Selena POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kahit puyat ako at kakaunti lang ang tulog ay nagising pa rin ako ng maaga. Ganon siguro talaga kapag sanay na ang katawan mo na magising ng maaga.
Agad akong naligo at ginawa ang aking morning routine. Matapos ay pumunta na ako ng kusina upang magluto ng almusal ni ate Selene. Tutulungan ko rin kasi ang nurse niya sa pagpapaligo sa kanya.
Nang matapos akong maghanda ng pagkain ni ate Selene ay agad akong pumunta sa kwarto niya.
Naabutan ko ang kanyang mag-ama na nakikipag kwentuhan sa kanya.
"Mama Lena." Sigaw na bati ni Charm sa akin ng makita akong pumasok ng pinto. Umalis ito sa tabi ni ate Selene at tumakbo papalapit sa akin.
Yumuko ako upang yakapin at halikan ito. Nang mapatingin ako kay ate Selene ay nakangiti itong nakatingin sa akin.
"Morning Lena." Bati niya sa mahinang boses.
"Morning ate. Kumain ka muna tapos paliliguan ka na namin okay." Sabi ko sa kanya ng makalapit ako.
Hindi ko binigyan ng kahit isang sulyap si Jacob. Alam kong nakatingin ito sa akin dahil ramdam ko ang mainit nitong titig sa akin.
Weekend ngayon kaya narito ito sa bahay at hindi pupunta ng opisina.
Naramdaman kong tumayo ito. "Let's go Charm. Let's have breakfast." Aya ni Jacob sa anak nila.
Tumayo naman agad ang bata at lumapit sa ama.
"Hon, kakain lang kami. Ubusin mo ang pagkain mo, para lumakas ka na." Sabi nito kay ate at hinalikan niya ang noo nito. Humalik naman si Charm sa pisngi ni ate Selene. Nakaramdam ako mg paninikip ng dibdib sa ginawa niyang paghalik sa ate ko. Dapat ay hindi ako nakakaramdam ng ganito pero wala akong magawa. Nagmahal lang ako. At alam kong maling lalaki ang minahal ko.
Naramdaman kong tumingin ulit ito sa akin. "Kumain ka na ba Lena?" tanong nito kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. Basta halo halong emosyon ito.
Ang awkward lang. Dahil matapos ang halik na nangyari ay parang kaswal lang itong nakikipag-usap sa akin. Parang wala lang sa kanya iyon. Samantalang ako ay mamamatay na sa lakas ng kabog ng dibdib.
Tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong niya. Yumuko din ako upang hindi niya makita ang emosyon sa mukha ko.
Lumabas na sila ni Charm at isinarado ang pinto.
Habang sinusubuan ko ng pagkain si ate ay nakatingin lamang ito sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Bahagya pa akong nakaramdam pagka guilty dahil sa namagitan sa amin ng asawa niya.
"Bakit ganyan ka makatingin ate?" Tanong ko habang pinupunasan ang gilid ng kanyang labi.
Ngumiti ito at kinuha ang kamay ko. "Lena patawarin mo ako. Malaki ang kasalanan ko sayo. Sana mapatawad mo si ate." Sabi niya. Umiling ako at hinalikan ko ang kamay niya na hawak ko.
Bakit siya humihingi ng tawag. Ako nga dapat ang huminga ng tawad sa kanya dahil sa nangyari sa amin ng asawa niya
"Hindi ate. Kahit kailan hindi ako magtatanim ng sama ng loob sayo. Ikaw lang ang kapatid ko, ikaw lang ang mayroon ako. At mahal na mahal kita. Kung ano man ang kasalanan na sinasabi mo pinapatawad na kita. At sana ako din ate mapatawad mo." Pumatak ang luha niya sa kanyang pisngi. Pinunasan ko ito.
Hindi ko alam kung ano ba ang inihihingi niya ng tawad. Basta ang alam ko kahit ano pa man ang naging kasalanan niya sa akin ay alam kong mapapatawad ko siya.
BINABASA MO ANG
Last Wish
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Selene diagnosed with breast cancer. At huli na ng malaman nila ito. Kaya agad niyang pinauwi ang kanyang kakambal na si Selena upang hilingin dito na alagaan at mahalin ang kanyang mag-ama. Nang malaman na...