Chapter 5

788 31 3
                                    

Selena POV

Pabaling baling ako ng higa sa aking kama. Ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dalawin ng antok.

Pabalik balik kasi sa isip ko ang nangyari sa amin nung isang gabi ni Jacob.

Matapos niya akong halikan ay tumakbo ako at iniwan siya sa kusina.

Hindi tama ang ginawa namin kaya halos taguan ko na siya. Buti na lang at bumalik na si ate Agnes at manang Sally.

Matapos ng nangyaring halik ay wala akong mukhang maiharap sa kanya. Mali iyon dahil asawa siya ng kapatid ko at nagi-guilty ako dahil doon.

Pero kahit anong gawin ko alam kong namiss ko ang yakap at halik niya. May parte sa puso ko na kahit alam kong mali ay masaya ako. Minsan din ay ginusto ko ulit na madama ang init ng katawan niya.

Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. Alam kong maaga pa sa amerika dahil taliwas ang oras nila sa pinas kaya naisipan kong tawagan si Chad.

Ilang ring lang ay narinig ko na agad ang boses niyang nag-aalala. Napangiti ako.

"Babe are you okay? Madaling araw dyan right? Bakit hindi ka pa natutulog? Please Lena tell me whats going on?" Bahagya akong natawa dahil sa sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Calm your pussy, Chad. I'm okay."

"Oh. Your okay." Sabi niya sabay tawa dahil sa sinabi ko sa kanya.

"So kumusta dyan? Kumusta si Justin?" I asked him.

"He's okay. I know he missed you so much. He always asks when you will be back home." Mapait akong napangiti.

I missed him too. Pero kailangan ko munang i-settle ang lahat bago ako bumalik, si Charm kailangan masiguro ko muna na okay siya bago ako umalis.

"Tell him i missed him too, and sabihin mo soon babalik na ako. Ikaw na muna ang bahala sa kanya, sa lahat."

"Don't worry, okay lang kami dito, don't worry too much. Ikaw ang inaalala ko dahil alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo dyan."

Mabuti na lang at may bestfriend akong katulad ni Chad, always caring at alam kong mahal niya ako.

Matapos ang tawag ay bumaba ako upang pumunta sa kusina.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig at nilagyan ang baso na hawak ko.

Matapos kong uminom ay babalik na sana ako sa kwarto ng biglang may humablot sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Bago pa ako makapagsalita at makapag react ay naramdaman ko na ang malambot na labi ng walang hiyang humahalik sa akin. Kinabahan ako dahil baka mamaya ay napasok kami ng kung sino.

Nang maamoy ko ang pamilyar na pabango ay nakilala ko na agad ang pangahas na sumisibasib sa aking labi.

At ito na naman ang epekto niya sa akin, para na naman akong nawawala sa sarili dahil sa mga halik niya.

Bakit ba bigla bigla na lamang ito nanghahalik?

Marahan niya akong hinalikan pero puno ito ng pagmamadali na para bang sabik na sabik.

Wala akong nagawa kung hindi tumugon dahil nalunod na din ako sa mga halik at haplos niya. Sa mga simpleng haplos niya ay kusang bumibigay ang katawan ko.

Binuhat niya ako at iniupo sa gilid ng lababo habang hindi naghihiwalay ang aming mga labi.

Napaungol ako ng simulan niyang haplusin ang aking dibdib pababa sa aking tiyan.

Bumababa ang halik niya sa aking leeg. He's giving me a wet kisses there.

"Aahhh! Jacob."

At dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya ay bigla akong natauhan at itinulak siya pero hindi niya ako hinayaang makalayo sa kanya. Hindi siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

Last Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon