Jacob POV
Nang makarating kami sa bahay ay binuhat ko si Charm at dinala sa silid nito. Nakita kong pumasok na rin sa sarili niyang silid si Lena. Gusto ko sana itong makausap dahil sa nangyari kanina. Ngunit hindi na kami nabigyan pa ng pagkakataon na makapag-usap. Siguro ay bukas ko na lamang siya kakausapin. Total ay pagod na rin kami.
Pagkatapos kong maiayos si Charm sa kanyang kwarto ay pumunta na ako sa kwarto ko at naligo na ako. Habang nagbibihis ako ay napatingin ako sa larawan namin ni Selene na nakasabit sa dingding ng kwarto namin.
Napa buntong hininga ako nang tingnan ko ang maamo at magandang mukha ng asawa ko.
Alam ko sa sarili ko na mali ang ginagawa ko. Alam kong mali ang nararamdaman ko para kay Lena. Pero ang ipinagtataka ko ay hindi man lang ako nakakaramdam ng pagsisisi. Pakiramdam ko ay tama ang lahat at dapat ito talaga ang mangyari.
Lumabas ako sa veranda ng aming kwarto habang may hwak akong baso ng alak. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Gulong gulo na ako sa nangyayari at sa nararamdaman ko.
Gusto kong puntahan si Lena sa silid nito. Gusto kong mayakap siya at maramdaman ang malambot niyang katawan. Gusto ko siyang angkinin at gusto kong iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko.
Nababaliw na ako. Hindi na simpleng attraction ang nararamdaman ko para kay Lena. Hindi ako tanga para hindi maintindihan kung ano man ang nangyayari sa akin.
Baliw na ako kay Lena. Ganitong ganito ako noon ng magpasya akong hanapin ko ang babaeng nakasama ko ng gabing iyon. Matapos may mangyari sa amin.
At alam kong hindi ito simpleng pagnanasa at infatuation lamang. Mahal ko si Lena kaya ako ganito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano pa ba ang nararamdaman ko para sa asawa ko. Kung pagmamahal ang nararamdaman ko para kay Lena ano ang tawag sa nararamdaman ko para kay Selene.
Humugot ako ng malalim na hininga at pumunta sa kwarto ni Selene. Kailangan kong maliwanagan. Dahil kung hindi ay baka mabaliw na ako ng tuluyan.
Nang makapasok ako ay nakita ko siyang natutulog. Tinitigan ko ang mukha niya.
Wala na ang sigla ng dati kong asawa. Wala na ang mga ngiti ng babaeng aking minahal. Minahal ko nga ba siya? O sa loob ng higit limang taon ay niloko ko lang ang sarili ko. Dahil alam ko naman na may kulang.
Lumapit ako sa kanya at hinaplos ko siya sa mukha. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Sa mga ginagawa ko behind her back. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko ito.
Naramdaman siguro niya ako kaya dahan dahang dumilat ang kanyang mata.
"H-Hon."
Mabilis kong pinunasan ang luha na kumawala sa aking mata. Ngayong nakikita ko siya at habang tinititigan ko siya ay nasagot na ang mga tanong ko sa sarili ko. Wala na akong nararamdaman para sa kanya. Awa na lamang at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin o dapat ko pa bang sabihin iyon.
"I-I'm sorry kung nagising kita."
Hinaplos niya ang aking pisngi. Kaya napapikit ako. Dinama ko ang init ng kanyang palad.
"It's okay. Kumusta ang pamamasyal nyo?" Mahinang tanong niya.
Napangiti ako ng maalala ang mga ngiti ni Charm at Lena habang nakasakay kami sa ferris wheel.
"Sobrang masaya si Charm. Mukhang nag-enjoy naman si Lena." Ani ko sa kanya.
"E ikaw, masaya ka ba?" Tanong niya kaya napatingin ako sa mata niya.
Hindi ko alam pero parang may laman ang tanong niya. Parang mayroon siyang gustong sabihin. At parang mayroon siyang gustong ipahiwatig.
"Yeah, I'm happy. Pero mas masaya sana si Charm kung kasama ka."
BINABASA MO ANG
Last Wish
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Selene diagnosed with breast cancer. At huli na ng malaman nila ito. Kaya agad niyang pinauwi ang kanyang kakambal na si Selena upang hilingin dito na alagaan at mahalin ang kanyang mag-ama. Nang malaman na...