Selena POV
Maaga akong nagising upang magluto ng almusal. Ipinakiusap kasi sa akin ni ate Selene na ako muna ang mag-alaga sa mag-ama niya.
Okay lang naman sa akin na alagaan si Charm pero ang asawa niya, malabong mangyari iyon dahil iniiwasan ko ito.
Sa dalawang linggo na pamamalagi ko sa bahay nila ay ginawa ko ang lahat upang iwasan ito. At alam kong nakakahalata na ito. Baka nga iniisip nito na natatakot ako sa kanya dahil sa nagawa niya.
Ang totoo lang ay umiiwas ako dahil baka hindi ko mapigilan ng sarili ko at bigla ko na lamang siyang yakapin at sabihin namiss ko siya o baka bigla ko na lang maamin na mahal ko siya matagal na.
Hindi pwedeng mapalapit ako sa kanya dahil ako lang ang masasaktan at mahihirapan kung sakali. Maliwanag pa sa sikat ng araw na asawa siya ng kapatid ko kaya kung ano man ang nararamdaman ko at namagitan sa amin noon ay kailangan kong putulin at kalimutan. Kailangan kong ibaon sa limot.
"Good morning ate." bati ko kay ate Selene ng makapasok ako sa kwarto nila.
Sa guest room na daw kasi natutulog ang asawa niya upang hindi siya nito maistorbo sa pagtulog. Kung minsan naman ay sa couch ito sa kwarto nila.
Hiniling daw niya sa asawa na hwag ng tumabi sa kanya dahil nga may sakit siya. Naikwento din niya sa akin na sobrang nalungkot at umiyak ang asawa niya ng sabihin niya iyon.
Tinanong ko kung bakit niya ginawa iyon. Ang sagot lang niya sa akin ay hinahanda lang daw niya ang asawa na masanay ng wala siya. Dahil doon naman daw siya pupunta. Iiwan din niya ito.
Umiyak ako non nung ikwento niya sa akin. Ako ang nahihirapan para sa kanya. Napaka sakit na iiwan mo ang mga taong mahal mo, lalo na ang anak mo. Ni hindi mo man lang ito makikitang lumaki, makatapos sa pag-aaral at mag-asawa.
Ang sakit lang dahil iisipin mong paano kung iiwan mo sila. Paano sila?
"Good morning baby sis." mahina niya sagot sa akin. Nakapag linis na siya ng katawan kaya pakakainin at paiinumin ko na siya ng gamot. Bukod kay manang Sally ay may nurse na kasama sila dito at isa pang kasama sa bahay kaya hindi naman ganon kahirap dahil may tumutulong sa akin upang asikasuhin sila.
Umupo ako sa upuan malapit sa kama niya. Inayos ko ang pagkakahiga niya at itinaas ng bahagya ang kanyang ulo.
"Breakfast time." nakangiti kong sabi sa kanya. Kaya tumango siya.
Akmang papakainin ko na siya ng bumukas ang pinto at pumasok si Jacob.
Amoy na amoy ko ang mabango nitong amoy na siguro ay nagmumula sa shower gel na ginamit dahil mukhang nakaligo na ito dahil sa halatang basa ang buhok nito.
Lumapit ito sa ate ko. "Good morning hon." bati niya dito at hinalikan niya sa ulo si ate Selene.
Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil hindi ko kayang tingnan. Aminin ko na masakit sa akin. Masakit dahil mahal ko siya. Bakit ba ang hirap ng sitwasyon ko?
"Good morning Lena." bati ni Jacob sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
Nakatingin ito sa akin. Wala akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha nito. Pero kapag nakaharap ito kay ate Selene at sa anak niya ay may kislap ang mga mata nito para sa mag-ina niya.
"G-good morning." balik na bati ko sa kanya.
Hindi na ako tumingin sa kanya at kay ate Selene na ako nakatingin. May lungkot at guilt akong nakikita sa mga mata ng kapatid ko. Hindi ko alam kung para saan iyon. Mabilis din naman nawala ang emosyon na iyon at ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
Last Wish
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Selene diagnosed with breast cancer. At huli na ng malaman nila ito. Kaya agad niyang pinauwi ang kanyang kakambal na si Selena upang hilingin dito na alagaan at mahalin ang kanyang mag-ama. Nang malaman na...