Chapter Six

129 8 0
                                    

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐚𝐬 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐚𝐢𝐫: 𝐏𝐚𝐫𝐭 𝐈𝐈

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Seiji's

"Tao po!" Dumating na si Han. Agad agad naman s'yang pinagbuksan ni Mama. Ngumiti ako sa kan'ya habang pinaghahanda s'ya ng niluto ni Mama. Angas diba? Nakikain lang talaga s'ya, ganern! Gan'yan sila ni Ju kapag napunta rito, eh. Kanina pa ako nakabihis at paalis narin sana nung mag-chat s'ya.

"Hindi mo ata kasama si Juju? Asan 'yong batang 'yon?" Tanong ni Mama kay Han.

Umiling si Han bago naupo, "Hindi po eh. Baka po paalis pa lang din sa kanila."

"Ay! Bakit 'di natin isabay? Teka chat ko, baka 'di pa nakakaalis 'yon. Padaanin natin dito." Nagmamadali kong kinuha sa pocket ko 'yong cellphone ko.

Agad namang hinarang ni Han 'yong kamay n'ya sa screen ko. "'Wag na! Ayaw ko s'ya isabay!"
Sabay subo ng kanin.

HALA? Haha ang sama!



⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Wala pa ngang 15 minutes natapos na ka agad kumain si Han, "Walanjo! Kala ko ba kumain ka bago umalis ng ramen? Eh bakit parang gutom na gutom ka?" Tumawa ako.

"Ang sarap kasi tanga!" Sabi n'ya sabay inom ng tubig. Agad ko namang naalala si Nero. Nakakabwiset s'ya kanina. Tanginamerls! Napakasungit n'ya.

"Oh? anong mukha 'yan?" Tanong n'ya na nagtatanggal tanggal pa ng tinga. Isa pa 'to!

"Gaano mo na nga ulit ka tagal kakilala si Nero?" Tanong ko.

"Since grade 7? Oo ata!"

"Ah tagal na din. Ganoon ba talaga s'ya? Topakin?!" Nagba-bye na kami kay Mama.

"Ha? Han?" binalikan ko ng tanong si Han nung nakalabas na kami ng gate.

"Bakit masungit 'no?" Natatawang pagpasok n'ya sa sasakyan. Pumasok narin ako. "Hmm, oo! Pero minsan kasi masama lang gising pero 'di ka naman n'ya laging sinusungitan diba? 'Wag ka mag-alala! Goods 'yon si Nero."

"Okay lang naman sa akin! Pero sana nagsasabi naman s'ya kung may problema ba s'ya mamaya n'yan kapag—"

"Mamaya kapag naging kayo na hindi kayo magkaintindihan?" Nagmamaneho na pala si Han. "Naks naman! Sasagutin mo na 'no?" Pang-aasar pa n'ya.

Sa totoo lang hindi naman mahirap magustuhan si Nero. Unang impression ko kay Nero–competitive, Matalino, Introvert, Seryoso masyado, Walang sense of humor, Boring, at Madamot. Pero sa ilang buwan naming pagkakakilala, nagugulat nalang ako sakanya. Kakaiba s'ya. Kahit alam kong may pagka-introvert s'ya nakikita ko 'yong determinado s'yang magpaka-outgoing kapag kasama ako. 'Yong tipong hindi s'ya pala joke pero kapag kasama ako sinusubukan n'ya akong pasiyahin at patawanin. 'Yong ang daldal n'ya pag ako 'yong kasama n'ya. At lagi n'ya akong sinasamahan kahit alam kong busy s'ya sa mga school activities n'ya. Mabilis din kaming nagkasundo. At masasabi kong comfortable na ako sakan'ya.

"Ang lalim na n'yan ha!" Napabalikwas ako at bumalik sa wisyo ko. Ang lalim na pala ng pag-iisip ko kay Nero. Ugh! Nero... Ano bang ginawa mo sa akin?

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆



"Huwag ka munang bababa, ha!" Pababa na sana ako n'ong nakapag park na s'ya. Bakit naman? Tumingin ako sa orasan.

"Gago kaba? Baka malate tayo. 15 minutes nalang bago first subject timang ka!"

