Jacob POV
After two years
"My god Jacob, lasing ka na naman!"
Napatingin ako sa taong nagsalita mula sa aking likuran. Galit itong nakatingin sa akin.
"Sa tuwing uuwi ba ako ng pilipinas ay maaabutan kita lasing?!" Aniyang muli habang dinadampot ang mga kalat na nasa sahig.
Agad na kumunot ang aking noo nang makita kung sino ito. Ngumiti ako sa kanya.
Anong ginagawa niya dito? Ang akala ko ba may flight ito.
"What are you doing here? Akala ko may biyahe ka?" Tanong ko sa kanya habang umiinom ng whiskey na hawak ko.
Nakapameywang itong nakatingin sa akin. Mababakas sa mukha nito ang inis kaya hindi ko na lamang ito pinansin. Mahirap na baka masigawan na naman ako.
"Kararating ko lang kagabi. At alam mo ba na sumbong agad ng mommy mo ang bumungad sa akin!" Galit na ani ni Almira.
Yes.. Naging magkaibigan kami ni Almira pagkatapos nang nangyari sa airport. Siya ang unang kumontak sa akin at nagtuloy tuloy na ang pagkakaibigan naming dalawa. Alam niya ang nangyari sa akin two years ago. At saksi siya sa paghihirap at pagdurusang pinagdaanan ko sa araw araw.
Nginisihan ko siya kaya nainis itong lalo sa akin. Binato niya ako ng unan sa likod na siyang ikinatawa ko.
"Hanggang kailan ka ba ganito Jacob? Napabayaan mo na ang sarili mong kompanya. Napabayaan mo na si Charm. Hanggang kailan mo sisirain ang buhay mo?" Bumuntong hininga ito at saka lumapit sa bar counter. Tumabi siya ng upo sa akin.
Hindi ako umimik at ipinagpatuloy ko lamang ang pag-inom ng alak na hawak hawak ko. Kapag naaalala ko ang nangyari parang dinadakot ang puso ko sa sobrang sakit.
Tama siya. Napabayaan ko ang lahat. Ang kompanya, ang anak ko at ang sarili ko.
Sa ngayon ay ang daddy ko at mga kaibigan ko ang siyang humahawak ng kompanya. Hindi ko kaya dahil baka pumalpak lang ako lalo. Si Charm naman ay doon na nakatira sa mga magulang ko dalawang taon na ang nakalilipas. Pinapasyalan ko na lamang siya kapag may oras ako. Ako naman ay nanatiling nakatira sa bahay namin ni Selene.
Pero plano ko na itong ipagbili at plano ko rin na bumili na lamang ng isang condo para sa akin. Gusto kong kalimutan na ang lahat. Ang mga alaala na naiwan sa bahay na ito. Hanggat nakikita ko ito ay naaalala ko lang ang magkapatid. Ang masasaya at malungkot na nangyari sa bahay na ito.
"Jacob, galing ako sa bahay ng mommy mo at nakausap ko si Charm." Bumuntong hininga itong muli bago niya tinapik ang balikat ko. "Malaki na ang tampo sayo ng bata. Kaya please naman ayusin mo ang buhay mo. Hindi porket nawala na siya ay mawawalan ka na rin ng dahilan para mabuhay. Huwag mong hintayin na pati ang kaisa isang tao na mayroon ka ay mawala na rin sayo ng tuluyan."
Yumuko ako upang itago ang luhang tumulo sa aking mata.
Natatandaan ko pa ang eksenang naabutan ko nang sundan ko si Lena sa amerika. Malinaw na malinaw sa aking alaala at gabi gabi ko iyon napapanaginipan. Para isa itong sirang plaka na paulit ulit na nagpi-play sa utak ko.
Sinundan ko siya makalipas ng ilang buwan upang ayusin ang buhay na meron kami. Gusto kong bumuo ng pamilya na kasama siya at si Charm. Plano kong suyuin siya at ibalik ng pilipinas.
Ngunit iba ang naabutan ko. Nakita ko siyang may kasamang ibang lalaki at batang lalaki. Hindi ko nakita ang mukha ng bata dahil nakatalikod ito mula sa pwesto ko. Masaya silang kumakain habang nagtatawanan.
Natakot akong lumapit sa kanila. Natakot ako na baka ipagkaila niya ako. At mas natakot akong marinig mula sa kanya na hindi na niya ako mahal. Na may mahal na siyang iba at masaya na siya kahit wala ako.
BINABASA MO ANG
Last Wish
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Selene diagnosed with breast cancer. At huli na ng malaman nila ito. Kaya agad niyang pinauwi ang kanyang kakambal na si Selena upang hilingin dito na alagaan at mahalin ang kanyang mag-ama. Nang malaman na...