Chapter Thirty-Nine

90 5 0
                                    

𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫𝐞𝐬𝐭𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞𝐝.

⋆﹥━━━━━━━━━━━━━━━﹤⋆

Seiji's

Okay. Hear me out.

Gusto ko na magback out mga, anteh.

Kakatapos lang ng ibang mga taga MT sumayaw isa-isa.

Now, we are watching Janno and Shun dancing. They've decided na mag-duo nalang since mayroon silang sayaw noon na natandaan nila at iyon nalang ang ginawa nila tonight for their try-out.

And I'm telling you...sobrang galing nilang dalawa. Kami na ni Ju ang sunod at kinakabahan na ako. Nagpractice kami saglit kanina, balak naming gawin 'yong mga tiktok dances na alam namin. Yes, TIKTOK dance! May mas nakakahiya pa ba dito? I hope hindi kami mag mukhang katawa-tawa kapag kami na.

Sana man lang kasi prepared kami diba?!

What if matawa kami kasi biglang tumawa si Han at Jin? Mapang-asar pa naman 'tong mga 'to. What if ma-awkward ako sa harap ng jowa ko? Shuta mga anteh, ramdam n'yo ba 'yong kaba ko? HELP.

Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko silang magsigawan at magpalakpakan. Tapos na pala ang dalawa. Pumalakpak din kami ni Ju.

"Shuta, tayo na." Bulong ko kay Ju.

"Wag ka ngang kabahan d'yan." Of course, ano pa ba in-expect ko dito kay Ju eh ever since bata pa kami mataas na confidence level nito. Paano naman ako? Huhu.

"Wow, Nero you are right about them!" Sabi ni Han habang pumapalakpak.

"May nanalo na." Ganoon din si Jin.

"Wow, good job newbies. Hindi ko inexpect na babagay pala kayo sa Ballare." Even the Dean complimented them. Wtf?

"Ang galing! Ang galing!" Palakpak ni Nero na may malawak na ngiti. Even Nero?! "You can rest muna, guys. Salamat." Tapos tumingin s'ya sa amin, "Next."

Omg.

This is it, pansit.

Tumayo na kami ni Ju at nag unat-unat.

"TROPA KO 'YAN!" Sigaw ni Han ng may palakpak pa. Punyeta. Wala pa nga eh natatawa na ako kaagad.

"Galingan n'yo, wala akong tropang walang talent." Isa pa 'tong Jin na 'to. Hayuf!

"Whenever you're ready." Nero looked at us emotionless. Oh no! Sinisimulan na ba n'ya kaming kilatisin? Kinabahan ako lalo.

Nagready na kami ni Ju tsaka s'ya nag like sign kay Han para i-play na 'yong tiktok dances remix compilation na nakita namin sa Youtube kanina. Bahala na! Gagawin ko nalang best ko.

Habang sumasayaw kami, napapansin kong ang tahimik ng mga tao na nunuod samin. Walang cheer or anything, nakafocus lang sila sa panunood sa'min. Pero since performer kami, we smiled during the performance kahit anong mangyari.

The song ended.

Nagbow kami after naming sumayaw, I don't know why maybe out of habit. Tapos ni-linked ni Ju 'yong arm n'ya sa akin. As we wait for their feedback.

Nagtinginan silang tatlo—Han, Jin and Nero. Then nagulat ako ng tumayo si Han at pumalakpak. Sumunod naman si Jin then Janno, Shun, and the rest of the auditionees.

Potakayo? Seryoso ba 'to? Akala ko hindi nila naenjoy 'yong sayaw namin? Bakit may pagpalakpak?

Tumayo narin si Nero, "Rest muna kayo. Thank you Junji and Seiji." He said professionally. Hindi ko talaga mabasa si Nero if nagustuhan ba n'ya or hindi. Gumilid nalang muna kami, sa tabi nila Shun at Janno.

Right Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon