Chapter Thirty-Seven

108 5 3
                                    

𝐓𝐡𝐞𝐲 𝐬𝐚𝐢𝐝 𝐲𝐞𝐬!

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Nero's

"Next." Han called the next auditionee. It's almost half a day, still wala parin kaming nakukuhang pwedeng maging addition sa Ballare. For pete's sakes, 4 nalang naman hinihintay namin eh. Why is it getting harder as the days pass?

The one he called just finished dancing and guess what...he also failed.

"What the fuck lang, mga bhie." Sinampal na ni Han 'yong noo n'ya ng folder na hawak n'ya.

"Tangina na, mga bhie." Jin joked too. But obviously, he's getting tired.

I closed the folder I'm holding and stand up. "Tara break muna."

Tumayo narin si Jin, "Una na kayo, puntahan ko si Junji."

"Ay, miss mo na?" Biro ni Han kay Jin sabay tingin sa'kin, "Ikaw Nero, puntahan mo pa ba si Sei? or kain kana ka agad sa cafeteria?"

Umiling ako, "Sabi n'ya lalabas daw sila ni Madrigal eh."

Napahinto si Jin at lumingon sa'min, "Weh, saan daw sila mag-lunch?"

"Mag-jollibee daw sila." Sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kan'ya, "Tara, Han, sabay na tayo." Pag-aya ko kay Han.

"Sige, hanapin ko nalang sila. Siguro naman 'yong Jollibee d'yan sa malapit sila kakain."

"Try mo sa Mcdo pumunta, Jollibee nga eh." Pang-aasar naman ni Han.

"Ina mo!" Jin flashed his middle finger with his devilish smile at Han and Han was aiming to punch him but before he could, Jin started running.

"Siraulo." Sabay tingin s'ya sa akin. Nung napansin n'yang para akong nagpipigil ng tawa, ngumiti s'ya sa'kin. "Oy, natatawa s'ya kay Jin." Pang-aasar n'ya, "Magbati na kasi kayo."

Natatawa ako, okay? Kasi hindi parin pala nagbabago si Jin, siraulo parin. Pero...hindi bakit ako makikipagbati d'on?

Umiling ako kay Han, "Sayo ako natatawa. Okay kana? Tara na gutom na ako."

"Sows, Nakita mo ba kung paano n'ya ako pakyuhan? Demonyong Jin." Naalala ko na naman 'yong ginawa ni Jin sa kan'ya kanina kaya 'di ko na napigilan, natawa na talaga ako. "Oh, diba! Deny pa!"

"Para kasing batang kalye." Natatawa kong sabi.

"Oo, 'yong batang hamog na nag-amok kasi 'di mo binigyan ng barya." Tanginang Han, 'to! Dinagdagan pa 'yong tawa ko."Tangina mo, Nero! Tawa ka ng tawa d'yan, tara na nga sabi."

"Tangina mo, joke ka naman kasi ng joke d'yan." Tawa ko pa din. Inakbayan n'ya ako at lumabas na nga kami ng gym.

Pagkalabas namin humanap na ako ka-agad ng mauupuan kasi sabi ni Han s'ya na daw oorder para sa aming dalawa.

Habang nag-aantay ako sa kan'ya. Nagphone na lang muna ako. Ka-chat ko rin kasi si Seiji. Syempre, kahit 'di na kami laging nagkikita sa sobrang busy namin, dapat boyfriend duties padin.

"Pwede ba Shun, tinatamad nga kasi akong lumabas. Dito na tayo kumain."

"Gusto ko nga mag-Jollibee."

"Edi lumabas ka, bahala ka basta ako dito lang ako. Tsaka kailan kapa nahilig sa Jollibee?"

"Ayaw mo ba sundan bebe mo?"

"Tangina, syempre naman need din ng space n'on, ano? Lagi kaming magka-dikit?"

Napa-angat ako ng tingin sa dalawang lalaking nag-uusap malapit sa table namin. Nung makita ko kung sino sila. Agad akong napatayo. Finally! Our paths crossed again.

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon