Chapter Nine

109 7 0
                                    

𝐌𝐚𝐤𝐞 𝐢𝐭 𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐤 𝐢𝐭: 𝐏𝐚𝐫𝐭 𝐈𝐈

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Hindi ako magsisinungaling.

Atleast, sainyo... but to Nero,

Yes I lied. And in present time, I guess he still has no idea.

Ako 'yong tipo ng kaibigan na kapag kinailangan mo ako, andoon ako.

Nagkataon lang na, a friend of mine needed me that night and he wanted me to keep it a secret. And it was a pinky swear kind of secret I couldn't even tell to anyone, including our friends, Nero and even you who's reading this. Not for now, but you know, the truth will always prevail in the end. And I respected his decision.

But...

Lying to Nero only did me no good. It almost ruined our already crumbling relationship. BUT, I chose to stick to protecting my friend...

At doon nagsimula ang pagsisinungaling ko kay Nero.

Pero masisisi n'yo ba ako?

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Flashback...

(Seiji's Phone)

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Bambam 🖤

Nero
You're doing it again! Ito talaga gusto mo ano?
Nero
'Yong mag-alala ako hanggang sa mabaliw ako?
Nero
Nasaan ka na naman ba? Kanina pa kita tinatawagan!
Nero
Kahit sila Junji at Han hindi nila alam kung nasaan ka.
Nero
Please! Bam, pick up the goddamn phone!
Nero
Gusto mo akong nagkakaganito ano?
Even 'yong parents mo, hinahanap kana sa akin.
Nero
Sumosobra kana, Seiji.
Nero
Kasama ko si Han at Junji, hahanapin ka namin.
Nero
Anong oras na Bam, Tangina naman! Saan kaba namin makikita?

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Napapikit ako habang isa-isa kong nakikita ang mga texts ni Nero sa akin. Bumibigat ang pakiramdam ko dahil alam kong nag-aalala na s'ya sa akin. "Sei, please, mamaya na'yan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, gulong gulo na ako." Napatingin ako sa kasama ko ngayon at nakita kong magang maga na ang mata n'ya sa kaiiyak. Huminga ako ng malalim at inilagay ang phone ko sa loob ng bag. Pinili kong samahan ang kaibigan ko, dapat lang na nasa kan'ya ang atensyon ko. Mamaya ko nalang aasikasuhin si Nero.

Nung medyo nagiging kalmado na ang paligid, pati narin ang kasama ko. Ay doon ko na s'ya niyayang umuwi. Late narin kasi at may kailangan pa akong ayusin sa aming dalawa ni Nero.

Pagtayo namin, pinasalamatan n'ya ako at nagulat ako sa ginawa n'ya at...

At...nakita ko si Nero, Han at Junji sa may 'di kalayuan at nakatingin sa direksyon namin.

Hindi maipaliwanag ang reaksyon sa mukha ng boyfriend ko sa mga oras naito. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi n'ya dapat nakita iyon. Mali ang inisiip nila.

Tumakbo s'ya papasok sa loob ng kotse n'ya at hinarurot ang sasakyan.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆
Bambam 🖤


Seiji
Bam! Mali ang iniisip mo, please bumalik ka rito.
Seiji
Please Bam! Kung nasaan ka man, please ihinto mo 'yong sasakyan. Pupuntahan ka namin, please natatakot ako sa safety mo.

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon