Chapter 19

648 40 3
                                    

Jacob POV

"Sir ito na po yung lunch nyo at yung mga pipirmahan na papeles." Ani ni Annie nang makapasok ito sa loob ng aking opisina. Siya ang secretary ko ng ilang taon na at kahit minsan ay palpak ito ay hindi ko naman magawang sisantehin dahil mabait at maasahan din naman.

"Sige ibaba mo dyan yung pagkain. Akin na yung pipirmahan ko." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa laptop na nasa ibabaw mg aking mesa at nakaupo sa executive chair sa loob ng aking opisina.

Tahimik niyang inilapag sa gilid ng mesa ko ang mga papeles. Ako naman ay sinimulan na itong pirmahan.

Habang pinipirmahan ko ang mga papeles ay sandali akong natigilan nang sumagi sa isip ko ang pagkikita namin ni Lena. Ang maganda at maamo niyang mukha. Hindi rin nakatakas sa aking pag-iisip ang mga binitawang salita ni Almira.

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Gusto kong umasa na baka pwede pa kami. Dahil baka tama si Almira at mali ako. Pero paano kung mali siya at ako ang tama? Ayoko nang umasa sa wala. Ayokong masaktan muli. Hindi pa nga ako nakakaahon sa pag-alis at pag-iwan niya sa akin noon. Susubok na naman ba ako?

"Sir?!"

Napatingin ako kay Annie nang tawagin niya ako. Nagtataka itong nakatingin sa akin.

Kanina pa ba siya dyan?

"Bakit nandyan ka pa?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"M-Mukhang ang lalim po ng iniisip nyo. Sabi ko po, may meeting kayo sa site mamaya."

Tumango ako at napatingin sa relo sa aking bisig. Napabuntong hininga ako bago nagtanong sa kanya.

"Anong oras ang meeting ko sa site ngayong araw?" Tanong ko sa kanya.

"Around ten o'clock in the morning, sir." Sagot nito.

Muli akong tumango sa kanya. Nang mapirmahan ko na lahat ng papeles ay agad ko itong ibinigay sa kanya.

"Sige, kakainin ko lang muna yang alamusal na binili mo."

Iniwan na ako ni Annie sa loob opisina at sinimulang kainin ang pinabili ko sa kanyang pagkain. Dahil hindi na ako nakatira sa dati naming bahay at sa condo na ako kaya wala na akong panahon na magluto ng almusal kaya sa opisina na lamang ako kumakain.

Agad akong natigilan ng malasahan ko ang pagkain. May kapareho kasi itong lasa. Parehong pareho ang lasa sa seafood pasta na parating niluluto ni Lena sa amin ni Charm noon.

Bigla ko na namang naalala si Lena nang dahil sa pagkain kaya napabuntong hininga ako.

Baka kapareho lang, masyado ko lang sigurong namimiss si Lena.

Mabilis ko itong inubos saka ako muling tumingin sa relo sa aking braso, at nang makita kong malapit nang mag alas diyes ng umaga ay inayos ko ang aking mesa.

Kinuha ko ang coat ko at isinuot bago ako lumabas ng aking opisina. Sandali akong huminto sa harapan ni Annie bago nagbilin sa kanya.

"Kapag may naghanap sa akin sabihin mo na babalik agad ako. Lalo na kung importante."

Tumango ito bago tumayo sa upuan niya. "Noted, sir."

Naglakad ako pasakay ng elevator. Nakasunod lamang si Annie sa akin at nakikinig sa lahat ng bilin ko.

Nang makalabas ako ng building ay napatingin ako sa kabilang building. Maraming tao doon na parang may pinagkakaguluhan.

"Anong meron doon?" Tanong ko kay Annie kaya tiningnan din niya kung saan ako nakatingin.

Last Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon