Jacob POV
"Hindi ba si Lena yon?" Tanong ni Almira nang makasakay kami sa kotse dala ang mga pinamili namin.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng mga oras na iyon. Ang totoo ay nagulat ako nang makita ko siya. Pinaghalong sakit, sabik at matinding kagustuhan na makayakap siya.
Kailan pa siya dumating? Bakit kasama niya si Adrian? Anong ginagawa niya dito? Sino yung lalaki na kasama niya sa amerika?
Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko. At lahat ng iyon ay blanko at walang kasagutan.
Ngunit isa lamang ang totoo sa lahat. Ang katotohanang hindi pa rin ako tuluyang nakakalaya sa kanya. Na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Ang katotohanang gusto ko pa rin siyang mahalin at makasama.
"Jacob!"
Napatingin ako kay Almira nang tawagin niya ako. Doon nanumbalik ang aking kamalayan at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Are you okay? Your spacing out." Nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako saka humugot ng malalim na hininga bago inihilamos ang mga kamay sa mukha. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito. Hanggang ngayon ay pareho pa rin ang epekto niya sa akin.
"Your not okay, Jacob."
Tumango muli ako. Nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib. Parang may pumipiga nito dahil sa sakit. Tama siya, im not okay at dahil iyon kay Lena. Nadakot ko ng palad ang aking dibdib dahil sa pagsakit nito.
"Mahal mo pa rin siya?" Malungkot at nag-aalalang ani ni Almira.
Hindi ako umimik at napayuko na lamang ako sa manibela ng sasakyan. Nagsimulang manubig ang aking mata kaya humugot ako ng malalim na hininga upang pigilan na humagulhol.
Naramdaman ko na lang ang palad ni Almira na humahaplos sa likod ko.
Mahal na mahal ko pa rin siya. At hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito. Kung makakaahon pa ba ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Ilang taon na pero bakit hindi ko pa rin siya magawang kalimutan. Pakiramdam ko mas lalo kong pilitin na kalimutan siya ay lalo itong tumitindi. Lalong nagwawala ang puso ko.
Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mata saka ako tumingin kay Almira. Naaawa itong yumakap sa akin bago niya hinagod muli ang aking likod.
"Bakit ganon. Akala ko wala na. Akala ko nakalimutan ko siya. Pero nung makita ko siya kanina, parang gusto ko siyang hilain. Gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko. Gusto kong maramdaman muli ang yakap niya, ang halik niya. Gusto kong marinig na sabihin niya sa akin na mahal pa rin niya ako."
Bumuntong hininga si Almira bago ito humiwalay ng yakap sa akin.
"Yon ba yung lalaki na nakita mo sa amerika na kasama niya?" Tanong niya.
Umiling ako? "Hindi siya. Hindi ko nga alam kung bakit kasama niya si Adrian."
"Sino si Adrian?" Tanong niya muli.
"Ex boyfriend siya ni Selene. At ang huling balita ko ay may asawa na yon." Sagot ko habang nagpupunas ng luha sa mukha.
"So, ibig sabihin kaibigan lang siya ni Lena."
Tumango ako saka bumuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Lena ay nagiging mahina ako. Siguro ay ganon talaga katindi ang pagmanahl ko sa kanya.
"Kaya pala." Nakangiting ani ni Almira.
"Anong kaya pala?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Kaya pala nakita kong nasaktan si Lena noong makita niya ako. Akala siguro niya ay girlfriend mo ako."

BINABASA MO ANG
Last Wish
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Selene diagnosed with breast cancer. At huli na ng malaman nila ito. Kaya agad niyang pinauwi ang kanyang kakambal na si Selena upang hilingin dito na alagaan at mahalin ang kanyang mag-ama. Nang malaman na...