Chapter Thirty-Eight

68 5 0
                                    

#𝐒𝐚𝐯𝐞𝐁𝐚𝐥𝐥𝐚𝐫𝐞 𝐏𝐚𝐫𝐭 𝐈𝐈

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Seiji's

Napahinto ako sa pagbabasa ng may tumapik sa akin sa braso. Pagka-angat ko ng mukha ko nakita ko si Janno at Shun. Ngumiti sa akin si Janno kaya naman tinanggal ko ang suot kong earphone. Nasa classroom na kami ulit at kakatapos lang ng break namin.

"Si Dimps?" Obviously, he is asking where's Juju.

"Nasa Dean's office. Kaka-patawag lang sa kan'ya actually."

"Ah." Tapos parang nalungkot s'ya bahagya kaya tinawanan ko s'ya, "Bakit?" Tanong n'ya. Tinitigan ko lang s'ya ng nangingiti ngiti hanggang sa napangiti na rin s'ya ulit at parang biglang nahiya. "Clingy, eno?" 

Natawa ako sa kan'ya, kahit hindi ko naman talaga alam anong estado talaga nila ni Ju, "Saglit lang naman siguro 'yon, don't worry." I assured him. He nodded, smiling.

"Oh, by the way, kasabay namin si Han kanina. Wala ata si Jin?" Janno suddenly starting a conversation. Maya maya umupo s'ya sa tabi ko, sila, ginaya s'ya ni Shun. Kaya umusog ako sa dulo para magkasya kami sa upuan.

"Ah, 'cause Jin's with us. Sumunod s'ya sa amin." 

"Sabi ko sa'yo mag-jollibee din tayo, eh." Mahinang sabi ni Shun kay Janno pero narinig ko parin HAHA.

"Bakit hindi kasi kayo sumama?" Tanong ko looking at Shun.

"Tinatamad lumabas ang prinsesa, eh. " Sabay turo n'ya kay Janno. Natawa ko kasi tinaasan s'ya ng kilay ni Janno after n'yang sabihin 'yon. Natawa rin si Shun nung matawa ako.

"So how's Han?" Tapos bigla kong naalala si Nero, sabi n'ya kasi nagbreak din s'ya kanina eh. Hindi sila sabay ni Han? Kumain na kaya ang Jowa kong 'yon? "Teka, si Han lang kasabay n'yo?"

Umiling si Janno, "Nope. Kasama din namin si Nero." Tapos bigla s'yang tumingin sa akin na parang may naalala s'ya, "You guys knew each other, right? Si Nero? Tinanong n'ya kasi ako if kilala namin kayo ni Dimps kasi same class namin kayo."

Oh, they met! Natawa ako sa energy ni Janno, may time ba na tumahimik 'to? Haha. Tumango ako sa kan'ya ng nakangiti, "Of course, I know him. Boyfriend ko 'yon eh."

"HUWHAT?" He literally said. He was so shocked. Nagtitigan sila bigla ni Shun.

"Oh, s'ya pala." Biglang sumeryosong sabi ni Shun habang tumatango tango na parang dina-digest pa n'ya 'yong narinig n'ya.

"Akala namin si Jin. Lol!" Biglang tawa ni Janno.

"Huy, hindi ah! Friends lang kami n'on ni Jin." Depensa ko, bakit naman nila inisip 'yon?

Maya maya bigla nalang may nagbukas at nagsara ng pinto ng napakalakas, tas pagkatingin namin si Juju pala. Anyare? Tumayo na sila Janno at Shun dahil andyan na nga si Juju.

"Anyare anteh?" Tanong ko, mukha kasi s'yang badtrip.

"Yeah, Dimps, you look upset? What did the Dean tell you?" Tanong ni Janno, caressing his shoulder to calm him down. Tapos si Shun umakyat na sa original seat n'ya.

"Nothing, org related concerns." Sabay pilit n'ya ng ngiti kay Janno, "Upo kana, baka dumating na 'yong prof." Sabi n'ya rito at sinunod naman agad s'ya nito.

Pagkaupo n'ya sa tabi ko, "Looks like, Ballare's problem, will be our problem as well." Mahinang sabi n'ya.

"What?" Lumapit ako sa kan'ya, "How come? Ano bang sabi?"

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon