Chapter 7

773 33 1
                                    

Selena POV

Sakay kami ngayon ng sasakyan ni Jacob. Hindi ko alam kung saan ba niya  kami balak dalhin. Matapos naming kumain ng agahan ay nagbihis na agad kami at umalis. Ni hindi ko natanong kung saan ba kami pupunta.

Sobrang excited si Charm dahil habang binibihisan ito ng yaya nito ay naglulundag ito sa tuwa. Nabanggit pa ng yaya nito na simula ng magkasakit si ate Selene ay hindi na ito nakapamasyal pa. Kaya kahit labag sa loob ko ang sumama sa kanila ay hindi ko na rin magawang magprotesta pa dahil sa nakikita kong saya sa mukha ni Charm.

Tahimik lamang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Ayaw kong tumingin sa kanya. Dahil sa twing titingnan ko siya ay nanlalambot ang tuhod ko at bumibilis ang tibok ng puso mo.

Sa harap ako nakaupo katabi niya habang si Charm naman ay nasa likod katabi ang yaya nito. Panay ang daldal at kwento sa yaya niya.

Ramdam ko rin ang maya't mayang pagsulyap ni Jacob sa akin. Ewan ko pero sa twing gagawin niya iyon ay hindi ako mapakali.

Tatlong oras ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa isang amusement park. Bigla kong naramdaman ang lungkot ng maalala ko si Justin. Kung kasama ko siya tiyak na tuwang tuwa ito. Dahil gustong gusto nito ang mamasyal sa ganitong lugar.

Iniisip ko na mabibigyan kaya kami ng pagkakataon na mamasyal na magkakasama.

Napayuko ako at nangilid ang aking luha. Naramdaman kong may biglang humawak sa beywang ko kaya mabilis akong napatingin dito.

"Are you okay?" Tanong ni Jacob na siyang humapit sa beywang ko.

Napatingin ako kay Charm at sa yaya nito na abala sa pagtingin sa paligid kaya hindi nila nakita ang ginawang paghapit ni Jacob sa akin.

Mabilis akong kumawala sa yakap niya kaya napailing ito at halatang dismayado sa aking ginawa.

Ano bang ginagawa ng lalaking ito. Hindi ba niya inisip na baka makita siya ni Charm. Ano na lang iisipin ng bata.

Lumapit ako kay Charm at iniwan ko siyang nakatingin sa akin. Hindi ko na muli siya binigyan ng kahit isang sulyap.

Nagsimula kaming sumakay sa mga rides. Lahat ata ay sinakyan nilang mag-ama. Kita ko ang saya sa mga mata nila kaya hindi ko maiwasan na napangiti habang tinitingnan ang mag-ama na masaya.

Habang hinihintay ko sila ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino ay napangiti ako dahil si Chad ang tumatawag sa akin.

"Hello babe." Malambing kong sagot sa kanya.

Narinig kong tumawa ito kaya napangiti din ako.

"Sa tono ng boses mo ay mukhang masaya ka. May kakaiba bang nangyari? Or should I say may nangyari ba sa inyo ni Jacob?" Tanong nito na biglang sinamahan pa ng paghagalpak ng tawa kaya napangiwi ako. Nag-init ang aking mukha dahil naalala ko ang nangyari sa amin sa kusina.

"Umayos ka Chad." Inis kong sabi sa kanya upang pagtakpan ang nararamdaman ko.

"Okay babe, Hindi ka na mabiro."

"How's Justin?"

"Si Justin lang? Hindi ako kasali sa kukumustahin mo? Ang sakit ah." Maarte nitong saad kaya lalo akong napangiwi. Ke lalaking tao napaka arte. Sinong mag-aakala na sa laki at mamasel nitong katawan ay adan din ang hanap nito.

Naalala ko pa nung biruin ko siya na pakasalan na lang niya ako para magkaroon ng ama si Justin. Pero naghisterikal ito at sinabing kahit mahal niya kaming mag-ina ay hindi siya papatol sa may tahong dahil jumbo hotdog daw ang bet niya.

Last Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon