin ko, pero hindi ako naniniwala.
Sa pag-iisip ko, hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto. "I want to talk to my Wife," malamig na sabi ni Shuan at malamig rin na tumingin sa akin. Lumabas sila.
"Bakit mo ginawa iyon sa amin ng anak mo?" di ko napigilan ang pag-iyak, nakita ko ang pag-iling niya.
"Anong hindi balak mong patayin siya e?" iyak ko rito pero malamig parin ang reaksyon nito. Ano ganiyan lang siya huh.
Di ako nakapagsalita habang nagsasalita siya.
"Tomorrow ay may pasok ka diba at pagkauwi mo, labahan mo yung damit ko, magluto ka na rin ng hapunan," malamig na talima nito. Napatango na lang ako.
"Ang maghahatid sayo pauwi ng bahay ay si Manong. Tulad ng ginagawa ng mag-asawa niya, ay ganon rin ang gagawin mo sa akin..." nakita ko ang paghinga nito ng malalim.
Anong ibig sabihin niya na saan sina Manang.
"At tuwing Sabado't Linggo ay linisin mo ang buong bahay. Magbabakasyon kase sina Manang at walang tao sa bahay na maiiwan malibang tayong dalawa lang," at bakit ako lang diba buntis ako, gago ba ito.
"At tungkol sa anak mo na iyan, di ko sigurado kung anak ko iyan, kaya wala akong pakielam kung mamatay iyan ngayon din," malamig na pagpapatuloy nito.
Napaluha ako dahil sa huling sinabi niya. Tumalikod na ito.
"Ang sama mo, ayaw ko na sa lalaking tulad mo. Ang sama mo, aalis ako bukas na bukas," sabi ko rito pero lumabas lang siya ng pinto at iniwan akong umiiyak rito. Napahawak ako sa tiyan ko.
"Di ka pababayaan ni Mama," pilit kong ngumiti dahil alam kong makakasama ito sa bata.
Pagkauwi ko ngayon hapon, agad kong inimpake ang mga damit ko. Inayos ko na rin yung sarili ko. Nang lumabas ako, wala naman tao at hinawakan mahigpit ang dala kong bag.
Pababa na ako ng hagdan ay...
"At saan ka pupunta?" malamig ang boses na narinig ko at tumingin ako sa likod ko. Si Shuan na nakatingin sa akin. Unti-unti itong lumapit sa akin, naikinatakot ko tingin sa likod at sa kaniya ang ginawa ko para makaatras.
"Wala kang pakiala- Ahh!" namali ang apak ko sa hagdan at akala ko ay mahuhulog na ako pero may humawak sa likod ko at pagmulat ko ay mga mata niya nag nakita ko.
"Be careful," naramdaman ko na binuhat niya ako.
Hinalikan niya ako sa noo at ngumiti siya, natauhan ako ng ihiga niya ako sa sofa rito at iniwan lang niya ako rito. Napaupo ako at hinahanap yung bag na dala ko, kinuha niya ata.
Napatayo na lang ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig at pagkatapos ay pumunta na ako sa guest room para matulog.
Di siya mawala sa isip ko, siguro gusto ko na siya napangiti na lang akong nakatulog.
MAAGA akong nagising para makapaghanda ng almusal. Inahain ko na ang lahat ay umakyat na ulit ako para makaligo at magbihis dahil may pasok pa ako. Pagkababa ko ay nagtaka ako dahil wala na yung nakahain, nabitawan ko yung bag ko sa lapag sa sala at dali akong nagtungo sa lababo ng kusina. May mga pinggan na pinaglagyan ko ng pagkain at na saan yung mga pagkain. Napatingin ako sa paligid.
"Yung mga pagkain ba?" napalingon ako sa likod ko.
"Itinapon ko, mukha naman di masarap ehh," tapos umalis na ito sa harap ko. Paano ako di pa ako nakakain ng umagahan, siguro sa school na lang. Mamaya na lang itong mga pinggan sa lababo.
Pumunta na ako sa sala upang kunin yung bag ko na nabitawan kanina pero wala sa lapag iyon ehh kundi sa may sofa siya nakalagay, kinuha ko na ito at daling sumakay sa sasakyan.
Unang umalis ang sasakyan ni Shuan at sunod lang ako, pagkarating sa school ay tulad rin ng dati may mga bumabati at galit sa mundo. Si Sab ay daming kwento sa akin tungkol sa boyfriend niya.
"UUWI ka na, Shay, baboo," kumaway lang ako.
Sumakay na ako ng sasakyan pero nagulat ako ng andoon si Mr. President. Bakit kaya.
"Hello po, Sir," ako at nagmano sa kaniya. Ngumiti ito sa akin.
"Iha, yung si Shuan pagtiisan mo huh, kailangan mo siya mahalin dahil hindi niya kaya mahalin ang sarili niya. Ganyan lang siya pero pagnasanay ka na sa kaniya, maiintindihan mo siya," seryosong saad ni Sir bago lumabas ng sasakyan.
Pagkarating ko sa bahay ay dali akong nagluto ng hapunan para sa kaniya. Pagkatapos ay nagbihis at umupo sa sofa para hintayin siya, humiga lang ako at everything went black.
Naramdaman ko ang malambot sa likod at may munting halik sa noo ko, pilit ko man imulat ang mga mata pero nilamon na ako ng antok.
(^^)
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the President's Son
Romance#Complete#Edited# Discription: May mga tao na sabi sa sarili ay di sila iibig at dahil kaya raw nila itong pigilan. Isa na rito ay si Shay isang NBSB, no boyfriend since birth at law student. Pero maiikasal siya sa isang lalaki...