Chapter Thirteen

97 7 0
                                    

𝐓𝐡𝐞 𝐃𝐨𝐰𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐁𝐚𝐥𝐥𝐚𝐫𝐞.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Seiji's

"HALA! KUYA SORRY AKALA KO KASI SI JUNJI!" Napabitaw ako sa kamay ng lalaking nahila ko sa kakamadali ko. Halatang halata rin sa kan'ya ang pagkabigla. Andito na kami sa backstage at busy na lahat ng tao from all the departments. Kaya tinapik ko si Kuya...'di ko pa alam name n'ya, "Uy, sorry–"

"LAKAD NA! KILOS NA LAHAT! 'WAG NG PATAYO TAYO. IKAW D'ON NA SA DRESSING ROOM, SUNOD NA PROPS TEAM. BILIS GUYS!" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko d'on sa lalaki ng bigla s'yang hilain ni Jin at inihatid sa dressing room. POTA!

"WAIT JIN! 'WAG S'YA–" Hahabulin ko palang sana sila ng may humila sa akin.

"Ikaw walang hiya ka bakit mo ako iniwan d'on?! Halika na muna, mag-mando muna tayo. Hanap tayo nila Martha. D'on narin tayo mag-ayos." Si Martha 'yong isa sa mga officer din ng Musika't Tanghalan. Hinila na nga ako ni Juju at nawala na sa isip ko si Kuyang nahila ko.

After siguro ng mga 20 minutes, sinimulan na nga properly ang event at in-introduce na nga ng host kami bilang unang performer. Nakapwesto na kami sa aming mga station at nag-aantay nalang ng go signal para masimulan ang act namin. Tumabi sa akin si Jin at Ju. Sa harap namin si Han. Member nga pala si Han ng dalawang sikat na org dito sa KUTA, and Musika't Tanghalan at ng Ballare na maya maya ay magpeperform din.

"May problema tayo." Seryosong sabi ni Ju.

"Ano?" Sabay pa naming naibulong ni Jin.

"Actually, 'di din ako sure, may nagreport lang sa akin na kulang tayo. May absent daw."

Tinaasan s'ya ng kilay ni Jin, "Okay na! Kumpleto na tayo." Sabay turo n'ya sa may stage. At nanlaki ang mata ko kasi nakita ko nakatayo na doon si Kuyang nahila ko. Tapos... OMG!

Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya. Pero nakabihis s'ya as PUNO. As in! Parte s'ya ng background, sis!

Nagulat at napatakip ng bunganga si Junji ng marealize n'ya 'yong tinuturo ni Jin.
"Oh my—Shuta ka Jin..." Nasabi nalang ni Ju, nagpipigil pa ng tawa sa una. Pero natawa parin sila ng bahagya sa isa't-isa ng magtitigan sila habang ako nahihiya sa nagawa ko.


⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆


Fast forward...


⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆


Juju
@junji_madrigal
Kuta's Musika't Tanghalan did it again! Yey, we did it! 👏👏👏
100 🗨️ | 50 🔄 | 1.3K ❤️

Juju @junji_madrigal
Replying to @junji_madrigal
With special participation nung gumanap na puno na 'di namin kilala 🤣 NAPAKAGALING MO TALAGA @seiji_yan
3🗨️ | 🔄 | 48 ❤️
Sei ☀️ @seiji_yan
Replying to @junji_madrigal
Si Jin kasi eh, sinabi na ngang mali ako ng nahila pinabihisan parin, POTA YAN!
🗨️ | 🔄 | 45❤️
Jin @_apolinariojin
Replying to @seiji_yan
Hindi mo nasabi! Tsaka LABAS AKO DYAN 🤣🤣
🗨️ | 🔄 | 42 ❤️
Juju @junji_madrigal
Replying to @_apolinariojin
MAGANDA NAMAN NAGING RESULTA! TSAKA NGAYON KO LANG NAPAGTANTO MAS GRABE PALA KILIGIN MGA AUDIENCE SA PUNO KESA SA LEAD @hanNaresz HAHAHA!
🗨️ | 23 🔄 | 67 ❤️

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon