Chapter Twenty-Eight

96 6 1
                                    

𝐃𝐢𝐦𝐩𝐬.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Junji's

Halos mamatay ako sa kakatawa ng mabasa ko 'yong sinabi ni Jin. Muntikan ko na kasing makalimutan na, oo nga pala, iniwanan namin s'ya ni Han d'on sa sobrang taranta namin kay Nero. Pero kasi kanila naman kasi 'yong place kaya panatag kami na magiging okay naman s'ya pag-gising n'ya. Habang pinapatigil ko ang sarili sa pagtawa ay nagulat ako ng muling umilaw ang phone ko na kakalock ko lang. Pag ka-check ko ito ang bumungad sa'kin.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆


(Notification Screen)


⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆


• 🗨️ Twitter
Janno Felipe • 1s
Pres! 👋

• 🐦 Twitter
@onnaj_epilef • 2s
Followed you


⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆


Agad nawala 'yong ngiti ko at natameme ako ng ilang segundo ng makita ko 'yong name ni Janno sa notif ko. Para akong tinamaan ng kidlat. Bakit kaya ako chinat nito? Bakit close na ba kami? Amm, gusto n'ya bang makipagkaibigan? Ano kayang pakay nito? Naalala ko na naman bigla 'yong naramdaman ko nung unang beses nagtama ang mga balat namin at 'yong accidentally n'yang nahawakan ang kamay ko. That same electricity, parang nafeel ko s'ya nung nakita ko ang pangalan n'ya sa notif ko.

ANO BA JU ANG OA MO NA.

Nakakatakot talaga kapag may umaaligid na gwapo. Nakakaoverthink. 💀

Wala lang naman siguro, 'to? Baka naman may itatanong lang sa akin regarding sa school. Masagot na nga.

Tinap ko 'yong message n'ya at napunta na ito sa conversation screen.


⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆


Janno Felipe

Janno
Pres! 👋

Janno
Good day, mate! 😊

-
Wait bakit parang naririnig ko s'ya sa chat n'ya? HAHA! Ini-imagine ko tuloy na sinasabi n'ya 'yan in person with his accent.
-

Juju
Hi, Janno! 😊

Janno
A followed back would be appreciated 😂

-
HALA! Nakalimutan ko nga palang finollow n'ya pala ako. Nag-exit muna ako sa convo tsaka nagtungo sa notifications ko at pinuntahan ang account n'ya upang ifollow back s'ya tsaka ako bumalik.
-

Juju
Doneeee!

Juju
Sorry nakalimutan ko HAHA!

Juju
Anong atin po?

Janno
Wala 😂

Janno
Just scrolling and accidentally saw your account. 😁

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon