Chapter 10

665 30 3
                                    

Selena POV

"Ako! Ako yung babae na nakilala mo at nakasama mo magdamag! Ako yon!" Umiiyak kong saad habang nakatitig sa mata niya.

Nagulat siya at nanlaki ang mata sa sinabi ko. Hindi agad ito nakakilos kaya humagulgol ako ng iyak.

"Ako iyon. Ako dapat ang kasama mo ngayon. Ako dapat ang asawa mo hindi siya." Humahagulgol kong sabi habang nakayuko at hindi tumitingin sa mata niya.

Tumayo ako at kinuha ang mga damit ko. Hindi ko siya sinulyapan at nagbihis ako sa harapan niya.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pinaghalong galit, inis at panghihinayang. Alam kong nangyari na at hindi na iyon maibabalik pa pero hindi ko maiwasan ang magalit.

Nang makapagbihis ako ay kinuha ko agad ang bag ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng yumakap siya sa akin mula sa likuran. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang panginginig niya at dinig ko ang mahina niyang pag-iyak.

Lalo akong naiyak dahil sa pagyakap niya at pag-iyak. Pinaglaruan kami ni ate Selene. Pinaglaruan niya ang mga nararamdaman namin. Ginawa niya kaming tanga pareho. Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw.

"Please baby, stay. Gusto kong mag-usap tayo please. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang hinanap ko. Hindi ko alam na may kakambal siya. Sinabi niya sa akin na may kapatid siya na nasa America pero hindi niya sinabi na kakambal ka niya. Sinabi lang niya na kakambal ka niya nung may sakit na siya at may taning na ang buhay niya." Umiiyak na ani ni Jacob.

Ibig sabihin kung hindi pa siya nagkasakit ay hindi niya aaminin ang totoo. Kaya pala humihingi siya ng tawad sa akin. Dahil malaki ang kasalanan niya. Pinaglaruan niya ako. At ang masakit ay alam niya na ama ni Justin si Jacob pero hindi niya sinabi dito ang totoo.

Ngayon ko lang napagtagni tagni ang lahat. Kaya pala hindi niya ito ipinakilala. Kaya pala hindi niya ako pinilit na umuwi noong ikasal siya. Kaya pala hindi man lang niya ako inaya na umuwi ng pilipinas dahil maaari kong makita ang asawa niya.

Ngayon paano ko pa siya susumbatan? Paano ko ipamumukha sa kanya ang lahat ng hirap ko? Paano ko ipaparamdam sa kanya ang sakit ng ginawa niya kung nakaratay na siya at unti unting pinapatay ng sakit niya.

"Please baby. Pakinggan mo ako." Iniharap niya ako sa kanya kita ko ang hirap at sakit sa kanyang mukha. Nasasaktan din siya hindi lang ako. Dahil sa aming dalawa ay siya ang lubos na niloko. "Sa loob ng limang taon naming kasal ni minsan ay hindi ko naramdaman ito. Alam kong pinakasalan ko siya at pinakisamahan dahil nasa kanya ang mukha ng babaeng minahal ko. Pero ng makita kita lahat ng naramdaman ko simula noong una kita makita ay naramdaman kong muli. Kaya tinanong kita noon kung ikaw ba yung nakilala at nakasama ko noon, dahil gulong gulo na ako."

Naalala ko iyon. Nung isang beses na umuwi siya ng nakaimom. Tinanong niya ako kung ako ba iyon dahil sa nararamdaman niya. Alam kong nahihirapan siya at naguguluhan. Dahil kahit ako ay ganon din ang nararamdaman.

Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan ko siya ng magaan sa labi. Hindi ako dapat magalit sa kanya. Biktima lang din siya. At wala siyang alam sa mga nangyari.

"Umuwi ka na muna. Kailangan ko lang muna mapag-isa. Gusto kong pag-isipan lahat ng nangyayari. Please Jacob."

Umiling ito at niyakap ako ng mahigpit. Pilit akong humiwalay sa kanya ngunit hindi niya ako pinakawalan. Siniil niya ako ng halik kaya nanlambot muli ang aking mga tuhod. Bakit ba sa simpleng halik lamang niya ay nawawala ako sa tamang pag-iisip. Marupok 2.0

Nang mahiwalay ang aming mga labi ay nakakaunawa itong tumingin sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi at hinalikan niya ako sa noo.

"Sige hahayaan na muna kita. Pero please tawagan mo ako kung nasaan ka para hindi ako mag-alala." Tumango ako at pilit na ngumiti.

Last Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon