Chapter Forty-Seven

125 5 3
                                    

𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Seiji's

The flash mob? We made it viral. After posting it a month ago, it only took 24 hrs before it spread exponentially across multiple social media platforms. We even made it to the Local Television News! With Nero, one time, went on a TV guesting, as our representative. He just told some teasers of our plans for the competition and encourage everyone to give us their support.

That's our leader, back there! (Proud boyfriend, here.) I was invited too, since I was the one behind the directing, pero tumanggi ako. And yes, I declined because I wasn't confident enough. (Tsaka may pimples ako no'ng araw na'yon, I mean—you get me, right?)

Pero ang importante, we made it viral. We reached one of our goals. Siguro kasi, una, sikat na ang Ballare even before. Pangalawa, maganda lang talaga ang naging resulta ng gawa namin. Syempre doon ako sa pangalawa kasi pinaghirapan namin 'yon, 'no. The Dean also informed us that he got an email from the committees, and even the event organizers and they are excited and looking forward to see us on stage. 

"Mama, hindi ko kailangan lahat ng 'yan." Sabi ko kay mama ng lagyan n'ya ako ng, what I believe is, Katinko set box ba 'yon? Oo ata. Tapos may Vicks at White flower pa like ano ba 'to si Mama!

"Gamot 'yan sa lahat ng sakit na pwede mong maramdaman, maniwala ka sa'kin. Lalo na 'to," Sabay turo n'ya sa Vicks. She's a typical filipino Mom, I'm telling you. "And of course, your vitamins anak." Sabay lagay n'ya sa maleta ko. "Hati kayo ni Nero," Then glanced at Nero, "Ingat kayo 'don. Ingat ka, anak. Alagaan mo si Sei, ha."

"Mama, umiiyak ka ba?" Natatawang pagturo ko sa mukha n'ya. Natawa nalang din si Nero.

"Parang kailan lang kasi ang babata n'yo pa." At umiyak na nga! "Hay, naku! Hayaan n'yo nga ako ano! Mamimiss ko kasi kayo! Basta mag-iingat kayo doon, ha!" Sabay yakap sa amin ni Nero. "Pa, tara na at baka malate ang mga bata." Pagtawag n'ya kay papa. Ihahatid nila kami ngayon sa airport. Sasabay din ang ibang members sa Van namin.

One month had passed and now we are flying to Singapore to finally compete for the Preliminary, Quarterfinals and Semi-finals. Sobrang productive ng isang buwan namin na 'yon. Tatlong choreographies and routines ang kinabisado namin, mga anteh. More or less 2 weeks daw kami mag-lalagi sa Singapore. Per round, may 3 days interval para mapaghandaan din namin kada next round at ma-polish pa ang kailangan i-polish. Then uuwi kami sa Pilipinas ulit, then after 1 month, lilipad ulit for Championship (if we make it), na we believe, gaganapin naman sa Korea. Yes! KOREA! We are hoping na lahat ng rounds malagpasan namin para ma-qualify sa Championship. Aja!

Paglabas namin ng gate andoon na silang lahat.

"Hoy, Jin at Han! Pst," Paninita pa ni Mama kay Han at Jin na nagyoyosi sa gilid. "Kayong..." Nagmamadali naman nilang tinapon at tinapakan 'yong mga yosi nila tapos ngumiti kay Mama.

"Go, tita! Pagalitan mo!" Nangingisi namang sabi ni Ju ng tumayo na s'ya mula sa pagkakaupo at tinulungan na si Papa ilagay ang mga gamit nila sa likod ng Van. Tumulong na rin si Shun at Janno.

Nung makapasok na kaming lahat sa Van, lumingon sa amin si Mama mula sa front seat tapos ngumiti. "Galingan n'yo do'n. Junji mag-send ka daw sa lola't lola mo ng videos."  Paalala n'ya pa. Tapos tumingin sa dalawang bago sa paningin n'ya. "Bakit ang popogi n'yo?" Pagturo n'ya sa kanila, Shun and Janno just laughed at her.

"Ako po tita? Pansinin mo naman ako." Han pouted.

Ngumisi si Mama, "Hindi naman ako mag-aalala sa'yo, ano, magaling ka naman sa lahat ng ginagawa mo."

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon