Chapter 10

7.7K 165 25
                                    

Indira wake up with a throbbing head and wanted to vomit. She gets up on the bed and run towards her bathroom and she vomits. Nagtataka siya dahil wala naman siyang kinain na panis. Ngunit ang kaniyang labis na ipinagtataka ay hindi pa siya dinatnan matapos noong nagtalik sila ni Hunter.

Nagmumog ito at naghilamos, kaharap niya ang salamin at tinitignan kung may pagbabago sa kaniyang sarili. Minsan ay nakakaramdam siya ng hilo at naiirita siya sa mga bagay-bagay.

No, mali ang iniisip mo, Indira.

Posible kayang buntis ako?

She walked outside the bathroom and exactly, her friend, Harry Smith saw her with a pale look. Harry was worried about her so he rushed towards Indira.

"Hey! Are you okay? You look fucking pale, Indira. May masakit ba sa iyo?" Magkakasunod na tanong nito.

Nanlaki ang mata ni Indira. "K-Kailan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagsabi, sana nasundo kita."

"Don't change the topic, my friend, why do you look pale? Are you sick?" tanong nito.

"May nakain lang siguro akong hindi tugma sa tiyan ko," sagot nito sa kaibigan.

Nagtaas ng kilay si Harry at sinundan ang kaibigan niya sa kusina. Sumandal siya sa pintuan ng kusina at pinapanood lamang ang bawat galaw ni Indira.

"Bakit para kang may mabigat na problema, Indira MaceQuinne?" Tanong nito at tinawag siya sa buong pangalan niya. "Is it about your husband?"

Nang marinig ni Indira ang pagbanggit ni Harry sa kaniyang pekeng asawa ay napalingon siya rito. "Hoy! Pekeng asawa ko lang iyon, huwag ka ngang malisyoso!" angil niya.

"Mahal mo na?" Biglaang tanong muli ng kaibigan.

Indira sighed. Bagsak ang kaniyang balikat na tumalikod sa kaibigan at naghanda ng kanilang agahan. "Hindi ko alam, siguro..." sagot niya. "Siguro kaya kaya ako nasasaktan ng ganito kasi mahal ko na. Lahat naman natututunan mahalin ang isang tao..." dugtong pa niya.

"Pero alam mo 'yong mas masakit? Iyong dadatnan mo siyang may katalik na ibang babae sa mismong bahay namin." emosyonal na sambit ni Indira. "At sasabihin niya na wala lang ako, harap-harapan pa iyon na sasabihin niya sa babaeng katalik niya," tila nagsusumbong na usal niya.

Harry clench his jaw, "hayaan mo siya, Indira. Hindi siya kawalan. Duwag ang lalaking katulad niya." saad niya.

"Peke lang 'yong kasal namin, Harry..." saad ni Indira sa malungkot na tono habang naghihiwa ng sibuyas. "At alam mo ba 'yong pinakamasakit na ipinamukha niya sa akin? Pinunit niya 'yong annulment paper namin mismo sa harap ko," Indira sobbed. "I give him the freedom he wants... ang tanga ko lang sa part na nahulog ako sa kaniya. Lumalayo ako, siya naman itong lumalapit..." litanya niya.

Lumapit si Harry sa kaniyang kaibigan at hindi maiwasan na hindi maawa kay Indira. Tinapik niya ang likod nito para patahanin ang dalaga at makalipas ang ilang oras ay tumahan na rin ito.

"Pasensya ka na..." humingi ng paumanhin si Indira. "Naabala ko pa ang pagdating mo, imbes na natutulog ka na ngayon pero narito ka at pinapatahan ako..."

Harry chuckled. "Kaibigan kita, Indira." nag-iwas ng tingin ang kaibigan nito. "Ang k-kaibigan, nagtutulungan at nagdadamayan."

Kung sana ako na lang ang pinili mo noon, hindi ka masasaktan ng sobra sa lalaking hindi marunong magmahal, Indira. Harry thought in mind.

UMALIS si Indira sa condo unit ng kaniyang kaibigan at nagtungo sa hospital para kumpirmahin kung tama ba ang kaniyang hinala. At kung tama man na buntis siya ay naisip niyang huwag ipagsabi kay Hunter dahil kakasuklaman lamang niya ito.

AGENT SERIES#1: Her Agent Groom ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon