Selena POV
"Mama!!" Sigaw ng dalawa kong anak nang makita ko sila na tumatakbo kasama si Emily.
Papalapit sila sa akin kaya sinalubong ko sila. Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko silang dalawa.
Sobra akong kinabahan at nataranta nang hindi ko sila makita sa harapan ng resto. Nagpaalam sila sa akin na maglalaro ng bola sa labas. Naging tiwala ako dahil may guard sa harap ng entrance ng building at may mga guard na umiikot.
Ngunit nang hanapin ko sila ay hindi ko makita. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa kanila.
Agad akong umupo at yumakap ng mahigpit sa kanilang dalawa. Pinaghahalikan ko sila sa kanilang mga mukha na para bang ngayon ko lamang nakita.
"San ba kayo galing? Alam nyo ba na nag-alala ako sa inyong dalawa." Umiiyak kong saad sa kanila.
Panay ang halik ko sa mukha nila habang umiiyak ako. Hindi ko na napigilan pa ang umiyak dahil sa takot na mawala sila sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanila.
"Diba kabilin bilinan ko na huwag kayong lalayo. Bakit umalis kayo, ha? Paano kung may masamang nangyari sa inyo?" Umiiyak kong tanong sa kanila.
"P-Pa... Pa-pa!" Napakunot ang noo ko ng sabihin iyon ni Jewel. Nakatingin ito sa labas ng resto na parang may tinuturo kaya tumingin din ako sa tinitingnan niya.
Ngunit wala naman akong nakitang tao kaya ibinalik ko ang tingin sa dalawa kong anak.
"Justin, ano ba ang sinasabi ng kapatid mo?" Tanong ko sa panganay ko habang nagpupunas ng luha sa mukha.
Napayuko ito at kita ko ang pag-aalangan nitong sumagot sa tanong ko kaya sinilip ko ang mukha niya habang buhat buhat ko si Jewel.
"Anak, may problema ba? May nangyari ba sa inyo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Hindi ito makatingin sa akin.
Umiling lamang siya. Ngunit nagsalita muli si Jewel na para bang may sinasabi ito at itinuturo.
Bumuntong hininga ako bago muling humarap kay Justin. "Justin! I'm asking you one more time. Mama will be mad at you. So please, answer me!"
Naiiyak itong tumingin sa akin. "Si... S-Si p-papa." Nauutal nitong sagot habang tumutulo ang luha nito sa mata.
Lalong kumunot ang noo ko at napatingin ako kay Emily at Adrian na pareho ko ay nag-aalala rin ng hindi nila makita ang dalawang bata.
"Anong sabi mo?!" Tanong ko muli na medyo naiirita na dahil sa hindi nito pagsagot ng diretso sa akin.
"Hey! Ako na, baka mamaya masigawan mo pa ang bata." Ani ni Adrian bago ito pumatay kay Justin at ito na nakipag-usap dito.
Kinuha naman ni Emily sa akin si Jewel at kinarga niya ito.
"Hey, buddy. Hindi galit si mama ah. Sobra lang siyang nag-alala sa inyo kasi ang tagal nyong nawala. Akala niya kung ano ang nangyari sa inyo."
Tumingin si Justin sa akin habang umiiyak ito. Nakatayo ako at nakahalukipkip na nakatingin sa kanya.
"So-sorry mama. H-Hindi na po mauulit." Lumambot ang aking tingin sa kanya dahil sa paghingi niya ng sorry. Wala talagang magulang na matitiis ang anak nila. At iyon ang nararamdaman ko. Hindi ko sila kayang tiisin dahil mas mahal ko pa sila kaysa sa buhay ko.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko
"Okay. I will accept your apology if.. If you tell to mama what happened earlier."
BINABASA MO ANG
Last Wish
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Selene diagnosed with breast cancer. At huli na ng malaman nila ito. Kaya agad niyang pinauwi ang kanyang kakambal na si Selena upang hilingin dito na alagaan at mahalin ang kanyang mag-ama. Nang malaman na...