"Bastaaa nga kasi! Wala daw si Ma'am! Stay put ka lang d'yan." Nagtataka man pero sinunod ko s'ya. "Kapag tayo na late!" Nangunguso kong sabi. Tapos s'ya naman nangingiti-ngiti habang nags-scroll sa cellphone n'ya.

15 minutes later...

Nabored na ako kaya sinuot ko na 'yong bag ko, "Hay naku! Tara na nga Han!" Binuksan ko na 'yong car door.

"Teka! Huy—" Hindi ko na s'ya pinatapos. Alam kong hinahabol n'ya ako pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Paglakad sa loob ng building nakita ko si Jin at Ju na papunta sa multipurpose hall.
"HOY! JUJU!" Pagtawag ko 'di naman nila ako narinig at may mga bitbit silang mga balloons. May event ba? Sinundan ko nalang sila.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆



"Bilisan mo ilagay mo na 'yan dun. Asan naba si Han? Mamaya maabutan tayo ni Sei—" Napahinto s'ya ng panlakihan s'ya ng mata ni Jin. Nakatalikod kasi si Ju sa akin bale si Jin ang unang nakakita sa akin. Dahan dahang lumingon si Ju at nanlaki rin ang mga mata.

"Sei—shet! Sorry bigla kasi s'yang lumabas ng sasakyan!" Hinihingal na sabi ni Han sabay sandal sa bungad ng pinto.

"Anong sabi ni Han saan na daw sila—" At biglang lumabas si Nero sa eksena. Napasulyap ako kasi half lang nakikita ko may harang kasi pero alam kong si Nero 'yon. At nagulat din s'ya ng makita ako. Wala 'to sa mood diba? hmm.

"Hephep!" Agad akong hinila ni Junji palabas ng hall at sinara 'yong pinto. "Napakabobong Han! Hinayupak."

"Ano ba kasing meron?" Nagtatakang tanong ko.

Tumingin s'ya sa'kin, "Hintayin mo nalang pwede? Basta! Maganda ka diba? kaya deserve mo 'to!" Sabay ikot ng mga mata n'ya.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆



Biglang tumunog ang cellphone n'ya, parang may nagchat o kaya text. Tapos ngumiti s'ya ng nakakaloko. "Tara na!" Binuksan n'ya ang pinto at pagpasok namin...

Agad nag play 'yong Pretty U ng Seventeen. Tapos ngumiti sa akin si Nero kasama n'ya 'yong ilan sa mga dance crew sa school kasama din si Han at Jin doon.

After n'un hinila n'ya ako sa Center. Nilibot ko 'yong venue puro heart decors at balloons sa sahig tapos may mga picture stands. Picture naming dalawa. Pota!

"Hindi ako sanay kumanta sa harap ng ibang tao pero sige." Rinig na rinig 'yong paglinis n'ya ng lalamunan n'ya. "'Pag ngumingiti ka para bang may iba. 'Pag tumitingin sa'kin mapupungay mong mga mata. Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda." Kinanta n'ya 'yong few lines ng Habang Buhay ni Zack Tabudlo.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆



Hinila n'ya ako palapit sa kan'ya at ngumiti, "Halika nga! Tingnan mo lang ang aking mga mata." 'Yong mga nakakakita sa amin lahat sila pumalakpak sinasabayan 'yong beat ng kanta na para akong nakikinig ng acapella act. "'Wag kang titingin na sa iba. Akin ka na wala nang iba.
Andito 'ko hanggang sa 'ting pagtanda. Mamahalin kita basta't 'pag nahulog. Nakahawak ako 'wag ka lang bibitaw."

Nilabas n'ya 'yong kanina pa n'yang hawak na stuff toy na araw (sun) 'yong design. Ang cute!
"Seiji Yan, Habang buhay na ako'y iyo."

Hiyawan at palakpakan nalang narinig ko after n'yang kumanta. Hindi kami ganoong karami rito sa loob ng hall as in bilang lang sa daliri ng kamay pero grabe! Ganito pala mang-Love bomb ang isang Nero Martin? Potaaaa! 'Yong titig n'ya! Nakakatunaw na!

"Pwede ko na bang malaman kung—"

"YES!" Hindi ko na s'ya pinatapos pa!

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon