Chapter 17

771 32 3
                                    

Selena POV

Maaga pa lang ay nasa airport na kami. Kasama ang sila Chad at Harold. Excited na rin kasi si Justin na makita ang kanyang ama kaya kinakabahan man ako ay wala ng atrasan pa dahil iniisip ko ang magiging kaligayahan ng mga anak ko oras na makita nila ang kanilang ama.

Sila lang ba o pati ikaw magiging masaya. Ang totoo ay masaya din ako kung sakaling magkikita kami. Hindi naman maaalis sa akin na maging masaya dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

Siya pa rin ang nag-iisang itinitibok ng puso ko. Ang isinisigaw nito hanggang ngayon. Ewan ko ba kung ano nakita ko sa lalaking yon at hindi ko siyang magawang kalimutan man lang.

Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko. Ang daming paano. Paano kung hindi niya tanggapin ang mga bata. Paano kung may pamilya na siya. Paano kung hindi na niya maibigay ang pangalan na dapat ay para sa mga anak namin. At paano kung may mahal na siyang iba?

Parang gusto kong umatras at huwag tumuloy. Kinakain ako ng takot at kaduwagan. Ngunit sa tuwing makikita ko ang mukha ng mga anak ko na masaya at excited na makita ang ama nila ay tumatapang ako. Para itong isang energy drink sa akin na nagpapalakas ng loob ko. Nabubuhayan ako at nananatiling umaasa.

Si Adrian ang nagprisinta na sumundo sa amin sa pilipinas. Siya rin ang naghanap ng bahay na titirahan namin. Maging ang shop kung saan plano kong magbukas ng negosyo.

Plano kong magtayo ng coffee shop upang may pagkaabalahan ako pag-uwi ng pilipinas, kaya kahit hindi pa kami nakakauwi ay may uumpisahan na agad ako. Mabuti na lamang at maaasahan talaga si Adrian.

Alam ni Adrian ang nangyari sa amin ni Jacob dahil hindi naman kami nawalan ng komunikasyon. Awang awa ito sa akin nang malaman niya ang lahat. Pinigilan ko pa siya na huwag itong kausapin dahil ayoko ng gumulo pa.

May asawa na rin siya at kakasal lang nila. Kaya ayoko siyang madamay sa magulo kong buhay. Masaya ako para sa kanya. Dahil tuluyan na siyang naka move-on sa kapatid ko.

"Babe, mag-iingat kayong mag-iina doon ah. Tatawagan mo ako kapag nagkaroon ka ang problema. Kahit sino sa amin ni hubby." Ani ni Chad habang buhat buhat niya ang bunso kong anak na si Jewel.

"Kayo rin mag-iingat kayo. Tawagan nyo ako kapag nakahanap na kayo ng surrogate mother para sa baby nyo."

Sabay silang tumango si Harold. Niyakap nila ng mahigpit ang mga anak ko bago nila ito binitawan. Kita ko pa ang luhang tumulo sa mata ni Chad saka niya agad ito pinunasan.

Kasama kong umuwi ng pilipinas ang Yaya nila na pilipina din. Nang malaman nito na uuwi na kami ay hindi ito nagdalawang isip na sumama sa amin.

Total ay wala naman daw siyang pamilya sa amerika kaya sasamahan na lamang niya kami. At alam namin na mahal niya ang mga bata kaya hindi niya kayang malayo sa mga ito. Sa sobrang tuwa nga ni Chad ay binigyan agad niya ito ng bunos.

"So, mauna na kami. Baka maiwan pa kami ng eroplano." Nakangiti kong ani. Pinipigilan ko na maiyak dahil sigurado kong iiyak din ang mga bata kapag nakita nila na umiiyak ako.

Nagsisimula nang manlabo ang mata ko. Kinabig ako ni Chad at niyakap niya ako ng mahigpit. Nang tuluyan akong makulong sa bisig niya ay hindi ko na napigilan pa. Tuluyan ng lumandas sa pisngi ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang totoo ay hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng wala siya. Tanging siya lang ang pamilya ko, ang sinandalan ko noon nung lubog na lubog ako. Kaya hindi ako sigurado kong makakaya ko ba na wala siya.

Humagulgol ako habang yakap yakap niya ako. Patuloy niyang hinahagod ang likod ko. At naririnig ko na rin na sumisinghot siya tanda na umiiyak na rin ito.

Last Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon