Chapter 21

737 34 3
                                    

Selena POV

Gulat akong napatingin sa pintuan nang bumukas ito mula sa pagkakasara.

Napatayo ako nang pumasok doon si Jacob na gulat din nang makita ako.

Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay napalitan ng takot. Halos hindi ako makahinga ng maayos, pakiramdam ko ay aatakihin na ako sa puso.

Pumasok si Jacob sa loob ng opisina bago niya isinarado ito.

Dumeretso ito sa table niya at kinuha ang intercom line. Nakatingin lamang ako sa mga kilos niya at pinagmamasdan siya. Lalo siyang naging gwapo at matipuno. Hindi nakapagtataka na maraming babae ang humahabol sa kanya lalo na at biyudo na siya.

"Annie, pwede ka ng umuwi pagkatapos ng ginagawa mo. May importante pa akong kakausapin." Anito sa kausap sa linya.

Siguro ay iyong secretary niya ang kausap niya.

Panay ang lunok ko ng laway at hinga ng malalim dahil naririnig ko na ang sariling tibok ng puso ko. Dumadagundong ito sa kaba ay nerbiyos.

Dasal ko na lang ay pakinggan niya ang mga paliwanag ko. Sana ay makinig muna siya bago siya magalit sa akin.

Humarap ito sa akin na may matalim na tingin. Sumandal ito sa mesa niya habang nakahalukipkip ang mga braso. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na animo'y sinusuri ang bawat sulok ng katawan ko kaya napalunok muli ako ng laway.

Nakagat ko pa ang labi ko dahil sa takot. Tiningnan niya ang mukha ko at tumuon ang tingin nito sa aking labi kaya nayakap ko ang aking sarili.

Nakaramdam kasi ako ng kiliti sa katawan dahil sa mga titig niya.

Maghunos dili ka, Lena. Hindi iyan ang ipinunta mo dito.

Nakakatunaw ang tingin na ibinibigay nito sa akin. Napayuko ako dahil sa hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Parang binabasa nito ang nilalaman ng aking puso.

"So? What brings you here?" Napatalon ako sa gulat ng bigla siyang magsalita.

Nanginig ang aking kamay kaya pinagsalikop ko ito.

"A-Ahm."

"Hmm?" Malumanay ngunit may kakaiba sa tono nito kaya umangat ang tingin ko sa kanya.

Nakataas na ang makapal nitong kilay at nakatitig ito sa akin.

"G-Gusto sana kitang ma-makausap." Yumuko ako muli dahil sa talim ng titig niya.

"Ano naman ang kailangan mo sa akin? Bakit gusto mo akong makausap matapos mong umalis ng hindi man lang nagsasabi sa akin? Parang masyadong na atang late yung paliwanag mo kung bakit ka umalis." Malamig pa sa yelo niyang ani sa akin.

Nakagat ko ng madiin ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na umalis ako dahil naghihintay ang anak namin.

Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ko habang nakayuko ako.

"Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo. Marami akong gagawin at may importante pa akong ka-meeting."

Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa mata dahil sa sinabi niya. Agad ko itong pinunasan bago ako humugot nang malalim na hininga.

Sasagot na sana ako ng muli siyang magsalita.

"Alam ba ng pamilya mo at ng asawa mo na narito ka?"

Dahil sa sinabi niya ay doon ako umangat ng mukha. Saan niya nakuha ang balitang may asawa na ako. Bakit hindi ako na-inform.

"A-Asawa?!" Nagtataka kong tanong.

Napakunot ang noo niya dahil sa tanong ko.

"Bakit, wala ka pang asawa?" Muli nitong tanong.

Last Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon