Chapter Forty-Three

106 5 0
                                    

𝐖𝐚𝐥𝐥𝐬.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Jin's

"Ang aggressive." Napatingin ako kay Han ng magsalita s'ya. Nung una hindi ko nagets pero nung tumingin s'ya sa tinidor na hawak ko na tinutusok ko ng pagkadiin sa pagkain ko habang nakatingin ako kay Janno at  Juju na magkatabi na naman, ay doon ko narealized 'yong ginagawa ko. Tumawa s'ya.

"Han pwedeng magtanong?" I asked.

"Nagtatanong kana." He jested, then stuck his tongue.

"Gusto mo sa'yo ko isaksak 'to?" Sabay taas ko ng tinidor. Hinampas n'ya lang ako.

"Anong tanong mo?" Sabay subo ng pagkain.

"Sila Juju at Janno na ba?" I asked kasi he probably knows, I mean it's Han. He knows everything about us. Maybe, Ju told him. I really don't know. But I hope, hindi ang sagot.

Halos maidura naman ni Han 'yong kakasubo n'ya lang na pagkain. "Abay ewan ko? Marites ba pangalan ko? Chika minute ba ako na palaging may alam kung sino 'yong mga nagdedate?"

I shook my head, confused. Mag-iisang buwan palang namin silang kakilala pero grabe na kasi 'yong closeness nila. And Janno is always calling him Dimps. Like Dimps here, dimps there. He always needs Juju! Ni hindi ko na nga makausap 'yong tao eh!

Nagulat ako ng hawakan ni Han 'yong kamay ko at ibinuka ito, I didn't even notice that my fists were clenched. "Ano naman sa'yo?" Han all of a sudden got serious. Napatingin ako sa kan'ya at busy lang s'ya sa pagtapos ng pagkain n'ya. "Ano naman sa'yo if sila nga, Jin? What are you gonna do about it?"

I think about his question for awhile and shook my head, I understand naman why Han and Sei suddenly act bitchy whenever I talk about Junji recently. "W-wala. I'm just asking."

"Wala pala, eh. Let him. Let Juju have someone special in his life na makakaramay n'ya. Alam mo namang pressured na s'ya sa acads. All his life he's studying kasi naniniwala s'ya na kapag nag-aral s'ya ng mabuti makakakuha s'ya ng maraming credentials, at pag marami s'yang credentials at gragraduate na with honors, maraming opportunities na darating, makakakuha s'ya ng magandang trabaho na may malaking sahod at mapapatigil na n'ya ang mama n'ya sa pagtatrabaho at mapapa-uwi na ng pinas."

Muntikan ko na makalimutan 'yong part na 'yon. Kilala kasi naming strong, achiever and goal oriented si Juju. Muntikan ko ng makalimutan 'yong mga struggles n'ya at reasons bakit s'ya ganoon. I almost forgot about him not growing up with his Mom because she needs to work abroad to make ends meet.  I hate it when Han is serious, he can make you realize a lot of things. We called it Han effect.

"Pero bakit sa kakakilala lang n'ya?"

"Hmm, bakit may iba pa ba?" He looked at me intently.  

Umiling ako, "Just curious."

"Edi please, hayaan mo s'ya sa gusto n'ya. Mukha namang napapasaya s'ya ni Janno," He crossed his arms, "Unless, matapang kana. Matapang na nga ba?" 

Fuck.

Han effect, again.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆


Junji's

Pagkatapos naming mag lunch, nagpaalam muna ako kay Nero na mag-extend ng break.  Nagdahilan ako syempre pero ang totoo n'yan gusto ko lang tumambay dito sa quadrangle at magpahangin.

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon