Chapter Fifteen

98 7 0
                                    

𝐇𝐢, 𝐫𝐞𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐦𝐞?

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Shun's

"So totoo ang chismis? Shun Fajardo? 'Yong sikat na model at anak ng tycoon ay Kinaiyan na?" Rinig kong bulong nung isang babae sa mga kaibigan n'ya. Tamang lakad lang kami ni Janno sa hallway papuntang room namin. For real, papasok na kami ngayong araw.

"Ano kaba sis, remember 'yong gumanap na tree sa performance ng MT kahapon? I heard, it was him."

"OMG! Really? Kaya naman pala nagtataka ako bakit ang daming naghihiyawan sa isang puno! Is he part of MT na ba? Grabe? Ang bilis naman n'yang nakapasok doon."

"Yes, wala nga akong nabalitaang nag open ng audition 'yong MT eh."

"Baka alam mo na...may connections? We all know naman na if part ka ng MT or Ballare, being the famous theater group and dance group among other Uni's, magandang credentials 'yon for him."

"Yeah, right! But I'm not gonna lie, napakapoging puno naman n'ya."

Napahinto ako at napangisi. "Excuse me? Hi!" They looked surprised when I approached them. "Matanong ko lang, ano 'yong MT?" Nakangiting tanong ko. Kasi 'di ko talaga alam. MT? Ano 'yon parang wala lang? Kasi nga...EMPT–

Oo, corny.

"Amm, Musika't Tanghalan? You didn't know? You performed with them kahapon."

"Oh! 'yon pala. Sila. Sige salamat." Tapos kinindatan ko sila tsaka sumibat. Nakita ko pang nagpipigil sila ng kilig. I performed with them? They called that a performance? Eh, tumayo lang naman ako doon? Isa pa! My pictures are everywhere pinagalitan pa ako ni Manager Chrys. Oo, gwapo ako kahit anong ipasuot o ipagawa n'yo sa'kin but...Mukha akong tanga 'don!

Siniko ako ni Janno, "Tch! Playboy." He shook his head and laughed.

"Agad? 'Di ba pwedeng sinusubukan ko lang makipag-socialize? Shish."

Janno stopped in front of a room, glanced at the paper he was holding and then looked at the room number, Napahinto rin ako kasabay n'ya. "I guess, we're here."

Binuksan na namin 'yong pintuan at 'yong maingay na room bigla nalang nanahimik nung makita kami. Tapos lahat ng mga kablockmates namin ay napatingin sa amin at napahinto sa mga ginagawa nila.

"Mukhang 'di ata sila masaya?" Bulong ni Janno.

Ngumisi ako, "Huh? Pinagsasabi mo, hindi mo ba nakikita? Gulat sila. May gwapo pala silang kaklase." Bulong ko pabalik. Hinampas naman n'ya ako.

Hanggang pagpasok namin ay nakatingin lang sila sa amin. Naghanap na kami ng mauupuan. 'Yong itsura ng room ay 'yong typical university room na pataas ang mga upuan while 'yung table ng prof is nasa baba at nasa gitna. Umakyat na kami. Parang trip ko sa bandang gitna umupo.

Napahinto ako ng mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao. Actually, pati 'yong katabi n'ya. Nakatitig lang din silang dalawa sa amin. 'Yong isa naman ay napatakip ng libro sa mukha n'ya at parang nahihiya. Napangisi ako. So we're in the same class, ha? You're dead!

Sinenyasan ko si Janno na umupo kami sa may bandang likuran nila. Umupo na kami at nahuli ko pang lumingon sila sa amin.

I grinned at the one covering the book over his face. "Janno, parang magiging exciting ang school year na'to."

"Bakit?" Walang kaalam-alam na tanong ni Janno.

"Wala naman, parang may mapagtitripan ako dito." Agad namang napatalikod 'yong guy at nagsimula na ulit magbasa.

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon