Chapter Twenty-One

90 7 0
                                    

𝐁𝐚𝐦𝐛𝐚𝐦.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Seiji's

Nakakaamazed talagang isipin na sobrang kilalang kilala na ako ni Nero. Para bang hindi ko na kailangang sabihin sa kan'ya ang mga bagay bagay, magugulat ka nalang nafigure out n'ya na on his own 'yon. Alam kong para sa iba simple lang 'yong dala ni Nero ng laptop ko. Nope, for me isa 'yong 'Paano na lang ako kung wala si Nero sa buhay ko?' momints. Siguro nga totoo 'yong sinasabi ni Juju na opposite kami kaya na-attract kami sa isa't-isa. Halimbawa na d'on, 'yong pagiging irresponsible ko minsan, tapos s'ya naman itong responsible sa aming dalawa. Pero kahit ano pa man, sure ako na once minahal ka ni Nero, aalagaan ka n'ya at hindi ka pababayaan lalo na kapag kailangan mo s'ya.

Kaya...

Nakakaguilty 'yong plano namin ni Ju na magsinungaling sa kan'ya. Kasi naman eh! Alam ko sasabihin ng iba na malaki naman na ako at may sarili naman akong choice, so choice ko na kung susundin ko si Juju at magsisinungaling nalang. Pero, sa totoo lang, kung pwede lang sanang hindi ko na lang kailanganing magsinungaling eh. Ayaw ko rin naman talaga magkaroon muli ng atraso kay Nero kaso...paano naman ako? Kung pinayagan nalang kasi sana ako agad, walang kaso eh. AHHHH! Grabe 'yong utak ko naguguluhan na talaga.

Gagawin ko ba 'yong gusto ko kahit ngayong araw lang? Or magiging honest ako kay Nero at hindi na sasama sa mga kaibigan ko?

AH HELP!


⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆


Tumahimik ang buong class ng magbukas ang pinto. Lahat kami in-expect namin na dumating na 'yong professor namin. Pero mga ilang segundo siguro muna bago may pumasok. Tahimik lang kaming nag-aabang na nakatitig sa pinto. Ng biglang...

"SPECIAL DELIVERY FOR BAMBAM WITH LOOOOVE!" Biglang bumungad si Han na may hawak na Bouquet ng...akala ko flowers. Nagtawanan ang mga nasa room kay Han. Tapos ng lumapit s'ya sa akin, at napakalawak pa ng ngiti, d'on ko narealized na hindi s'ya bouquet of flowers kundi bouquet of chocolates tapos may maliit ng teddy bear sa middle. "Sabi n'ya ganito," Iniabot n'ya sa akin 'yong gift tapos nagready sa gagawin n'yang Nero impersonation, "Tell him that I'm sorry for ruining his day. And...I love him." Sabay tawa nung marealized n'yang nakakacringe pala maging kasing sweet ni Nero. Pero dahil d'on, naghiyawan sa room. Nakikinig pala ang mga kaklase ko. TEKA ANTEH, 'DI AKO PREPARED SA ATENSYON!

Nahihiya akong tumango kay Han bago s'ya lumabas ulit ng room at yumuko ako para titigan ang hawak hawak ko. Kinuhaan ko pa ito ng litrato gamit ang phone ko at nangingiti ngiting parang baliw.

"Ano 'yan?" Inangat ko ang tingin ko kay Ju, nakataas 'yong kilay n'ya. "Ano 'yan, bakit ang rupok mo?" Pinisil n'ya ang dalawang pisngi ko gamit ang isang kamay, 'yong thumb n'ya nasa kabilang pisngi ko, tas ung middle finger nasa isang side naman tapos pinisil pisil n'ya ng bahagya, "Shuta, 'wag ka muna bumigay, ha. Dapat galit galitan muna. Kung gusto mong sumama samin mamaya." He reminded me. TANGINA! OO NGA PALA! Hinawi ko ang kamay n'ya sa mukha ko . Binawi ko 'yong ngiti ko at nag pout ako. Tinabi ko muna sa side ng table ko 'yong bouquet. Muntik ko na makalimutan. Dapat pala, hindi muna ako magpadala sa kilig. BUKAS NALANG SIGURO? HUUUY!

"Palibhasa kasi alam na alam n'ya kung paano ako kuni–HUUYY!" Sabay kaming natawa sa sinabi ko. Kathryn Bernardo is shaking.

"Ulan na lang kulang, Bish!" Natatawang sagot naman ni Juju, tapos nagtawanan na naman kaming dalawa sa isa't-isa. Pisteng 'yan, kailan ba kami magmamature nito?

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon