08

141 11 2
                                    

CHAPTER 08

PATAY, ngayon ay kaagad akong hinila palabas ng bar ni Shuan. Pinasakay niya ako sa sasakyan niya, halos muntikan na akong mauntog sa pagtulak nito sa akin papasok ng sasakyan. Sabay kaming umuwi, at kita ko ang pag-igting ng panga at pagkunot ng noo niya.

Pagkarating sa bahay, walang nagsalita sa amin, pero matalim ang tingin niya sa akin, nagpakaba ako ng kunti sa tingin niya. Huminga ito ng malalim at pumikit ng mariin, waring nagtitimpi ito.

"Matulog ka na ngayon," malamig na wika nito sa akin bago umalis sa harap ko.

Ano, iiwan lang niya ako rito? Hindi na ako bata, kaya pwede na akong umalis at magpunta kahit gabi na umuwi, hmp.

"At bakit?" sigaw ko sa kaniya, napahinto ito.

"Why?" pagtawa nito, pero nakatalikod parin sa akin.

Naniinsulto ba siya?

"Oo, bakit pinakialam ba kita noong may dinala kang babae dito huh? Pinakialaman ba kita na late ka na dumating? Nagalit ako huh," galit kong sigaw rito.

Humarap ito sa akin. Napatingin ito sa itaas bago tumingin sa akin.

"Matulo-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Oo, matutulog ako kung kailan gusto ko. Alam mo, ayaw ko sa lalaki na may bisyo," hindi ko alam, pero naramdaman kong umiiyak na pala ako. Nakita ko naman sa mga mata niya na naguguilt siya.

"M-matutulog na ako," pilit kong di ma-utal. Bakit parang ako pa ang nahihiya sa ginawa ko? Baka kasi mas matanda lang siya sa akin.

Di ako makatulog, siguro mali rin naman ang ginawa ko. May asawa na ako, at kababaeng tao ko ay gumigimik ako kasama ang mga kaibigan ko pero dalaga parin naman ako dahil bente anyos pa ako.

Magdamag akong nakatingin sa kisame, at di namalayan ang oras na umaga na. "Iha, gising na si Manang ito," rinig ko ang boses ni Manang. Tumayo na ako at daling nagpunta sa banyo, tinignan ang sarili sa salamin.

"Ang laki ng eye bags ko," nguso ko at saka naghilamos muna.

Bumaba na ako upang mag-almusal. Pagkarating ko sa kusina, nakahain na pero wala akong natagpuan na si Shuan.

"Manang, nasaan si-" tumingin ng gulat sa akin si Manang.

"Nako iha, anong nanyari sa mga mata mo huh? Nagpuyat ka noh at bakit?" sunod-sunod na tanong ni Manang.

"Marami lang pong binasa," ngiti ko.

"Oh sige, kain ka na," si Manang at kumain na ako kahit medyo walang gana.

Tahimik akong kumakain, at napatahimik ako sa pag-subo ng makita si Shuan na nakabihis na, lumabas ito. Maya-maya, narinig ko ang makina ng sasakyan niya, hudyat na umalis na.

Pagkatapos kong kumain, agad akong naligo at pumasok na sa school. Sa mga dinaanan ko, napapangiti sila, at alam kong pinag-uusapan ang mga mata ko. Napabuga na lang ako ng hangin bago pumasok sa room.

"OMG," "Anak ng Presidente andito," "Baby Arwien, bite me," "Paampon po," "Ang pogi nila."

Napatingin ako mula sa pagkakayuko. Andito kasi ako sa cafeteria habang kumakain si Sab, at natutulog naman ako pero may mga maingay na dumating. Napatingin ako sa direksyon nila, nanlaki na lang ang mga mata ko sa nakita.

"Anong ginagawa niya rito?" sigaw ko, nakita ko naman na nanahimik ang lahat at napatingin sa akin.

Nakita ko ang pag-ngiti ni Shuan. Mapapahiya ako nito kaagad kong kinuha yung pinapanood sa cellphone ni Sab upang maging dahilan, kahit wala naman siyang pinapanood.

"Dapat kasi ganon, Jang-Na-Ra," pag-kausap ko sa sarili at parang nanonood tsaka umupo na.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng mawala sa paningin ko ito. Bumalik ako sa pagkayuko pero kainis dahil nag-ring ang cellphone ko.

"Sino toh?" pag-sagot ko rito.

"Come here," si Shuan pala.

"At saan?" walang gana kong tanong.

"Parking lot," at napatingin ako sa screen dahil pinatay na niya kaagad ang tawag.

Tumayo na ako, pero di ko alam ang nangyari dahil nakaramdam ako ng hilo at naramdaman ang pagbagsak sa sahig, nakarinig rin ako ng sigawan.

"FVCK, where is my Wi-Shay Fatimah Claveria," sigaw na dahilan para magising ako. Napakamot ako sa ulo bago tumayo. Natutulog pala yung tao, ang ingay eh.

Napalingon ako sa pinto ng magbukas ito. Si Shuan.

"Are you fine, di kana nahihilo o..." nag-aalalang tanong nito, umiling lang ako.

"Good, anong gusto mo kainin," he asked.

Bakit ata ang bait nito ngayon, maasar nga.

"Ikaw," i-tease ko siya.

"Okay mamay-" he paused for a while, kaya marahang napatawa ako.

"Ako," paninigurado niya.

"I mean, ikaw ang bahala," ngiti ko, at kita ko naman ang pagtango niya.

Mamaya-maya ay may dumating nang delivery, at kumain na ako, este kami.

"Bakit ang dami mo atang kumain huh, baka pagtumaba ka ako pa masisi," puno ang bibig ko ng pagkain, pero pilit parin magsalita. Napapikit ako ng maramdaman ang pitik niya sa noo ko.

"Huwag kang magsalita kapag puno iyan bibig mo, okay?" ngiti niya sa akin, tumango na lang ako.

Wala nang nagsalita hanggang matapos kaming kumain. Sabay na rin umuwi, ngunit mukhang wala pa rin siyang balak magsalita, at nang makarating kami sa bahay ay wala pa rin itong imik.

"Hoy, may problema ba huh?" kinakabahan kong tanong, at mukhang natauhan ito.

"I'm Dad now," biglang sabi nito at gulat ako, tinitigan siya.

"May nabuntis kang ibang babae noh, okay lang panagutan mo huh," naluluha kong sabi rito at tinignan ito ng nakangiti sa akin. Meron nga teka, bakit ako masasaktan huh? Di ko naman siya mahal.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi niya habang nakangiti.

"I made you pregnant."

(⁠^⁠^⁠)

Secretly Married to the President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon