Selena POV
"A-Ate Selene." mahina kong usal ng mahawakan ko ang kanyang kamay. Kahit nanginginig ako ay pinilit kong ikinalma ang aking sarili.
Naramdaman niya siguro ang paghawak ko sa kanya, dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
Nang makita niya ako ay nagulat pa siya, ngunit ang gulat niya ay napalitan agad ng saya at ngumiti ito sa akin na may kislap sa mga mata.
"B-baby sis." nanghihina niyang tawag sa akin.
Napahagulgol ako at mas lumapit sa kanya upang yakapin siya ng mahigpit.
Namiss ko ito, namiss ko ang init ng yakap niya sa akin. At ngayon ay pinagsisisihan ko na hindi ko man lamang siya nabigyan ng panahon noong malakas pa siya.
"I-im so sorry ate." hagulgol kong iyak habang yakap ko siya. Naramdaman kong hinahaplos niya ang aking buhok tulad ng ginagawa niya noon kapag napapagalitan ako nila mommy noong mga bata pa kami.
Dahil sa ginawa niya ay mas lalong lumakas ang aking pag-iyak. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sipon na bumara sa aking ilong dahil sa pag-iyak.
"Sshhhh! Tahan na.. Na miss ka ni ate, Lena." pag-aalo niya.
Humiwalay ako sa kanya ng yakap at tumingin sa kanya. Nakangiti ito sa akin habang may mga luha din sa kanyang mga mata.
"Namiss din kita ate. Im sorry kasi ngayon lang ako nagpakita sayo. Sorry ate."
"Tama na. Hwag ka ng umiyak. Sige ka papangit ka baka hindi ka makilala ni Charm mamaya." kahit nakangiti siya ay makikita ang pagod sa kanyang mukha. Hinihingal siya kapag mahaba ang kanyang mga sinasabi.
"Ate hwag ka ng masyadong magsalita." sabi ko at tumango na lamang siya.
"Dito muna ako, hindi muna ako babalik ng amerika. Gusto kita makasama at maalagaan." Nakangiti kong pagpapatuloy.
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Pinisil pa niya ito. Ang mainit niyang palad ay humaplos sa akin. Pakiramdam ko bumalik kami sa dati.
"Dito ka sa bahay mag stay. Gusto kitang makasama. Please Lena." Tumango ako.
"Okay lang ba sa asawa mo na nandito ako." Tanong ko at tumango naman siya.
"Magiging masaya siya kapag nakita ka niya." sabi niya. May nakita akong sakit sa kanyang mga mata at mabilis din itong nawala.
Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya. Marami kaming pinagkwentuhan ng mga oras na iyon.
Minsan sabay pa kaming tumatawa habang inaalala ang kabataan naming dalawa.
Hanggang dumating si Charm galing sa lolo at lola nito. Doon daw kasi ito nag-stay kapag weekdays upang maalagaan dahil hindi na kakayanin ni ate alagaan ito pati ng asawa nito. Twing weekend lamang nila inuuwi si Charm kapag walang pasok ang asawa ni ate.
Malambing at bibong bata si Charm. Kamukhang kamukha niya si ate. Xerox copy talaga niya ng anak niya.
Matapos ang konting kulitan at kwentuhan ng mag-ina ay iniwan na namin si ate sa kwarto dahil kailangan na nitong magpahinga.
Nagpasya akong pumunta sa kusina upang magluto. Si Charm naman ay pinalinisan ko na sa yaya nito.
Kasama ko nagluluto si manang Sally sa kusina. Ayaw pa sana niya akong payagan kumilos pero nagpumilit ako dahil wala naman akong gagawin.
Mahilig ako magluto, pareho kami ni ate. Iyon kasi ang namana namin sa mommy namin ang hilig nito sa pagluluto, kaya iyon ang naging bonding namin noon.
BINABASA MO ANG
Last Wish
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Selene diagnosed with breast cancer. At huli na ng malaman nila ito. Kaya agad niyang pinauwi ang kanyang kakambal na si Selena upang hilingin dito na alagaan at mahalin ang kanyang mag-ama. Nang malaman na...